Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 31,011 total views

Homily May 12, 2024
Ascension Sunday
World Communications Sunday Mother’s day

Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20

Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na dadalaw sa atin at malungkot tayo pag-alis niya. Masaya tayo sa pagdating ng bagong anak at malungkot naman tayo pag-umalis na siya para mag-aral sa malayong paaralan. Ganoon din sa ating Panginoong Jesus, masaya tayo pagdating niya sa pasko – naging tao ang Diyos at kasama na natin siya, pero bilang tao, aalis din siya. Babalik siya sa kanyang pinanggalingan. Ngayong araw inaalaala natin ang kanyang pag-akyat sa langit. Galing siya sa langit at babalik siya roon. Noong siya ay umaakyat sa langit, sinusundan siyang ng mga mata ng kanyang mga alagad. Nakatingala sila, kahit na siguro hindi na nila siya nakikita. Maaaring nalungkot din sila. Kaya may dalawang anghel na tumabi sa kanila na nagsabi: “Bakit kayo narito’t nakatingala sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik tulad ng nakita ninyong umakyat siya.” Huwag kayong malungkot. Babalik uli siya.

Hindi tayo masyadong malulungkot kung ang pagtutuunan natin ng pansin ay hindi na wala na siya kundi may pinagagawa siya sa atin. May iniwan siyang misyon sa atin: “Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Magandang Balita.” Ang ibig sabihin nito ay “Kayo’y maging saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig.” Habang nag-aantay tayo sa kanyang muling pagdating, ipakilala natin siya sa buong mundo upang matanggap ng lahat ang kaligtasan na kanyang ginawa para sa atin.

Babalik uli si Jesus upang kaunin tayo patungong langit. Kaya ang pag-akyat ni Jesus sa langit ay nagbibigay sa ating ng pag-asa. Kung nasaan siya ngayon, duroon din tayo. Palakasin natin ang ating tiwala at pag-asa. Binibigay niya sa atin ang walang hanggang kapangyarihang inilaan niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Hindi tayo makamundo; makalangit tayo. Nauna na siya doon.
Nakaluklok siya sa kanan ng Ama, na ang ibig sabihin ay palagi niya tayong ipinapakiusap sa Ama. Wala na siya sa tabi natin pero alam niya ang nangyayari sa atin at ginagabayan niya tayo mula sa langit. May napakamakapangyarihang tagapamagitan tayo sa Diyos Ama, si Jesukristo. Dahil sa naging tao siya at dala niya ang ating pagkatao, makakaasa tayo na tinutulungan niya tayo mula sa langit. Kaya hindi naman talaga tayo iniwan ni Jesus noong siya ay umakyat sa langit. Ang kanyang concern ay nasa atin pa rin. Hindi niya tayo pinabayaan. Nababahala pa rin siya sa atin at tinutulungan pa rin tayo.

Sinabi niya sa mga alagad bago siya umakyat sa langit: “Bibigyan ko kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo.” Ang kanyang Espiritu, na walang iba kundi ang kanyang kapangyarihan, ay iiwan niya sa atin upang siya ang gagabay sa atin at magpapalakas sa atin sa paggawa ng misyon na iniwan niya at upang matagpuan natin siya sa muling pagdating niya. Talagang Mabuting Pastol si Jesus. Hindi niya tayo basta nalang iniwan. Iniwan rin niya sa atin ang kapangyarihang kailangan natin hanggang sa pagbabalik niya.

May misyon nga tayo hanggang sa pagdating niya. Ipakilala natin siya at ang kanyang gawaing pagliligtas sa lahat ng tao. Dahil dito taon-taon ang kapistahan ng Pag-akyat ni Jesus sa langit ay ang World Communication’s Sunday. Sa Linggong ito ipinagtutuunan natin ng pansin ang pamamahayag, ang komunikasyon, ang pagpapaabot. Ano ang ipinaaabot natin? Ang Balita ng Kaligtasan. Ito ang ikino-communicate natin. Mas lalong napapabilis at napapalakas ang pamamahayag dahil sa teknolohiya natin ngayon: nandiyan ang print, ang radio, ang telebisyon, ang cell phone, ang social media. Ang bilis kumalat ng balita at ang lawak ng naaabot nito. Pero anong klaseng balita ba ang natatanggap natin at napapakalat natin? Napag-iisa ba tayo ng komunikasyon o mas lalong napaghihiwalay? Nalalapit ba ang mga tao sa katotohanan o mas lalong nalilinlang ng kasinungalingan? Nasa kamay po natin ang komunikasyon. Maaari itong maging instrumento ng kabutihan o ng kasamaan.

Hindi lang tayo nakakatanggap ng balita; tayo ay tagapagbalita na rin. Sana po magamit natin ang mga ito para sa kabutihan. Dahil sa komunikasyon mas napag-iisa tayo at natutulungan tayong magpakatao. Pero dahil din sa communication maaaring magkaaway-away tayo at magkaroon ng masamang pagtingin sa iba. Gamitin po natin ang mahalagang technology na ito para sa kabutihan at para ipalaganap ang Magandang Balita ng kaligtasan.

Ngayong Linggo ay ang ikalawang Linggo ng buwan ng Mayo. Ito ay Mother’s Day. Taon-taon kinikilala natin ang kahalagahan ng ating nanay. Dumating tayo sa mundo sa pamamagitan ng ating nanay. Siya ang pinakamalapit na tao sa atin sa mundo. Magpasalamat tayo na kinalinga niya tayo upang mabuhay. Hindi ito madali sa kanya. Alam natin na ngayon ay may mga nanay na hindi hinahayaan na mabuhay ang kanilang anak. Dumaan muna tayo sa kanyang sinapupunan bago natin nakita ang liwanag ng mundo. Naramdaman natin ang tibok ng kanyang puso bago natin narinig ang anumang ingay sa mundo. Sa araw na ito ipadama natin ang ating pag-ibig sa nanay natin. Kung buhay pa siya sabihin natin sa kanya ang tatlong mahahalagang salita: I love you, I am sorry, thank you. Kung wala na siya sa ating piling at sumakabilang buhay na siya, sabihin pa rin natin sa ating panalangin sa kanya: I love you, I am sorry, thank you. Ipagdasal natin sa Diyos na balang araw magkakasama uli tayo ng wala nang hiwalayan sa tahanan ng ating Diyos Ama sa langit kung nasaan na ngayon ang ating Panginoong Jesus.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 13,468 total views

 13,468 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 23,583 total views

 23,583 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 33,160 total views

 33,160 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 53,149 total views

 53,149 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Climate justice, ngayon na!

 44,253 total views

 44,253 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,194 total views

 4,194 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 5,291 total views

 5,291 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 10,896 total views

 10,896 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 8,366 total views

 8,366 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,414 total views

 10,414 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 11,742 total views

 11,742 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 15,988 total views

 15,988 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,416 total views

 16,416 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 17,476 total views

 17,476 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 18,786 total views

 18,786 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 21,515 total views

 21,515 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,701 total views

 22,701 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,181 total views

 24,181 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,591 total views

 26,591 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 29,872 total views

 29,872 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top