Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 648 total views

32nd Sunday Cycle C

2 Mac 7:1-2.9-14 2 Thess 2:16-3:5 Lk 20:27-38

Siguro naman marami sa inyo ay pumunta sa sementeryo noong Nov1 at Nov 2, o kung hindi man, gumunita at nagdasal para sa inyong mga yumao. Ang mga gawaing ito ay nagpaalala sa atin ng kabilang buhay, na may kabilang buhay na pupuntahan nating lahat. Kung gagawin natin nang maayos ang buhay natin ngayon dito sa lupa, mas maganda ang buhay na nag-aantay sa atin. Ang buhay ng tao ay hindi lang ang buhay na ito sa lupang ibabaw. Nilikha tayo ng Diyos upang maging kasama niya tayo sa buhay na walang hanggang. Makalangit tayo. Doon matutupad ang mga malalalim na hangarin natin.

Noong panahon ni Jesus may mga Hudyo na hindi naniniwala sa muling pagkabuhay. Sila iyong mga nabibilang sa Partido ng mga Saduceo. Ayon sa kanila, magkakagulo sa kabilang buhay kung ipagpapatuloy doon ang buhay natin dito sa lupa. Kaya nagbigay sila ng halimbawa ng isang babae na nakapangasawa ng pitong magkakapatid sa pag-asa na magbibigay siya ng anak sa isa sa kanila. Kung may muling pagkabuhay, sino sa pitong naging asawa niya ang magiging asawa niya sa kabilang buhay? Sabi ni Jesus na ang mali nila ay ang pag-aakala na ipagpapatuloy lang sa kabilang buhay ang kalagayan natin sa buhay na ito. Iba na ang muling pagkabuhay.

Magiging makalangit na tayo, tulad ng mga anghel. Hindi na mag-aasawa ang mga taga-roon. Huwag akalain na ito lang ang maaaring buhay ng tao. Oo, hindi malulusaw ang ating identity pero iba na tayo. Tulad tayo ni Jesus noong siya ay muling mabuhay. Siya pa nga iyon pero may pagkakaiba na, kaya hindi gaano siya nakilala ng mga alagad niya. Bigla-bigla siyang nagpapakita at nakakapasok siya sa kwartong sarado. Mawawala na ang maraming limitasyon ng ating katawan ngayon – ang ating kahinaan, ang ating mga karamdaman, ang ating katandaan. Sinabi ni San Pablo na hindi pa sumasagi sa ating kaisipan kung ano ang inihanda sa atin ng Diyos sa piling niya. Hindi natin alam, pero nakakasigurado tayo na iyan ay mabuti sa atin at magiging masaya tayo doon – walang hanggang kasiyahan!

Mas lalong pinatibay ni Jesus ang paniniwala sa kabilang buhay sa kanyang interpretasyon sa pagpapakilala ng Diyos kay Moises doon sa bundok ng Sinai. May nakita si Moises na nagliliyab na puno na hindi naman nauupos. Lumapit si Moises at doon siya tinawag ng Diyos na ipadadala siya sa Faraon, sa hari ng Egipto, upang palayain ang mga aliping Israelita. Noong tinanong ni Moises kung sino siya, nagpakilala ang tinig na siya ay ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob. Si Abraham ay higit na pitong daang taon nang patay noong panahon ni Moises, si Isaac, anim na daang taon na, at si Jacob, limang daang taon nang patay. Matagal nang patay ang mga ninunong ito pero ang Diyos ay Diyos ng mga buhay at hindi ng mga patay. Ibig sabihin, na buhay pa sina Abraham, Isaac at Jacob noong panahon ni Moises. Ito ay isang patotoo na may kabilang buhay.

Maaaring nating tanungin: Ano kung may kabilang buhay? Ano ang magagawa niyan sa buhay natin ngayon? Meaningful lang ba ang muling pagkabuhay pag namatay na tayo? Pinapakita sa ating unang pagbasa, sa aklat ng mga Macabeo, na ang paniniwala sa muling pagkabuhay ay nagbibigay sa atin ng lakas na harapin ang mga problema sa buhay na ito.

