Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

SHARE THE TRUTH

 6,845 total views

My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community.

Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd answers, inaudible) From five? Sino ang grade five? (Students raised their hand) Sino ang grade six? (Students raised their hand) Seven? (Students raised their hand). Eight? (Students raised their hand), nag-iisa nasa likuran yung iba, kaya kahit hindi natin nakikita alam natin nandun sila, meron pa bang ibang grades? (Crowd answers, inaudible) Grade 9? (Students raised their hand) Ten? (Students raised their hand), ayan very good!

So maraming salamat for coming. I just want to share with you, two simple points for our reflection. Una, in our gospel, we get the assurance that Jesus brings the kingdom of God. Jesus works by the power of the Holy Spirit. Si Hesus ay nagdadala ng paghahari ng Diyos. Ang kumikilos sa Kan’ya ay ang mabuting Espiritu ang Espiritu Santo. Ang lakas ni Hesus laban sa kasalanan, laban sa masamang espiritu ay dahil S’ya ay puno ng Espiritu Santo.
Hindi mapapalayas ni Hesus ang masamang Espiritu kung hindi N’ya dala-dala ang Espiritu Santo.

Katulad ni Hesus, sana ganun din tayo, sabi nga ni San Pablo, “conquer evil with good.” Ano ang makakatalo sa kasamaan? Hindi kapwa kasamaan ang makakatalo sa kasamaan ay ang kabutihan.

Evil can be conquered only by good, only good can defeat evil. Ulitin nyo yon ha, good defeats evil, paki ulit nga. (crowd answers: “Good defeats evil.”) Tayo kasi halimbawa yung magkakaklase d’yan sasabihin nung isa bleh! (Cardinal makes funny faces) O ano ang response ninyo? Bleh! (Cardinal makes funny faces)

Ayan, evil against evil, lumaki ang evil. Mamaya yan hindi na kayo nagbabatian, maya-maya yan, nag-aano na kayo, nambu-bully na kayo. How do you defeat evil?By good.

Sinabihan ka ng kaklase mo, “Oy, pangit pangit mo.” Huwag mong sasabihin, “Pangit ka rin.” Sabihin mo, “Ikaw maganda, ikaw guwapo, salamat sa Diyos.”

Evil for evil or good against evil. If we work for the kingdom of God like Jesus, you defeat injustice with justice, you defeat evil with good. Mag-ingat tayo baka akala natin, tinatalo, kinakalaban natin yung masama, pero baka nakakadagdag tayo sa masama kasi hindi pala good ang ating panlaban sa masama.

And the second lesson, sabi ni Hesus kapag napalayas na ang masamang espiritu, magpaplano yan, babalik s’ya para atakihin ulit yung kan’yang inalisan, at kung minsan pagbalik n’ya mas malakas.

This is an invitation for all of us, laging maging gising, magbantay, be vigilant. Kasi ang kalaban ang kasamaan laging naghihintay ng pagkakataon para tayo atakihin kaya dapat mag-ingat. Habang mga bata pa kayo maging ma-ingat, huwag kayong careless.

“Okay lang yan! Okay lang yan!” halimbawa may mag-aalok sa inyo, “O grade 10 ka na naman, subok ka, subok ka ng sigarilyo.” Huwag mong sasabihin, “Kaya ko to! Kaya ko to, I can handle this.” Ingat ka! d’yan nagsisimula, isang stick, mamaya yan, dalawang sticks, maya-maya yan isang pakete nayan, maya-maya yan isang karton nay an, maya-maya ang sigarilyo hindi na satisfying baka sumubok ka na ng iba.

Be careful, be vigilant, huwag magiging mayabang. “Kaya ko yan, I can handle this.” Hindi! Naghihintay ang masamang espiritu para tayo ay hulihin. O, exam, hindi mo alam ang sagot, sabihin mo sa sarili mo, “subukan ko kaya buksan ang notebook? Ayun, nakatalikod naman si teacher.” Ginawa mo, nakalusot ka one time, baka lumakas na ang loob mo, “wow, pwede ko pang gawin ito later on.” Huwag, be vigilant.

Binibigyan ka ng pain ng masamang espiritu, binibigyan ka ng success una para ikaw ay lumala. Ganyan naman nagsisimula yung nagiging adik, hindi lang sa drugs, pati yung mga nagiging adik sa pagsusugal, nagsisimula sa nanalo minsan, maya-maya, “sige nga, subukan na, subukan na!” yun pala nahuli ka na ng masamang espiritu.

Be vigilant! Maging mapanuri, maging gising, huwag kakagatin basta-basta ang mga pain ng masamang espiritu. O mga students, baka mamaya meron kayong kaklase sa exam, nakita na nahihirapan ka sa pagsagot tapos sasabihin sa iyo, “O share ko sa iyo ang ano, ang answer ko.”

Anong sasabihin mo? Sasabihin mo ba, “praise the Lord!” sasabihin mo ba, “ang bait mo naman nag she-share ka.”Sana sabihin mo, hindi. Hindi bale na akong bumagsak nang marangal kaysa pumasa sa maling paraan.”

So mga bata ha, habang kayo ay musmos at bata pa simulan na ninyo, defeat evil by good and secondly be alert, be awake. Huwag basta-basta magpapahuli sa panlilinlang, deception of the evil one.

So let us pray, especially for the young people of the Philippines and of the world, and let us pray also for our teachers, our parents, our elders, our leaders, so that they could be good examples of promoting good in order to combat evil. And may we elders, teach you the path of vigilance discernment so that evil may really be conquered by the good spirit.

Tumahimik tayo sandali at ibukas an gating puso at kalooban sa Espiritu Santo na binibigay ni Hesus.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,944 total views

 14,944 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,600 total views

 29,600 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,715 total views

 39,715 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,292 total views

 49,292 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,281 total views

 69,281 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,878 total views

 6,878 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,877 total views

 6,877 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,835 total views

 6,835 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,847 total views

 6,847 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,888 total views

 6,888 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,931 total views

 6,931 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,815 total views

 6,815 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,809 total views

 6,809 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,882 total views

 6,882 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,027 total views

 7,027 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,862 total views

 6,862 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,910 total views

 6,910 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,870 total views

 6,870 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,828 total views

 6,828 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 2,585 total views

 2,585 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top