Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,387 total views

First Sunday of Advent

Is 2:1-5 Rom 13:11-14 Mt 24:37-44

Happy New Year sa inyong lahat! Bagong taon na ngayon ng Simbahan. Ito ang unang Linggo ng Adbiento. Ang ibig sabihin ng salitang Advent o Adbiento ay Pagdating. Inaasahan natin ang pagdating. Oo, ang pagdating ng Pasko.

Apat na Linggo na lang Pasko na. Pero hindi lang pasko ang inaantay at inaabangan natin. Inaantay, inaabangan at pinananabikan natin ang muling pagdating ni Jesukristo. Dumating siya sa unang pasko sa anyo ng mahinang baby. Darating muli sila sa anyo ng makapangyarihan at makatarungang hari at hukom. Ilan lang ang nakakita at nakakilala sa kanya sa Bethlehem. Pero ang kanyang muling pagdating ay magiging lantad sa lahat. Sinimulan ng anak ng Diyos ang kanyang gawaing magligtas noong siya ay isinilang. Kaya siya ay binigyan ng pangalang Jesus na ang kahulugan ay ang Diyos na magliligtas. Tatapusin at gagawing ganap ng Muling Nabuhay na Jesus ang gawain ng pagliligtas sa kanyang muling pagdating. Lubos nang matatalo ang kasamaan at kamatayan. Kaya mga kapatid, dapat nating abangan ito. Kaya ang focus natin sa panahon ng Advent ay hindi lang ang pasko. Kasama dapat sa focus natin ang muling pagdating niya. Mas ito ang paghahandaan natin.

Pero inaabangan ba natin ang muling pagdating ni Jesus? Kung sa totoo lang – hindi! Kinatatakutan pa nga natin at sa loob-loob natin, sinasabi natin – huwag muna ngayon. Bakit? Bigla kasi ang pagdating ni Jesus at ayaw natin na mabigla. Mabuti pa ang pasko ay mabibilang natin – 28 days na lang Pasko na. Makakal-culate natin at matatantsya natin ito. Pero itong muling pagdating ay hindi natin alam kung kailan. Kaya ang babala ni Jesus sa ating ebanghelyo ay maingat kayo baka kayo mabigla tulad nang ang mga tao ay nabigla pagdating ng malaking baha noong panahon ni Noe. Patuloy sila sa kanilang pangkaraniwang buhay – nagtitinda, naglalaba, nagsasaka, nagtatayo ng bahay at hindi nila alam na babahain na pala silang lahat. Ganoon kabigla iyan, tulad din na ganoon kabigla ang kamatayan para sa marami. Kasama mo lang sa trabaho at sa sumunod na araw patay na. Kasama lang sa bahay at sa pagtulog at hindi na nagising. Hindi natin hawak ang buhay natin at ang buhay ng sinumang mahal natin.

At aminin natin na mas malapit na bawat araw ang pagdating ni Jesus, tulad ng araw-araw nalalapit na ang ating kamatayan. Kaya huwag na tayong magpabaya. Gumising na. Maging listo na para sa kabutihan. Gusto man natin o hindi, talagang darating ang araw na iyan sa bawat isa sa atin. Pero huwag tayong matakot kasi darating siya bilang manliligtas.

Ang natatakot ay ang gumagawa ng masama o ang nagpapabaya at walang ginagawa. Katulad din yan ng pagdating ng pulis. Kung gumagawa ka ng masama, tulad ng nagnanakaw o nagdrodroga, matatakot ka sa pagdating ng pulis. Mahuhuli ka at mapaparusahan. Pero kung ikaw ay inaapi o pinagsasamantalahan, matutuwa ka at inaasahan mong dumating na agad ang pulis kasi ililigtas ka niya. Kaya ang tingin natin sa pagdating muli ni Jesus ay nagdedepende sa takbo ng buhay natin ngayon.