Noong panahon ng mga Macabeo ang mga Israelita ay pinipilit ng hari ng mga Griego na iwanan na ang kanilang pananampalataya. Pinipilit sila na huwag sundin ang mga kaugaliang gawain ng kanilang pagka-Hudyo. Sinusunog ang kanilang mga Banal na Kasulatan. Pinagbabawalan sila na tuliin ang kanilang mga anak na lalaki. Pinipilit silang kumain ng karneng baboy na bawal sa kanila. Nahuli ng mga Griego ang isang babae at ang pito niyang mga anak na lalaki. Pinilit silang labagin ang mga kaugalian ng kanilang relihiyon. Isa-isa silang pinapasakitan at pinapatay kung hindi sila sumunod sa utos ng hari. Pinuputol ang kanilang mga kamay at ang kanilang dila. Tinatapon sila sa apoy o sa kumukulong langis. Narinig natin sa ating pagbasa ang sagot ng apat na magkakapatid. Matapang silang sumagot sa mga kampon ng hari na tinanggap nila ang kanilang katawan mula sa Diyos at ibabalik uli ng Diyos ang katawan nila sa kabilang buhay. Parusa lang ang nag-aantay sa mga nanakit sa kanila.

Ibabalik uli ng Diyos ang mga kamay at paa nila na pinutol ng mga umuusig sa kanila. Noong mapatay na ang pitong magkakapatid, pati ang nanay ay pinatay rin. Nakita niya ang isa-isang pagpatay sa kanyang mga anak. Hindi nanghina ang loob niya. Siya pa nga ang nanghikayat sa kanyang mga anak na maging matatag.

Ano ang nagbigay ng tapang sa mga magkakapatid at sa kanilang ina na manindigan sa kanilang pananampalataya? Ang kanilang pananalig na may kabilang buhay! Hindi nagtatapos ang buhay nila dahil sa sila ay pinatay. May kabilang buhay na mas maganda at walang hanggan ang nag-aantay sa kanila. Nandoon ang gantimpala nila. Ang pananalig sa muling pagkabuhay ay nagbibigay ng lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok sa atin sa buhay na ito. Ito ang nangyari sa pitong magkakapatid. Dahil sa pananalig na ito pinagpatuloy ng mga Macabeo ang kanilang pakikipagdigma sa mga paganong Griego na umuusig sa kanila. Ang paniniwala sa muling pagkabuhay ang nagbigay ng tapang sa mga unang Kristiyano sa loob ng unang tatlong daang taon ng kasaysayan ng simbahan na harapin ang mga leon at mababangis na hayop, ang pagsusunog sa kanilang katawan, ang pagpugot ng kanilang mga ulo at ang pagsaksak sa kanila. Ang muling pagkabuhay ang nabigay ng paninindigan kay San Lorenzo Ruiz noong siya ay pinako sa krus sa Nagasaki at kay Pedro Calungsod na harapin ang sibat sa Guam upang ipagtanggol ang isang misyonero. Ito rin ang nagbigay ng tapang sa 21 na Kristiyanong Egipciano na pinugutan ng ulo ng mga Al-Qaeda sa dalampasigan ng Libya noong 2015. Hindi natatakot na mamatay ang mga Kristiyano sa Pakistan at sa Nigeria na magsimba linggo-linggo kahit na may panganib na atakihin at pasabugin ang kanilang simbahan.

Kaya ano ang nagagawa ng paniniwala sa kabilang buhay? Ito ay nagbibigay ng tapang na patuloy na isabuhay at panindigan ang pananampalataya sa harap ng pagsubok. Ito rin ay nabibigay sa atin ng kahulugan sa ating pagsisikap na maging malapit sa Diyos at tumulong sa ating kapwa, kasi alam natin na anumang kabutihan, kahit na maliit, na ating nagagawa ay hindi mawawalan ng kanyang gantimpala. Kaya hindi tayo nanghihinayang na magbalik handog ng ating panahon, talino at yaman. Ito rin ang nagbibigay aliw sa atin na ang mga mahal natin sa buhay na tinawag na ng Diyos ay hindi nawala sa ating buhay. May kaugnayan pa rin tayo sa kanila, tayo na nasa buhay na ito at sila na nasa kabilang buhay na, at balang araw magkikitang muli tayo sa tahanan ng ating Ama.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 28,034 total views

 28,034 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,690 total views

 42,690 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,805 total views

 52,805 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,382 total views

 62,382 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,371 total views

 82,371 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,497 total views

 5,497 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,594 total views

 6,594 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,199 total views

 12,199 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,669 total views

 9,669 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,717 total views

 11,717 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,045 total views

 13,045 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,291 total views

 17,291 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,719 total views

 17,719 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,779 total views

 18,779 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,089 total views

 20,089 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,818 total views

 22,818 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,004 total views

 24,004 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,484 total views

 25,484 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,894 total views

 27,894 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,170 total views

 31,170 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top