7,997 total views

Homily June 2, 2024
Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B
Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26

Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama. Nakaluklok siya sa kanan ng Diyos Ama at ang dakilang posisyong ito ay ginagamit niya para ipatuloy na ipakipag-usap tayo sa Ama. Pero hindi lang iyan. Nangako siya na hindi niya tayo iiwan. Ginagawa niya ito mula pa noon hanggang ngayon at hanggang sa wakas ng panahon sa isang paraan na hindi man natin ma-imagine.

Noong Huling Hapunan itinatag niya ang sakramento ng Banal na Eukaristiya. Ang tinapay ay ginawa niyang kanyang laman upang maging pagkain natin at ang alak na kanyang dugo bilang inumin natin. Inalay niya ang kanyang sarili para may pagsasaluhan tayo. Ang pag-aalay na ito ay nangyari kinaumagahan ng kanyang pagkapako sa krus. Namatay si Jesus sa krus hindi dahil sa mahina siya na hindi niya natalo ang mga Romano at mga Hudyo, hindi dahil sa kulang siya ng diskarte na matakasan sila. Ang kanyang pagkamatay ay kusang pag-aalay niya para sa atin dahil sa pagmamahal niya. At ang kusang pag-aalay na ito ay patuloy natin nararanasan sa Banal na Misa, at napapakinabangan siya sa pagtanggap natin ng Banal na Komunyon.

Sa Banal na Misa patuloy nating naaalaala at nararanasan ang pag-aalay ni Jesus para sa atin. Nakikinabang tayo rito sa pagtanggap ng kanyang inialay – ang kanyang katawan at dugo. Siya mismo ay nagsabi na ang kanyang laman ay tunay na pagkain at ang kanyang dugo ay tunay na inumin. Nagpaiwan siya sa anyo ng tinapay at alak upang patuloy tayong samahan sa ating paglalakbay patungo sa langit.

Ang pag-aalay ng dugo para pagtibayin ang tipan ay mayroon nang matagal na kasaysayan sa buhay ng mga Israelita. Narinig natin sa ating unang pagbasa na paglabas ng mga Israelita sa Egipto nakarating sila sa paanan ng bundok ng Sinai. Doon binigay ng Diyos ang kanyang mga utos sa mga tao at silang lahat ay nangako: “Lahat ng iniutos ng Panginoon ay susundin namin.” Nagkipagkasunso sila sa Diyos. Ang Panginoon ay magiging Diyos nila. Aalagaan sila, papatnubayan at dadalhin sa lupa na ipinangako para sa kanila. Sila naman ay magiging bayan niya. Susunod sila sa mga utos niya sa kanila. Dugo ang naging tanda ng kasunduang ito. Kalahati ng dugo ng mga hayop na inalay ay winisik sa mga tao at ang kalahati ay ibinuhos sa altar. Ang seremonyas na ito ay ginagawa nila taon-taon. May hayop silang inihahain at ang dugo nito ay winiwisik sa mga tao at winiwisik sa altar ng dambana.

Sa atin, ang bagong bayan ng Diyos, pinag-isa tayo sa Diyos hindi na sa pamamagitan ng dugo ng isang hayop kundi ng dugo mismo ni Kristo. Ang dugong ito ay inialay para sa kapatawaran ng kasalanan. Kaya sinabi niya sa Huling Hapunan: “Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong ibubuhos para sa marami.” Ipinagdiriwang natin ang pag-aalay na ito sa bawat misa. Ang iisang sakripisyo ni Jesus sa Krus ay nangyayari sa harap natin, ito ay pinapasa-ngayon sa bawat misa.

Kaya mga kapatid, mahalaga ang misa sa atin. Ito ay tanda ng pagnanais ni Jesus na manatili sa atin. Sa kanyang katawan at dugo, si Jesus ay talagang nanatili sa atin. Hindi lang ito sagisag ni Jesus. Ito ay si Jesus mismo, kaya sinasamba natin ang Banal na Katawan ni Jesus na nasa anyo ng pagkain, nasa anyo ng tinapay.

Nagpapaiwan si Jesus sa anyo ng tinapay, ng isang pagkain, kasi ibig niya na kainin natin siya. Hindi lang niya ibig na makapiling tayo. Ibig niya na pumasok sa ating katawan, na makiisa talaga sa bawat isa sa atin. Kung talagang mahal natin siya, tatanggapin natin siya. Ayaw ba natin na sumaatin ang Diyos? Kaya sa bawat pagkakataon na mayroon tayo, sa bawat pagsisimba natin, magkomunyon tayo. Hindi lang tayo nakikinig ng misa. Hindi lang tayo nagdarasal sa misa. Tinatanggap natin si Jesus sa misa sa pagtanggap ng kanyang salita at ng kanyang katawan. Ito ang dalawang pagkain na inaalok sa atin: ang Salita at ang Katawan ng Panginoong Jesus.

Oo, tanggapin natin ng madalas si Jesus, pero tanggapin natin siya ng karapat-dapat. Diyos yata ang tinatanggap natin! Hindi lang tayo sumusubo ng ostia. Kaya pinaghahandaan natin ang Banal na Komunyon. Nagbibihis tayo ng maayos para sa Banal na Misa. Makakatagpo yata natin ang Panginoon. Hindi tayo kumakain ng isang oras bago magkomunyon kasi ang pagkaing tatanggapin natin ay hindi isang ordinaryong pagkain. Ito ay ang Panginoon. Higit sa lahat, tanggapin natin si Jesus na walang kasalanang malaki. Kapag tayo ay may mabigat na kasalanan tinatanggihan natin ang Diyos, inaayawan natin siya. Ano iyan, ayaw natin sa kanya at tinatanggap natin siya? Alin ba ang totoo? Kaya kung gusto nating tanggapin siya pagsisihan na natin ang ating kasalanan. Ikumpisal natin ang ating mabigat na kasalanan. Ang maliliit na kasalanan ay napapatawad sa ating pagsisisi sa simula ng misa pero ang mabibigat na kasalanan ay dapat ikumpisal sa pari. Basta walang malaking kasalanan maaari tayo magkomunyon. Kaya umiwas tayo sa mabibigat na kasalanan upang palagi tayong makapagkomunyon.

Si Jesus ay ibig palaging manatili sa atin. Huwag tayong lumayo sa kanya. Tanggapin natin siya. Mahal tayo ni Jesus. Mahalin din natin siya. Magkomunyon tayo palagi. Kapag palagi nating tinatanggap si Jesus nang karapat-dapat, dahan dahan nagiging tulad tayo ni Jesus. Binabago niya tayo at nakukuha natin ang kanyang ugali at pananaw. Ayaw ba natin maging tulad ng Anak ng Diyos?

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 9,599 total views

 9,599 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 13,578 total views

 13,578 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 24,470 total views

 24,470 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 36,912 total views

 36,912 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 47,679 total views

 47,679 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 1,869 total views

 1,869 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 4,158 total views

 4,158 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 7,064 total views

 7,064 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 8,003 total views

 8,003 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 11,715 total views

 11,715 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 13,561 total views

 13,561 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 13,558 total views

 13,558 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 18,067 total views

 18,067 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 23,383 total views

 23,383 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 25,541 total views

 25,541 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 27,699 total views

 27,699 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 28,049 total views

 28,049 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 41,519 total views

 41,519 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 41,946 total views

 41,946 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 44,659 total views

 44,659 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top