Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,820 total views

Homily June 9, 2024
10th Sunday of Ordinary Time Cycle B
Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35

Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May ilan na dumadating dahil may problema silang isinasangguni kay Jesus. Narinig natin ngayon na dumating din ang ina at mga kamag-anak ni Jesus dahil sa nababahala sila sa mga balita na nakararating sa kanila. Hindi na raw nakapapahinga si Jesus at hindi nga siya makakain dahil sa mga tao. Baka naman nasiraan na siya ng bait dahil sa hindi napapangalagaan ang sarili. Concerned sila sa kanya.

May ilan ding dumating na galing pa sa Jerusalem. Sila ay mga eskriba, mga experts sa mga Batas at mga Kasulatan. Marahil sila ay pinadala ng mga religious leaders mula sa Jerusalem upang imbistigahan si Jesus. Nasaksihan nila na nakapagpapagaling siya at nakapapalayas ng demonyo. Hindi nila ito maitatatwa. Dahil sa hindi nila matanggap si Jesus ay pinadala ng Diyos, ang interpretasyon na ibinigay nila ay: Nakapapalayas siya ng demonyo kasi siya mismo ay inaalihan ni Beelzebul, ang prinsipe ng mga demonyo. Kumalat ang ganitong akusasyon laban kay Jesus kaya kailangan magpaliwanag siya sa mga tao.

Kung si Satanas ay nagpapalayas kay Satanas, di ibig sabihin nag-aaway-away na ang mga demonyo. Kung nag-aaway-away na sila, di nanghihina na sila at pabagsak na ang kanilang kaharian. Pero hindi ganyan ang nararanasan ng mga tao. Malakas pa rin ang kasamaan. Kaya bakit nakakapalayas si Jesus ng demonyo? Kasi siya ay mas malakas kaysa demonyo. Walang laban sa kanya ang kasamaan.
Tinupad ni Jesus ang pangako ng Diyos noong unang magkasala ang tao noong panahon ng ating unang mga magulang. Nalaman ng Diyos na sumuway ang tao sa kanya kasi nagtatago na siya sa Diyos. Lumalayo na ang tao sa kanya, ayaw nang makisama sa kanya. Noon, magkasama-sama pa silang namamasyal sa jarden ng paraiso. Ngayon nahihiya na siyang lumapit sa Diyos kasi hubad siya. Noong tinanong siya ng Diyos kung sumuway siya sa kanyang utos, hindi niya masabi na ganoon nga. Sa halip sinisi niya ang babaeng ginawa ng Diyos na maging partner niya. Noong tinanong naman ng Diyos ang babae, sinisi naman nito ang ahas. Dito nakikita natin ang resulta ng kasalanan: nahihiya na tayo sa Diyos, ayaw na nating lumapit sa kanya, at dumadating din ang sisihan.
Ang bawat kasalanan ay nagdadala din ng masamang resulta. Ito na ang parusa ng kasalanan. Ang parusa ay ang pag-aaway ng babae at ng ahas, at ang pag-aaway ng kanilang mga binhi. Sa bandang huli masasaktan ang sakong ng binhi ng babae pero dudurugin naman nito ang ulo ng ahas. Pagdating ni Jesus, dahil sa kanyang kapangyarihan na mas malakas kaysa kapangyarihan ng demonyo, nakakapalayas siya ng mga demonyo. Ito na ang Magandang Balita; nandito na ang paghahari ng Diyos. Magwawakas na ang kaharian ng kasamaan.

Ano ang kasalanan na laban sa Espiritu Santo na walang kapatawan na binanggit ni Jesus? Ito ay ang kasalanan ng pagtanggi sa Magandang Balita. Kaya ng Diyos na patawarin ang lahat ng kasalanan. Pero hindi namimilit ang Diyos. Mapapatawad lang ang handang tumanggap ng patawad. Ang ayaw kumilala na nandito na ang Diyos at kumikilos na ang Espiritu Santo ay hindi mapapatawad kasi sinasarhan na nila ang kanilang sarili sa Magandang Balita. Sa halip na kilalanin na nandito na ang Magandang Balita, na natatalo na ang kasamaan, tinatawag pa nila si Jesus na siya mismo daw ang demonyo. Paano mapapatawad ang ganyang tao? Pero may mga taong ganyan, na binabalewala si Jesus at hindi naniniwala sa kaligtasan na dala niya. Hindi nila kinikilala na makasalanan sila. Hindi sila humihingi ng kapatawaran. Paano sila mapapatawad?

