Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 30,929 total views

13th Sunday of Ordinary Time Cycle B
St. Peter’s Pence Sunday
Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43

Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang Balita sa atin na narinig natin sa Aklat ng Karunungan sa unang pagbasa ay: “Ang kamatayan ay hindi likha ng Diyos; ang kamatayan ng alinmang may buhay ay hindi niya ikinalulugod… Lahat ng nilalang niya ay mabuti at mahusay… ang tao’y hindi nilikha ng Diyos para mamatay, kundi para maging larawan niyang buhay.”

Kung ganoon nga, saan pala nanggaling ang kamatayan? Narinig natin: “Dahil sa pakana ng diyablo nakapasok ang kamatayan at ito ang kinahinatnan ng mga nasa ilalim ng diyablo.” Ito ang kaligtasan, inagaw na tayo sa kuko ng kamatayan. Kaya nga dumating si Jesus, ang anak ng Diyos na naging tao. Namatay siya upang tayo ay mabuhay. Wala ng kapangyarihan sa atin ang kamatayan.
Pero kung niligtas tayo ni Jesus sa kamatayan, bakit namamatay pa tayo kahit na tayo ay naniniwala at sumusunod sa kanya? Ang tagumpay ni Jesus sa kamatayan ay hindi sa pagtanggal ng kamatayan. Nandiyan pa rin ito at dadaan pa rin tayo sa kamatayan pero hindi na ito ang huling salita. Kaya hindi dapat tayo matakot sa kamatayan. Malalampasan natin ito. Para sa mga walang pananampalataya kapag namatay ang isang tao, wala na silang pag-asa, wala na silang magagawa kasi patay na siya. Tapos na ang buhay niya. Hindi iyan totoo kay Jesus. May kapangyarihan siya na bumubuhay sa atin mula sa kamatayan. May pag-asa pa rin sa harap ng kamatayan, kasi may buhay pa sa kabila ng kamatayan.

Pinatunayan ito ni Jesus sa ating ebanghelyo ngayong araw. May dalawang sitwasyon na wala ng pag-asa. Ang isang babae ay labingdalawang taon na may karamdaman. Dinudugo siya at ginawa na niya ang lahat ng magagawa niya; pumunta na siya sa maraming doctor. Hindi naman bumuti ang kalagayan niya, lumala pa nga. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa kasi may pananampalataya siya. Nanalig siya kay Jesus. Aniya: “Mahipo ko lang ang kanyang damit ay gagaling na ako.” Ganyan nga ang nangyari. Kahit hindi siya kilala ni Jesus at hindi alam ni Jesus kung sino siya at ano ang balak niya, naramdaman ni Jesus na may humipo sa kanya na kakaiba kaysa paghipo ng mga taong dumadagsa sa kanya. May kapangyarihang lumabas sa kanya. Noong ipinagtapat ng babae na nanginginig sa takot at sa saya kasi naramdaman niya na gumaling na siya, sinabi ni Jesus sa kanya: “Pinagaling ka ng iyong pananalig sa akin.” Ang kanyang pananampalataya kay Jesus ay nagdala sa kanya ng pag-asa, at hindi siya binigo ng kanyang pananalig. Gumaling siya!

Ganoon din ang nangyari sa isang dalagita na labingdalawang taong gulang pa lang. Paglapit ng kanyang tatay kay Jesus nag-aagaw buhay siya. Ang tatay ay si Jairo. Siya ay tagapamahala ng sinagoga, na ang ibig sabihin, isang taong may katungkulan at siguro may kaya. Maaaring lumapit na rin siya sa maraming tao para sa kanyang anak na babae pero wala silang magawa, kaya kay Jesus na siya lumapit. Pero hindi umabot si Jesus sa bahay niya. Namatay ang bata habang paparoon si Jesus. Patay na siya, wala ng magagawa si Jesus, iyon ang akala ng pinadala upang ibalita ito kay Jairo. Huwag nang abalahin ang Guro. Wala na siyang magagawa. Wala na nga ba? Pinatatag ni Jesus ang loob ng tatay na malungkot: “Huwag kang mabagabag, manalig ka!” Ang nagpapatatag sa atin kahit na sa sitwasyon na walang pag-asa ay ang pananampalataya. At nangyari ang hindi inaasahan. Nabuhay uli ang batang patay na. Sinabi ni Jesus: “Talita kumi. Ineng, sinasabi ko sa iyo, magbangon ka!” at tumayo ang bata.

