Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 8,925 total views

Christ the King Sunday Cycle A

Ez 14:11-12.15-17 1 Cor 15:20-26.28 Mt 25:31-46

Ngayon ay ang huling Linggo ng taon sa kalendaryo ng Simbahan. Next week magsisimula na tayo ng bagong panahon, ang panahon ng Adbiyento. Ang huling Linggo ng taon ay nagpapahiwatig sa atin ng wakas ng panahon. Ang lahat ay magwawakas, pati na ang panahon at ang mundong ito. Sa wakas ng panahon mahahayag na ang paghahari ng Diyos. Sa takbo ng panahon natin ngayon, para bagang nananalo ang kasamaan. Dumadami ang digmaan, at mga digmaan na ang tinatarget ay ang mga mahihina at mga civilians. Kumakalat ang kasinungalingan at may mga taong ang hanap buhay ay ipalaganap ang fake news. Sa ngalan ng kaunlaran maraming mga mahihirap ang naaapi, tulad ng pagmimina at mga reclamation projects. Ang mga ito ay ginagawa sa pangalan ng kaunlaran pero ang mga maliliit na mangingisda at magsasaka ang nawawalan ng hanap buhay. Sa takbo ng ating panahon ngayon, parang natatalo ang kabutihan. Pero hindi! Naniniwala tayo na sa bandang huli magwawagi ang kabutihan, ang katotohanan, at ang katarungan. Darating ang kaligtasan. Magwawagi si Jesus! Maghahari siya! Tatalunin niya ang kasamaan, pati na ang kamatayan. Bubuhayin niya ang lahat. Si Jesus ay ang maawaing hari at makatarungang hukom.

Darating si Jesus bilang isang mabuting pastol. Ito ang sinulat ni propeta Ezekiel. Dadalhin tayo sa mainam na pastulan. Titipunin niya ang kanyang tupa na ngayon ay nagkawatak-watak. Hahanapin niya ang nawawala at gagamutin niya ang mga maysakit. Palalakasin niya ang mahihina. Kaya huwag natin katakutan ang wakas. Ang dakilang hari natin ay isang mabuting pastol. Darating siya upang buohin na ang gawain ng kaligtasan. Ililigtas niya tayo.

Pero ang haring mabait ay makatarungan din. Ang mga mayayabang at makapangyarihan ay kanyang tatalunin. Paghihiwalayin niya ang mga tupa at ang mga kambing, ang mabubuti at ang masasama. Hahatulan niya ang lahat at ang hatol niya ay makatarungan. Mananagot ang lahat! May mga makapangyarihang mga tao na mayayabang na akala nila ay makakaiwas sila na managot. Natatakot nila ngayon at nabibili pa ang marami. Nalilinlang nila ang mga tao. Hindi nila ito magagawa sa harap ng dakilang Haring si Jesus. Makatarungan siya. Mananagot ang bawat isa sa atin sa harap niya.

