Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 341 total views

17th Sunday of Ordinary time Cycle A Fil-Mission Sunday

1 Kings 3:5.7-12 Rom 8: 28-30 Mt 13:44-46

Sa ating panahon ngayon, madalas gamitin sa simbahan ang salitang DISCERNMENT. Ano ba ang ibig sabihin nito at bakit natin gagawin ito? Ang discernment ay ang malalim na pagninilay at pagsusuri, sa gabay ng Espiritu Santo, upang malaman ang nararapat gawin ayon sa kalooban ng Diyos. Ito ay ginagawa sa diwa ng panalangin. Hindi bago ang gawaing ito. Matagal na itong ginagamit sa simbahan ngunit ngayon lang pinagkakatuunan ng pansin. Nagsusuri at nagninilay tayo upang maging maayos ang ating desisyon, lalo na sa mahahalagang bagay. Nagdi-discern ako kung ako ba ay tinatawag ng Diyos para magpari o magmadre. Nagdi-discern ako kung papakasalan ko ba ang lalaki o ang babaeng ito. Nagdi-discern ako kung papasok ba ako sa ganitong business o hindi. Nadi-discern ako kung magpapa-opera ba ako sa aking mata o hindi. Gusto nating magdesisyon ng tama. Sa ating pagdi-discern dapat may kabukasan kung ano ang gusto ng Diyos sa atin. Hindi lang ako naghahanap ng gusto ko o ng madali sa akin. Hinahanap natin ang kalooban ng Diyos kasi naniniwala tayo na mahal tayo ng Diyos at mabuti ang kanyang kalooban para sa atin.

Kumbinsido tayo na ginagabayan tayo ng Diyos. Kaya ginagawa natin ang discernment sa diwa ng panalangin. Alam natin na nandiyan ang Espiritu Santo na ibinigay ni Jesus upang dalhin tayo sa katotohanan at katuwiran. Hindi tayo nagmamadali sa ating discernment at hindi tayo nagpapadala sa ating mga damdamin. Kaya hindi tayo nagdedesisyon ng ora-orada, o kung tayo ay galit, o nabubulagan ng pag-ibig o ng inggit. May kabuksan tayo sa gusto ng Diyos at may kahandaan tayo na gawin ang kalooban niya.

Naniniwala tayo sa sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na sa lahat ng bagay gumagawa ang Diyos sa mga nagmamahal sa kanya ayon sa kanilang ikabubuti. Kaya hinahanap natin ang kanyang panukala para sa atin. Ginagabayan niya at tinatawag niya ang nagmamahal sa kanya.

Pakinggan natin ang kanyang tawag at ano ang kalooban niya. Maging handa tayong itaya ang lahat upang gawin ang gusto niya. Ito ang ibig sabihin ng dalawang talinhaga niya sa ating ebanghelyo. Noong makita ng dalawang tao ang pinakamahalaga para sa kanila – ang isa ay ang bukid na may kayamanan at ang isa ay ang mamahaling perlas – hindi nag-atubili ang dalawa na itaya ang lahat upang mabili ang mga ito. Ipinagbili ang lahat ng ari-arian nila upang mabili ang bukid at ang perlas. At ginawa nila ito nang masaya. Hindi sila nalungkot na nawala ang kayamanan nila. Mas mahalaga ang binili nila. Ano ba itong bukid na may kayamanan at ang mamahaling perlas? Walang iba kundi ang plano o ang gusto ng Diyos, sa ibang salita, ang kanyang kaharian. Ganoon din ba tayo ka-committed sa kagustuhan ng Diyos? Ang Diyos ba at ang kanyang kaharian ang nauuna sa buhay at concern natin? Handa ba tayong magtaya upang gawin ang kalooban ng Diyos?

Sa ating unang pagbasa narinig natin na maayos ang discernment ni haring Solomon. Tama ang kanyang hiningi sa Diyos at natuwa ang Diyos. Hindi siya naging makasarili. Hindi niya hiningi na maging mayaman siya o mapreserve siya sa kanyang paghahari kaya dapat tanggalin ang mga magiging karibal niya sa kanyang trono. Ang hiningi niya ay ang kakayahan na mamuno siya nang maayos. Gusto niya na mag-succeed sa kanyang bagong tungkulin na hari ng Israel. Kaya sabi niya sa Diyos: “Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling.” Hiningi niya ang karunungan upang maging mabuti at matuwid ang kanyang pamumuno. Ito ay hindi para sa kanya kundi para sa ikabubuti ng bayan ng Diyos. Natuwa ang Diyos at binigyan siya ng karunungan sa kanyang paghahari, at isinama na rin ang malaking kayamanan at ang mahabang buhay.