Walang imposible sa Diyos. Hindi na huling salita ang kamatayan kasi may kapangyarihan si Jesus sa kamatayan. Binuhay ni Jesus ang dalagitang anak ni Jairo, binuhay niya ang anak ng isang balo sa bayan ng Nain, binuhay niya ang kaibigan niyang si Lazaro. Ang mga ito ay pahiwatig na may kapangyarihan siya sa kamatay. Pero ang tunay na patotoo ng ganitong kapangyarihan ay siya mismo ay muling nabuhay. Hindi lang siya bumalik sa dating buhay. Siya ay nagkaroon ng bagong buhay. Ang dalagita, ang anak na lalaki ng balo sa Nain at si Lazaro ay bumalik lang sa dating buhay nila. Namatay uli sila. Iba ang muling pagkabuhay ni Jesus, at iyan ang muling pagkabuhay na mapapasaatin. Ibang klaseng buhay na ito. Hindi na tayo mamamatay muli. Ito ay buhay na puno ng kaligayahan at ng pag-ibig. Pakikiisa na ito sa buhay ng Diyos. Ito ang balak ng Diyos sa tao, hindi itong buhay natin ngayon na magwawakas. Oo, mga kapatid. May forever, at iyan ay para sa atin!

Dahil dito huwag tayo mawalan ng pag-asa sa harap ng anumang kasamaan, kahit na sa kamatayan. Kaya nga hindi tayo useless sa harap ng kasamaan. Sugpuin natin ito, talunin natin ito. Harapin natin ang kasinungalingan, matatalo natin ito. Harapin natin ang bisyo, mapagtatagumpayan natin ito. Harapin na ang kahirapan, malalampasan din natin ito. Ngayon, harapin natin ang Tsina. Huwag tayo magpa-bully sa kanila. Kahit na malaki sila, igalang dapat nila ang ating karapatan. Hindi lang naman giyera o pagwalang bahala ang choices natin. Maaari ring makipag-negotiate, pero huwag lang magpa-bully.

Noong panahon ni Pablo mayroong dumating na matinding taggutom sa Judea. Papunta doon si Pablo kaya nagpasabi siya sa mga Christian communities sa Europa at sa Asia na magbigay sila upang tulungan ang mga Kristiyano sa Palestina. Sa ating ikalawang pagbasa narinig natin ang panghihikayat niya sa mga Kristiyano sa Corinto. Kilala sila sa kanilang pananampalataya, sa kanilang kasipagan at sa kanilang kaalaman. Sana maging kilala din sila sa pagkawanggawa sa nangangailangan. Masagana sila ngayon, nararapat man lang na tumulong sila sa nangangailangan. Bilang mga Kristiyano magtulungan tayo at sa ganitong paraan nagbibigay tayo ng pag-asa sa mga nawawalan na ng pag-asa. Ang pagkawanggawa ay ang pagdugtong ng pag-asa sa mga nasa kahirapan.

Ngayong Linggo ay kilalang St. Peter’s Pence Sunday. May second collection sa mga simbahang Katoliko sa buong mundo ngayong Linggo. Ang malilikom na pera ay ipadadala sa Roma upang may maibigay ang Santo Papa para sa mga nangangailangan sa anumang panig ng daigdig. Nakinabang din tayo sa Peter Pence collection pagkatapos ng bagyong Odette. Nakatanggap ng banca ang mga isang daang mangingisda natin na nasiraan ng banca. Humingi tayo ng tulong at tinulungan tayo ng Santo Papa sa pamamagitan ng Papal Almoner. Talagang nagtutulungan ang mga Katoliko. Nagbibigay tayo ng pag-asa sa pamamagitan ng ating mga contributions sa udyok ng pananampalataya at pag-ibig.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 7,793 total views

 7,793 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 17,908 total views

 17,908 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 27,485 total views

 27,485 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 47,474 total views

 47,474 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 38,578 total views

 38,578 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 3,952 total views

 3,952 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 5,049 total views

 5,049 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,654 total views

 10,654 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 8,124 total views

 8,124 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,172 total views

 10,172 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 11,500 total views

 11,500 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,746 total views

 15,746 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,174 total views

 16,174 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 17,234 total views

 17,234 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 18,544 total views

 18,544 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 21,273 total views

 21,273 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,459 total views

 22,459 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,939 total views

 23,939 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,349 total views

 26,349 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,630 total views

 29,630 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top