Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 254 total views

Holy Trinity Sunday

Prov 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15

Ngayong araw ay ang ating Independence Day. Mahalaga na ipaalaala sa atin ang ating Independence, ang ating Kasarinlan taon-taon upang mapahalagahan natin ang Kalayaan na ipinaglaban ng ating mga ninuno. Magpasalamat tayo sa kanila lalo na sa mga nagbuhos ng buhay upang tayo ay maging malaya. Ingatan din natin ang kalayaang ito upang hindi ito mawala sa atin. Ipinaglaban natin ito laban sa mga Kastila, laban sa mga Amerikano, at laban sa mga Japones. Ipaglaban din natin ito laban sa kapwa Pilipino na magsasamantala sa atin. Nangyari ito noong Martial Law na ang nang-api sa atin ay kapwa Pilipino at mga military at police na mga Pilipino. Huwag po tayo magpaapi muli. Huwag natin i-surrender ang Kalayaan natin na mag-isip, na magsalita, na maniwala at ng sama-samang pagkilos para sa kabutihan ng lahat. Ipasalamat, ipagdasal at panindigan natin ang ating kasarinlan.

Sa simbahan mayroon din tayong ipinagdiriwang ngayong araw. Ito ay ang Trinity Sunday. Pinapaalaala sa atin sa kapistahang ito kung sino ang Diyos natin. Ang Diyos natin ay iisa. Siya ay pagkaka-isa ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang iisang Diyos natin na Ama, Anak at Espiritu Santo ay pinapahayag natin sa bawat pagkakataon na nag-aantanda tayo ng Krus. Binabanggit ng ating labi: “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang lahat ay ginagawa natin sa ngalan ng ating Diyos kaya sa bawat pagkilos natin nag-aantanda tayo ng Krus. At ang pagkilos ng Diyos ay lalo nating natatanggap sa pagkamatay ni Jesus sa Krus para sa atin. Kaya kinukrusan natin ang ating sarili. Inalay ng Ama ang kanyang anak na nag-alay ng kanyang sarili sa Krus at napapabanal tayo nito sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Hindi po natin malalaman na ang iisang Diyos ay Ama, Anak at Espiritu Santo kung hindi po ito ipinahayag ni Jesukristo, ang Diyos anak na naging tao. Siya ang nagsabi nito sa atin kaya naniniwala tayo sa Diyos na Isa’tlo o Diyos na IsangTatlo. Sa ating ebanghelyo ngayon sinabi ni Jesus na marami pa siyang ibig sabihin sa atin pero hindi natin kayang maintindihan ang lahat. Kaya nagpapadala siya ng isa pang katulong na gagabay sa atin tungo sa buong katotohanan. Siya ang Espirtu ng Katotohanan. Ang kanyang sasabihin ay hindi naman kakaiba sa mensahe ni Jesus, at ang mensahe ni Jesus ay hindi naman kakaiba sa mensahe ng Ama. Ang lahat lang na nanggaling sa Ama ang sinabi ni Jesus at siya naman ang sasabihin at palalalimin ng Espiritu Santo. Kaya nandiyan na ang pahayag ni Jesus sa Isa’tlo o sa Trinity sa mga pangungusap na ito ni Jesus.

Ang pagpapakilala ni Jesus na ang Diyos ay Isa’tlo ay pinaniniwalaan naman ng mga apostol at ito rin ang tinuturo nila. Sa ating ikalawang pagbasa sinulat ni San Pablo sa mga taga-Roma na nagkakaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesukristo dahil sa ating pananampalataya na nagbibigay sa atin ng pag-asa kahit na dumadaan tayo sa kahirapan at mga pagsubok. Ang pag-asang ito ay galing sa pag-ibig ng Diyos na ibinuhos sa ating mga puso ng Espiritu Santo. Kaya kumikilos ang Isa’tlo sa atin para sa ating kaligtasan. Ito ay galing sa Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesukristo, ang Diyos Anak, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na binibigay sa atin.

Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay magkakaiba. Hindi sila magkapareho. Pero sila ay nagkakaisa sa kanilang pagkilos kasi binubuklod sila ng pag-ibig. Sa kanilang pagkakaibigan sila nagkakaisa kaya nga isa na lang sila sa kanilang pagka-Diyos. Noong tayo ay bininyagan tayo ay naging anak ng Diyos. Ibinahagi ng Diyos Anak ang kaniyang pagiging Anak kaya ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu, ang Espiritu Santo. Dahil sa kanyang kapangyarihan matatawag na natin ang Diyos na “Tatay, Ama ko.” Kaya nagiging kasama tayo sa pagmamahal ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. We become part of the dynamics of love of the Holy Trinity. What a wonderful thought. We take part, already now, in the eternal loving of the Trinity.

Ang hamon nito sa atin ay magkaisa din tayo tulad ng ating Diyos. Kahit magkaiba tayo – matanda at bata, lalaki at babae, mayaman at mahirap, iba’t-iba ang ating ugali at pananaw, kay BBM mano kay Lenie – pero tayo ay nagkakaisa kung tayo ay pinagsasama ng pag-ibig. Ang pairalin natin ay hindi ang ating pagkakaiba, kundi ang ating pag-iibigan. Malalampasan ng ating pag-ibig na walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos, kahit anuman ang ating pagkakaiba.

Pero ang pagkakaisa sa pag-ibig ay hindi nagbabalewala sa ating pagkakaiba. Hindi nawala ang ating individualities. Nandiyan pa rin ang pagkakaiba natin at ang mga ito ay hindi naghihiwalay sa atin bagkus nagpapatingkad pa sa ating pagkakaisa.

Sa Holy Trinity naglalaro ang pagkakaisa at pagkakaiba dahil sa pag-ibig. Ganyan din dapat tayo. Kaya sa simbahan sa Pilipinas ang Holy Trinity Sunday ay siya ring BEC Sunday, Sunday of the Basic Ecclesial Community. Upang maging tunay tayong simbahan at upang maranasan natin ang ating pagkakaisa sa simbahan kailangan na maging BEC tayo. Hindi tayo iniligtas ng Diyos nang isa-isa. Nililigtas tayo bilang kasama ng isang communidad.

Nagsasama-sama tayo. Paano tayo magmamahal kung nag-iisa tayo? Lumalago ang ating pagmamahalan sa ating pagkakaisa at sa ating pagsasama sa iba. Ang BEC ay samahan ng mga Kristiyano na magkapit-bahay. Doon natin naisasabuhay ang love of neighbor. Ang modelo at inspirasyon ng ating pamilya at ng ating BEC ay ang Diyos mismo – ang Isa’tlo. Kaya ang Diyos na Isangtatlo ay hindi lang isang palaisipan. Ito ay isang hamon at isang karanasan. Danasin natin ang Isa’tlo. Pumasok tayo sa pag-iibigan ng ating Diyos at isabuhay natin ito sa simbahan, sa ating BEC at sa ating pamilya.

Nag-gets ba natin ito? Hindi. Totoo, malalim ito. Pero pinangako naman ni Jesus ang kanyang Espiritu na gagabay sa atin sa buong katotohanan. Buksan natin ang ating sarili sa gabay ng Holy Spirit upang lalo nating maisabuhay ang Diyos na Isa’tlo!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,208 total views

 18,208 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,864 total views

 32,864 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,979 total views

 42,979 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,556 total views

 52,556 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,545 total views

 72,545 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,930 total views

 4,930 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,027 total views

 6,027 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,632 total views

 11,632 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,102 total views

 9,102 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,150 total views

 11,150 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,478 total views

 12,478 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,724 total views

 16,724 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,152 total views

 17,152 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,212 total views

 18,212 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,522 total views

 19,522 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,251 total views

 22,251 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,437 total views

 23,437 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,917 total views

 24,917 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,327 total views

 27,327 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,605 total views

 30,605 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top