13,593 total views

Homily May 19, 2024
Pentecost Sunday Cycle B
Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23

Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng Diyos noong panahon ni Moises doon sa bundok ng Sinai. Ang pagtupad sa mga batas ng Diyos ang pagsasabuhay nila ng pagtitipan sa kanila ng Diyos.

Sa araw na ito dumating ang Espiritu Santo sa mga alagad ni Jesus. Nangako si Jesus sa kanila na aalis man siya, hindi niya sila iiwanang ulila. Hihingi siya sa Diyos Ama na ipadala sa kanila ang isa pang katulong, ang Espiritung Mang-aaliw upang gabayan sila sa katotohanan. Tinupad ni Jesus ang kanyang pangako. Dumating ang Espiritu Santo sa anyo ng dilang apoy sa bawat ulo nila at sa malakas na ihip ng hangin. Kaagad nagkaroon ng lakas ng loob ang mga apostol. Lumabas na sila at nagpahayag ng Magandang Balita tungkol kay Jesus sa iba’t-ibang wika. Naintindihan sila ng mga tao na galing sa iba’t-ibang lugar sa sarili nilang wika. Ito ay himala ng Espiritu Santo. Nakilala na ang simbahan ng mga tao, kaya ito ang kinikilalang birthday ng simbahan. Naging hayag na siya sa mundo.

Pagkarinig ng pahayag ni Pedro sa mga tao, kaagad, sa araw ding iyon, higit na tatlong libong mga tao ang nagpabinyag. Ito ay dahil sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Kumikilos ang Diyos ngayon sa mundo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ganoon kahalaga at ganoon kabisa ang Espiritu Santo na sinulat ni San Pablo na ating narinig sa ating ikalawang pagbasa na hindi masabi ninuman na Panginoon si Jesus kung hindi dahil sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Kung tayo ay may pananampalataya, kung tayo ay nakakapagdasal, kung tayo ay nandito ngayon, iyan ay dahil sa Espiritu ng Diyos. Kumikilos siya sa ating piling. Purihin natin siya!

Inihahambing ni Pablo ang simbahan sa isang katawan – ang katawan ni Kristo. Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi na may iba’t-ibang hugis at may iba’t-ibang kakayahan. Iba ang hugis ng mata at katangi-tangi ang nagagawa ng mata. Iba naman ang hugis ng kamay at iba ang nagagawa niya. Pero ang lahat ng ito ay napapakilos ng parehong buhay. Ang buhay sa mata ay siya ring buhay sa kamay. Ganoon din sa katawan ni Kristo. Mayroon tayong mga pari, at may katangi-tanging misyon sila. Mayroon din tayong mga katekista at may gawain din sila. May mga kumkanta sa choir, may treasurer tayo, may lay ministers tayo. Ang lahat ng kakayahang ito ay galing sa Espiritu Santo. Siya ang nagbibigay buhay at sigla sa atin.

Ang pagbibigay ng Espiritu Santo ay kaugnay sa muling pagkabuhay ni Jesus. Ito ay resulta ng kanyang pagkabuhay. Kaya ayon kay San Juan sa ating ebanghelyo, sa unang pagkakataon na nagpakita si Jesus sa mga alagad niya sa gabi ng Linggo ng Muling Pagkabuhay, agad ibinigay ni Jesus sa kanyang mga alagad ang kanyang Espiritu. Hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.” Sa pagbibigay sa kanila ng Espiritu Santo binigyan niya sila ng kapangyarihan na magpatawad ng kasalanan. Natalo na ni Jesus ang kasalanan sa kanyang muling pagkabuhay. Ang kanyang tagumpay ay ibinabahagi na ng mga alagad niya sa buong mundo sa pagpapatawad ng kasalanan. Wala ng hawak na atin ang kasalanan. Ito ang magandang balita.