Lahat tayo ay kinakabahan pagdating ng mga tests at examinations. Kinakabahan tayo kasi hindi natin alam ang itatanong kaya nangangapa tayo kung ano ang pag-aaralan. Itatanong ba ito o hindi? Ayyy! Kung alam lang natin ang tanong maipaghahanda na natin ang sagot! Mabait ang Diyos. Sa Final Test, sa pinakaimportang pagsusulit ng ating buhay kung saan nakasalalay ang ating walang hanggang kalagayan, hindi tayo susurprisahin ng Diyos. Sinabi na niya ang itatanong sa atin. Kailangan lang natin ngayon na ipaghanda ang sagot natin. Ang pinakatanong sa atin ay: ano ang ginawa natin sa mga maliliit na tao, sa mga taong isinasantabi, sa mga nasa laylayan ng lipunan? Kung ano ang ginawa natin sa kanila o hindi natin ginawa sa kanila ay ginawa natin sa kanya o hindi natin ginawa sa kanya. Jesus identifies himself with the poor and the lowly.
Pinapasok sa langit na inihanda para sa mga mabubuti ang nasa kanan niya, iyong mga tupa, kasi pinakain, pinainom, dinalaw, pinagbigyan, inunawa, tinulungan ang mga nangangailangan. Kasi kung ano ang ginagawa natin sa mga aba ay ginagawa natin kay Jesus. Ang mga nasa kanyang kaliwa, ang mga kambing, ay itatapon sa impiyerno, na hindi ginawa sa mga tao kundi para sa mga demonyo, kasi hindi nila pinansin, tinulungan at pinaglingkuran ang mga maliliit na tao. Ang impiyerno ay hindi lang sa mga gumagawa ng masama, sa mga mamamatay na tao, sa mga kurakot, at sa mga nangangalunya. Doon din pupunta ang hindi gumagawa ng kabutihan sa mga mahihirap. Kaya, huwag lang natin iwasan na hindi gumawa ng masama. Pagsikapan din natin na gumawa ng kabutihan.
Noong nakaraang linggo ipinagdiwang natin ang World Day of the Poor. Inihanda tayo noong nakaraang Linggo sa kapistahan ni Kristong Hari ngayong Linggo. Pinaalaala sa atin noong linggong iyon ang kahalagahan ng mga mahihirap. Talagang mahalaga sila kasi sila ang daan natin patungo sa Panginoong Jesus. Nakakalapit tayo kay Jesus at natatamo natin ang kaligtasan at ang buhay na walang hanggan sa pagpansin at pangangalaga sa kanila. Ibig natin maging malapit kay Jesus? Maging malapit tayo sa mahihirap. Huwag nating ipaubaya ang pagtulong sa mahihirap sa DSWD o sa mga NGOs. Magsikap din tayo sa ating sarili na tumulong sa kanila.

Ang isang pangamba natin na tumulong sa mahihirap ay baka tayo pagsamantalahan, baka niloloko tayo. Totoo, may mga nagsasamantala sa kabutihan ng kanilang kapwa. Pero huwag tayong matakot. Kung ang intensiyon natin ay tumulong sa mahihirap at tayo ay pinagsamantalahan ng taong iyan, hindi nasayang ang tulong natin. Talagang tumulong tayo kay Jesus. Kawawa ang nagsamantala sa atin. Akala niya naisahan niya tayo – malaki ang pananagutan niya na ang tulong para kay Jesus ay kanyang inagaw sa panlilinlang niya.

Ang pagtulong natin sa mahihirap ay gawin nating regular. Maging bahagi na ito ng takbo ng ating buhay. Ito ang itinatanim na ugali ng programa nating Pondo ng Pinoy. Ang mahalaga dito ay ang araw-araw nating pagtatabi ng kahit maliit para sa mahihirap. Araw-araw naiisip natin ang mahihirap at konkretong tinutulungan natin sila sa pagtatabi ng ating piso para sa kanila. Ang mga nakolekta natin sa Pondo ng Pinoy ay ating inaalay sa Banal na Misa. Ang ating pagtatabi ng pera ay inuugnay natin sa pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili na siyang pinagdiriwang natin tuwing Misa. Ito rin ang ibig sabihin ng ating pag-aalay ng ating balik-handog sa Banal na Misa. Nagiging mahalaga ang ating alay kasi ito ay isinasama natin sa pag-aalay ni Jesus.
Mga kapatid, huwag tayo magumon sa mundong ito at sa buhay natin dito. Ang mga ito ay magwawakas. Pero huwag din tayo matakot sa wakas. Si Jesus ang makakatagpo natin. Sinusundo tayo ni Jesus upang dalhin sa pastulan na kanyang inihanda para sa atin. Pero makakapasok tayo sa pastulang iyan kung ngayon ay sinisikap nating paglingkuran at makiisa kay Jesus sa pagtulong natin sa mga mahihirap at sa mga aba. Ugaliin natin na palaging tulungan si Jesus.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,932 total views

 38,932 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,588 total views

 53,588 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,703 total views

 63,703 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,280 total views

 73,280 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,269 total views

 93,269 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,913 total views

 5,913 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 7,010 total views

 7,010 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,615 total views

 12,615 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,085 total views

 10,085 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,133 total views

 12,133 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,461 total views

 13,461 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,707 total views

 17,707 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,135 total views

 18,135 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,195 total views

 19,195 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,505 total views

 20,505 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,234 total views

 23,234 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,420 total views

 24,420 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,900 total views

 25,900 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,310 total views

 28,310 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,586 total views

 31,586 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top