Tandaan natin na si Eba ay naghangad din ng kaalaman ng mabuti at masama noong siya ay tuksuhin ng ahas sa jarden ng Paraiso. Pero hinangad niya ito upang maging tulad siya ng Diyos. Ito ay para sa kanyang kapakanan lang at ito ay tanda ng kanyang kayabangan. Hindi siya naging kontento na maging tao. Gusto niyang maging Diyos! Dahil dito, siya ay pinarusahan. Pinaalis siya sa Paraiso.

Sa Bibliya napatunayan kaagad ang paggamit ni Solomon ng kanyang karunungan upang makapamuno ng matuwid. May kaso na inilahad sa kanya na kailangan niyang pagpasyahan. May dalawang babae na sabay na nanganak sa isang bahay. Isang gabi, nadaganan ng isa ang kanyang anak at namatay ito. Noong naramdaman niya na patay na ang kanyang anak, ipinagpalit niya ito sa anak ng babaeng katabi niya. Kinaumagahan natagpuan nito na patay ang bata na nasa tabi niya ngunit sa kanyang pagsusuri nakita niya na hindi ito ang kanyang anak. Pero sabi ng isang babae na anak niya iyon. Kaya ipag-agawan nila ang batang buhay. Dinala nila ang kaso kay Haring Solomon. Pagkarinig ng hari sa kanilang kaso ang kanyang pasya ay hatiin ang batang buhay at tig-iisang ibigay ang kalahati ng bata sa dalawang babae para hindi na sila mag-away. Napasigaw ang isang babae: Ibigay na lang ninyo ang bata sa babaeng iyon, huwag na siyang patayin. Sabi naman ng isa, tama iyan, hatiin ang bata para wala ng pag-awayan. Sabi ni Solomon: Ibigay ang bata sa babaeng ayaw hatiin ang bata. Siya ang tunay na nanay ng bata. Dito pinakita ng hari ang kanyang karunungan sa pamumuno, ang kanyang pagkilala sa masama at mabuti. Talagang magaling na hari siya. Matuwid ang kanyang pamumuno.

Sana ito rin ang hangarin ng mga namumuno sa atin – na ang concern nila ay mamuno nang matuwid at hindi ang kanilang sariling interes lamang. Pero nagdududa tayo kung ito nga ang intention ng mga leaders natin. Makikita natin ito sa kaso ng Maharlika Fund. Inaprubahan ba ito upang makatulong sa kaunlaran ng bayan o para may makuha na pondo ang mga namumuno na hindi dumadaan sa checks and balances ng pamahalaan. Baka ang Maharlika Fund ay maging gatasan naman ng mga opisyales. Sana naman nag-didiscern ang mga leaders natin. Pero makaka-discern sila kung ang hinahanap nila ay hindi ang sariling interes kundi ang matuwid na pamumuno sa bayan. Makaka-discern sila kung sila ay nagdarasal at nagpapagabay sa Diyos.

Tuwing huling Linggo ng buwan ng Hulyo ay ang Fil-mission Sunday. Sa Linggong ito inaalaala natin ang mga misyonerong Pilipino. Limang daang taon na tayong Kristiyano. Tinanggap natin ang pananampalataya kasi may mga misyonero mula sa ibang bansa na nagtrabaho sa atin. Ngayon naman nagpapadala na tayo ng mga Pilipinong misyonero sa ibang bansa. Suportahan natin sila. Kaya sa araw ito, ipagdasal natin sila. Magkakaroon din tayo ng second collection upang magpadala sa kanila ng pinansyal na tulong para sa kanilang gawain. Kahit na mahirap tayo – kulang din tayo sa pari at wala naman tayong malaking pera – pero kailangan din na maging generous tayo upang maabot ng Magandang Balita ni Jesus ang lahat ng tao. Ang paglawak ng paghahari ng Diyos ay gawain nating lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,821 total views

 20,821 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,477 total views

 35,477 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,592 total views

 45,592 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,169 total views

 55,169 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,158 total views

 75,158 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,051 total views

 5,051 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,148 total views

 6,148 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,753 total views

 11,753 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,223 total views

 9,223 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,271 total views

 11,271 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,599 total views

 12,599 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,845 total views

 16,845 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,273 total views

 17,273 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,333 total views

 18,333 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,643 total views

 19,643 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,372 total views

 22,372 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,558 total views

 23,558 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,038 total views

 25,038 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,448 total views

 27,448 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,725 total views

 30,725 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top