Ang Espiritu Santo ay tinanggap nating lahat noong tayo ay bininyagan. Dahil nasa atin na ang Espiritu ni Jesus matatawag na natin ang Diyos na Ama. Ang buong lakas ng Espritu Santo ay itinatak sa atin noong tayo ay kumpilan. Ibinubuhos sa atin ang mga regalo ng Espiritu Santo na magagamit natin sa pagsasabuhay ng buhay ni Jesus. Nagkakaroon tayo ng biyaya ng karunungan, ng pagkaunawa, ng kaalaman, ng matuwid na pagpapasya, ng banal na pagkatakot sa Diyos, ng katatagan, at ng kalakasan ng loob. Kailangan natin ang mga ito sa ating pag-unlad sa pananampalataya. Kaya ang kumpil ay dapat tanggapin ng lahat ng mga binyagan. Pangkaraniwan, ito ay binibigay sa atin sa ating kabataan. Habang nagma-mature ang ating katawan kailangan ding mag-mature ang ating kaluluwa. Pero dito sa atin, maraming mga magulang ay nakaligtaan na pakumpilan ang kanilang mga anak. Isa ring dahilan ng marami na hindi nakumpilan ay ito: ang kumpil ay karaniwang binigay lang ng obispo at dahil sa malawak ang ating teritoryo, at noon ay mahirap itong maabot ng mga obispo, kaya hindi madalas ang kumpilan. Pero ngayon ay punan na natin ang pagkukulang na ito. Kahit na matanda na kayo pero hindi pa nakumpilan, magpakumpil kayo. Ayaw ba natin tanggapin ang regalo na binibigay ni Jesus na atin na walang iba kundi ang kanyang Espiritu? Kung nasa atin na ang Espiritu ng Diyos hindi na tayo basta-bastang mapapasukan ng anumang espiritu.

Tandaan natin na ang buhay natin sa mundo ay isang pakikipagtunggali. Ang kalaban natin ay hindi lang mga bagay bagay. Ang kalaban natin ay mga kapangyarihang spiritual ng kasamaan. Nandiyan si Satanas at ang kanyang mga kampon. Ang diyablo ay masipag. Inilarawan ni Pedro ang demonyo na isang lion na patuloy na gumagala-gala upang lapain ang kanyang mabibiktima. Pero hindi tayo natatakot sa kanya. Nasa atin ang Banal na Espiritu, ang kapangyarihan ng Diyos. May mga sandata din tayo sa labanan na ito – ang panalangin, ang ating pananampalataya at ang Salita ng Diyos. Kaya kapag nararamdaman natin na tayo ay inaatake o nanghihina – nandiyan ang tukso, nandiyan ang mga problema, nandiyan ang kalituhan, tumawag tayo sa Espiritu Santo. Nasa atin siya. Nakatatak siya sa ating kaluluwa. Gamitin natin ang kanyang kapangyarihan.

Ngayon, para sa ating mga Kritiyano, ang Pentekostes ay hindi na pagdiriwang ng pagbibigay ng batas na nakaukit sa bato. Ito ay ang pagbibigay sa atin ng Espiritu ng Diyos na nagpapatawad ng ating kasalanan at nagdadala sa atin sa tagumpay sa ating paglalakbay patungo sa Diyos. Siya ay nakatatak sa ating puso. Tawagan natin siya at sumunod tayo sa kanya. Dahil sa kanya nagiging katulad tayo ni Jesus na ating Panginoon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 10,528 total views

 10,528 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 14,507 total views

 14,507 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 25,399 total views

 25,399 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 37,841 total views

 37,841 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 48,608 total views

 48,608 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 1,901 total views

 1,901 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 4,190 total views

 4,190 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 7,096 total views

 7,096 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 8,035 total views

 8,035 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 8,029 total views

 8,029 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 11,747 total views

 11,747 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 13,590 total views

 13,590 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 18,099 total views

 18,099 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 23,415 total views

 23,415 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 25,573 total views

 25,573 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 27,731 total views

 27,731 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 28,081 total views

 28,081 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 41,551 total views

 41,551 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 41,978 total views

 41,978 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 44,663 total views

 44,663 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top