Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 342 total views

2nd Sunday of Lent Cycle A

Gen 12:1-4 2 Tim 1:8-10 Mt 17:1-9

Ang layunin ay unang nasa isip ngunit huling mararating. Kung balak nating pumunta sa Puerto Princesa, iyan ang unang nasa isip natin, na makarating sa Puerto pero pupunta muna tayo sa bus terminal ng Taytay, dadaan sa Roxas saka na makararating sa Puerto. Ang layunin natin ang nagbibigay ng direksyon kung saan tayo pupunta. Kung tayo ay nasa Taytay, mag-aabang tayo ng van papuntang Puerto at hindi papuntang El Nido.

Ngayong nasa panahon tayo ng Kuwaresma, ano ang balak natin? Ano ang layunin natin? Hindi lang tayo nag-aayuno at nag-aalay-kapwa kasi iyan ang sinasabi sa atin. Ang pagbabagong anyo ni Jesus ang nagbibigay sa atin ng direksyon. Papunta tayo sa pagbabagong buhay, isang buhay na matagumpay at maluwalhati, pero bago tayo makarating doon dadaan muna tayo sa krus, didisiplinahin muna natin ang ating sarili. Tayo nga ay hinihikayat na gumawa ng mga penitensiya at sumama sa mga dasal. Para sa ano? Upang tayo ay magkaroon ng pagbabagong buhay tulad ni Jesus.

Si Jesus noon ay papunta sa Jerusalem. Nagsimula na siyang magsalita tungkol sa mangyayari sa kanya doon, na siya ay dadakpin, papasakitan, at papatayin at muling mabubuhay. Hindi naiintindihan ng mga alagad niya ang muling pagkabuhay – wala pa namang muling nabuhay noon – pero alam nila ang ibig sabihin ng papasakitan at papatayin, at ito ang natanim sa kanilang isip. Kaya nababahala sila. Baka ang iba ay nanghihina na ang loob. Baka napapaisip na ang ilan kung tama ba na sumunod sila kay Jesus. Akala nila si Jesus ay ang matagumpay na Kristo, bakit siya mamamatay sa Jerusalem?

Doon sa bundok ng Tabor, kasama ang ilang piling mga alagad, nagbagong anyo si Jesus. Naging maluwalhati ang kanyang mukha at kasuotan. Nakita siyang nakikipag-usap kay Moises at kay propeta Elias tungkol sa mangyayari sa Jerusalem. Si Moises ay kumakatawan sa Batas na matatagpuan sa unang limang aklat ng Bibliya at si Elias naman ay kumakatawan sa mga propeta. Pinapakita sa pangitaing ito na ang mangyayari kay Jesus sa Jerusalem ay naaayon sa mga nasaad sa Banal na Kasulatan na nasa Batas ni Moises at mga propeta. Anuman ang mangyayari doon ay uuwi sa kaluwalhatian. Kaya pinasilip sa mga alagad ang kadakilaan ni Jesus. Ang lahat ay uuwi sa tagumpay. Napakaganda ng karanasan ng tagumpay at kaluwalhati na napasabi si Pedro na doon na lang sila. Huwag na silang bumaba ng bundok. Igagawa na lang sila ng mga tolda para manatili sila sa itaas ng bundok.

Pero iba ang plano ng Diyos. Pinatotohanan ng boses na mula sa alapaap na si Jesus ay ang anak ng Diyos at nalulugod ang Diyos sa kanya. Kaya makinig at sumunod sila sa kanya – saan man siya pupunta, anuman ang mangyari sa kanya. At nawala ang pangitain at bumaba na sila sa bundok at nagpatuloy na pumunta sa Jerusalem.

Sa paglalakbay natin ngayong kuwaresma sinasamahan natin si Jesus sa kanyang pagpunta sa Jerusalem kung saan siya papasakitan at papatayin. Hindi madali ang panahon ng Kuwaresma. Kailangan tayong magpenitensiya, kailangan tayong maging matulungin sa ating kapwa at kailangan tayong magbigay ng panahon sa pagdarasal. Hindi madali ang mga ito pero pinapalakas ang ating loob. Ginagawa natin ang mga ito upang makiisa tayo sa tagumpay at kaluwalhatian ni Jesus. Iyan ang ating layunin. Ang mga ito ay magdadala sa atin ng pagbabago, at magandang pagbabago! Kailangan tayong manalig na ito ay mangyayari.

Ganyan din ang hinihinging pananalig kay Abram sa ating unang pagbasa. Kailangan siyang lumisan sa kanyang bayan at iwanan ang kanyang mga kamag-anak at pumunta sa lupa na ibibigay sa kanya ng Diyos. Kailangan niyang talikdan ang kasiguraduhan ng kanyang lupain at kanyang pamilya upang matamo ang pangakong dakilang lahi at pagpapala. Hindi lang siya ang pagpapalain. Ang lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa kanya. Iyan ang layunin – pagpapala sa lahat pero kailangan muna siyang tumaya, kailangan muna siyang manalig, kailangan muna niyang talikdan ang nasa kanya na, ang hawak na niya. Iyan din ang hinihingi sa atin. Iwanan natin ang ating comfort zone at sumunod kay Jesus ngayong kuwaresma.

Maasahan natin siya. Ang ginagawa niya ay kalugud-lugod sa Ama. Wasto ang kanyang landas. Huwag tayong matakot at mag-alinlangan. Sinabi ni Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Makihati tayo sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita at tutulungan tayo ng Diyos na nagligtas at tumawag sa atin.” Kaya ang sabi ni Jesus sa tatlong alagad ay sinasabi din niya sa atin: “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”

Tumindig na tayo at gawin ang mga gawain ng kuwaresma – magdasal, magpenitensiya at magkawanggawa. Huwag tayong matakot. Mararating din natin ang pagbabago. Makikiisa din tayo sa bagong buhay ni Jesus. Kung kasama natin siya sa pagkamatay sa lumang pagkatao natin, makakasama din niya tayo sa kaluwalhatian ng bagong buhay.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 5,131 total views

 5,131 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 11,464 total views

 11,464 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 16,078 total views

 16,078 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 17,639 total views

 17,639 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 33,539 total views

 33,539 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 1,858 total views

 1,858 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 2,961 total views

 2,961 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 8,566 total views

 8,566 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 6,036 total views

 6,036 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 8,084 total views

 8,084 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 9,412 total views

 9,412 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 13,658 total views

 13,658 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 14,086 total views

 14,086 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 15,146 total views

 15,146 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 16,456 total views

 16,456 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 19,185 total views

 19,185 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 20,371 total views

 20,371 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 21,851 total views

 21,851 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 24,261 total views

 24,261 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 27,545 total views

 27,545 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top