Kung pa-enjoy enjoy lang tayo sa mga makamundong bagay, ayaw natin na dumating na agad siya. Mawawala na ang mga makamundo at makalamang mga bagay na hawak natin – tulad ng ating pera, ng ating kaaliwan, at ng ating makamundong kapangyarihan. Pero kung ang pinagkakaabalahan natin ay ang paggawa ng mabuti at ang maging kalugud-lugod sa Diyos, gusto natin na dumating na ang magbibigay ng gantimpala. Kung inaayawan natin ngayon sa buhay ang masasamang kalakaran na nangyayari sa bansa tulad ng pagsasamantala sa mahihirap, tulad ng pagpapakalat ng fake news, tulad ng pandaraya, gusto natin na dumating na ang manliligtas at matigil na ang mga ito. Dumating ka na Panginoon at panibaguhin mo na kami!

Huwag nating katakutan ang muling pagdating ni Jesus. Itatayo na niya sa piling natin ang kaharian ng langit. Kaya tulad ng narinig natin kay propeta Isaias sa unang pagbasa, anyayahan natin ang bawat isa: Halina kayo, pumunta na tayo sa bundok ng Panginoon. Tuturuan niya tayo ng kanyang mga aral at lalakad tayo sa kanyang daan, ang daan ng kaligtasan at kaganapan ng buhay. Sa pagdating ni Jesus, darating siya bilang dakilang hukom at siya na ang magpapalakad sa mundo. Babaguhin niya ang lahat.

Ngayon nababalitaan natin ang nangyayari sa Ukraine. Ang daming armas na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar ang pinapadala sa Ukraine ng America, ng UK, ng France, ng Germany. Ang dami ring mga bomba ang pinapalipad ng Russia at ng Iran sa Ukraine, na ang bawat isa noon ay nagkakahalaga ng ilang milyong dolyar. Ang daming pera ang nagugugol sa digmaan hindi lang sa Ukraine pero sa buong mundo. Ang daming kaalaman at techonolgy ang ginagamit para gumawa ng mga sandata para lalong mabisa na pumatay at masira ng kaaway.

Nagbabanta pa nga ng paggamit ng nuclear weapons. Mababang uri pa lang ang atomic bomb na ginamit sa Nagasaki noong 1945 at higit na 74,000 ang direktang napatay ng isang bomba lang, hindi pa dito nabibilang ang libo-libong nagkasakit ng cancer at leukemia. Ano pa kaya ang mga nuclear bombs ngayon? Kay ganda sana ng mundo na wala nang sandata, digmaan at mga bomba. Ang pera na ginagamit sa paggawa ng mga bomba at mga baril ay ginugugol sana sa pagpatayo ng hospital, ng mga paaralan at mga palengke.

Gagawin ng karit ang mga tabak, sabi ni Propeta Isaias. Gumagastos ng malalaking pera sa armas ang mga bansa pero walang pera ang mundo para sugpuin ang global warming at climate change. Kung kalahati lang ng pera na para sa armas ay gamitin sa pagbigay ng clean energy, ng gamot, ng pagkain, ng binhi at gamit sa mga magsasaka, mawawala na ang kahirapan sa mundo. Kay ganda ng mundo na wala nang digamaan at mga war games o pagsasanay sa digmaan. Ito ang hinahangad nating mundo. Ito ang pagdating muli ni Jesus na dapat nating pinananabikan! Halina Jesus, dumating ka na!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,817 total views

 36,817 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 51,473 total views

 51,473 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 61,588 total views

 61,588 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 71,165 total views

 71,165 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 91,154 total views

 91,154 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,857 total views

 5,857 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,954 total views

 6,954 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,559 total views

 12,559 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,029 total views

 10,029 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,077 total views

 12,077 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,405 total views

 13,405 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,651 total views

 17,651 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,079 total views

 18,079 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,139 total views

 19,139 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,449 total views

 20,449 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,178 total views

 23,178 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,364 total views

 24,364 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,844 total views

 25,844 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,254 total views

 28,254 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,530 total views

 31,530 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top