Talagang generous si Jesus. Hindi lang siya nagbibigay ng kapatawaran, inuugnay pa niya tayo sa kanyang buhay. Hindi na iba ang tingin niya sa mga taong nakikinig sa kanya at sumusunod sa kanyang salita. Tinuturing pa niya silang kapamilya niya, na kanyang ina at mga kapatid. Ang kaugnayan kay Jesus ay hindi lang iyong kaugnayan na nanggaling sa dugo, na kadugo siya. Ang umuugnay sa atin kay Jesus ay ang Salita ng Diyos, ang kalooban ng Ama. Kung ito ay tinatanggap natin at isinasabuhay natin, nagiging kamag-anak tayo ni Jesus.

Si Maria ay talagang malapit kay Jesus. Siya ang nagsilang sa kanya. Mula sa kanyang laman ay nagkaroon si Jesus ng laman. Kinuha ni Jesus ang kanyang pagkatao kay Maria. Pero ipinaglihi ni Maria si Jesus dahil sa tinanggap niya ang kalooban ng Diyos sa kanya sa pamamagitan ng balita ng archangel Gabriel. Sinabi niya: “Mangyari sa akin ayon sa iyong sinabi.” Tinanggap ni Maria ang Salita ng Diyos sa kanyang isip at sa kanyang puso kaya ang Salita ng Diyos ay nagkaroon ng laman sa kanyang sinapupunan. Kaya nga wala ng taong mas malapit kay Jesus kaysa kay Mama Mary. Ina siya ni Jesus sa laman at Ina siya ni Jesus kasi tinanggap niya at namumuhay siya ayon sa kalooban ng Diyos.

Maraming Magandang Balita ang ating napakinggan ngayon. Magandang Balita: natalo na si Satanas. Dinurog na ang kanyang ulo. Magandang Balita: mas malakas si Jesus kaysa anumang kasamaan. Siya ang dumurog sa ulo ni Satanas. Pinapalayas niya ang mga demonyo. Kaya kung kakampi na natin si Jesus hindi tayo matatalo ng kasamaan. Kaya kahit na nababalitan natin na laganap ang kasamaan – mga digmaan sa Ukraine at sa Gaza, mga espiyang Chinese sa Bamban at sa Cavite, mga nagtataasang bilihin – malalampasan natin ang mga ito. Hindi magwawagi ang kasamaan. Magandang Balita: maaari tayong magkaroon ng mahigpit na kaugnayan kay Jesus, mas mahigpit pa kaysa maging kamag-anak niya sa laman. Ito ay sa pamamagitan ng pakikinig, pagtanggap at pagsasabuhay ng kalooban ng Diyos. Basta gawin natin ang gusto ng Diyos, nagiging kamag-anak natin si Jesus. Hindi niya pababayaan ang nabibilang sa kanya!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 45,021 total views

 45,021 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 56,096 total views

 56,096 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 62,429 total views

 62,429 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 67,043 total views

 67,043 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 68,604 total views

 68,604 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 3,506 total views

 3,506 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 4,603 total views

 4,603 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,208 total views

 10,208 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 7,678 total views

 7,678 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 9,726 total views

 9,726 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 11,054 total views

 11,054 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,300 total views

 15,300 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 15,728 total views

 15,728 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 16,788 total views

 16,788 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 18,098 total views

 18,098 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 20,827 total views

 20,827 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,013 total views

 22,013 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,493 total views

 23,493 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 25,903 total views

 25,903 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,185 total views

 29,185 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top