Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 689 total views

28th Sunday in Ordinary Time Cycle B
Indigenous People’s Sunday
Extreme Poverty Day
Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30

Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Sino ba sa mga kabataan natin ang naghahanap ngayon ng buhay na walang hanggan? Kahit na nga tayo, sumasagi ba sa isip natin na maghanap ng buhay na walang hanggan? Madalas ang ating kahilingan ay, ano ang gagawin ko para ako makatapos sa pag-aaral ko? Paano ba ako makapagtrabaho? Paano ba humaba ang buhay ko? Paano ba magkaroon ng magandang pamilya? Hindi naman masama ang mga hangaring ito, pero ang mga ito ay mga bagay lang na lilipas at makamundo. Buhay na walang hanggan? Ito ba ay ginugusto din natin? Hinahanap-hanap ba natin ito?

Ang sagot ni Jesus sa binata. Di ano pa? Sundin mo ang mga utos ng Diyos! Ang mga batas ng Diyos na tinutukoy niya ay ang sampung utos. Ito ay binigay ng Diyos sa atin upang magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan. Nabigla at natuwa si Jesus sa sagot ng binata na ginagawa na niya ang mga ito mula pa nang pagkabata niya. Napakagaling naman ng kabataang ito. Tapat siya sa pagsunod sa mga utos at naghahanap pa baka may kailangan pa siyang gawin para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Magiliw siyang tiningnan ni Jesus.

Oo, mayroon pa nga siyang dapat gawin. Isa na lang ang kulang sa kanya: ipagbili ang lahat ng ari-arian niya, ipamigay ang pinagbilhan sa mga mahihirap at sumunod sa kanya. Ang binata na masiglang lumapit kay Jesus ay umalis ng malungkot. Hindi niya magawa ang huling hinihingi sa kanya. Ang dahilan? Napakayaman niya!

Mga kapatid, mahigpit ang tanikala ng kayamanan. Akala natin nagiging malaya tayo kung tayo ay mayaman. Ginagapos tayo ng kayamanan at para sa marami ito ang dahilan na pumipigil sa atin sa paglapit sa Diyos. Hindi ba nararanasan din natin ito? Mahirap magbalik handog ng yaman. Kahit lang nga 10% ay ayaw natin ibigay sa Diyos, na sa totoo lang 90% ang naiiwan sa atin. Nanghihinayang tayo na magbigay ng 10% ngunit binibigyan nga tayo ng 90% ng Diyos. Tandaan natin na ang lahat ng kayamanan at ari-arian natin ay galing sa Diyos. Hindi naman atin iyan. Balang araw, iiwan naman natin ang mga iyan.

Alam mo bakit mahirap magbigay ng 10% sa Diyos? Kasi akala natin, iyan ay pera natin, at mahirap magbigay ng ating ari-arian. Pero kung kumbinsido tayo na ang Diyos ang may-ari ng lahat at tayo ay katiwala lamang, hindi mahirap magbigay ng 10%. Kanya naman iyan, hindi ba? Binibigay ko lang sa kanya ang ari arian niya at natutuwa pa nga tayo na iniwan sa aking pamamahala ang 90%.

Ang Salita ng Diyos ay tunay na matalas at mabisa. Tumatagos ito sa ating kaluluwa. Binibisto tayo nito. Nagiging lantad sa harap natin kung talaga bang pinapahalagahan natin ang mga aral at karunungan ng Diyos, o pahapyaw lang ang ating pagnanais na ito ay sundin. Binisto ng salita ni Jesus ang tunay na kalagayan ng binatang lumapit sa kanya. Paano siya magkakamit ng buhay na walang hanggan kung ang mas mahalaga sa kanya ay ang malaking kayamanan niya?

Hindi niya naisapuso ang katuruan sa aklat ng Karunungan na ating napakinggan sa unang pagbasa. Higit na mahalaga ang karunungan na galing sa Diyos kaysa anong kapangyarihan at kayamanan. Mas matimbang ito kaysa anumang ginto o alahas. Hindi ito kukupas. Iyan ang buhay na walang hanggan.

Akala natin malulugi tayo kung pinagbibigyan natin ang Diyos. Mawawalan ba tayo kung nagbibigay tayo sa Diyos? Iyan naman ang tanong ni Pedro kay Jesus. Ano naman ang para sa amin na iniwan na namin ang lahat at sumunod sa iyo? Matatalo ba natin ang Diyos sa kabaitan at sa pagiging mapagbigay? Mas generous ba tayo kaysa Diyos? Ano ang kapalit sa pag-iwan natin ng kayamanan, ng panahon, ng hanap buhay, ng ari-arian para Diyos at para sa Magandang Balita sa ating paglilingkod sa kanya? Tandaan natin ang sagot ni Jesus. Ito ay Salita ng Diyos at siya ay maasahan. “Tandaan niyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, ng mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan.” Ok na ba ang palitan? Sa anumang iniwan natin dahil kay Jesus, ang kapalit ay isang daang ibayo sa buhay na ito, kasama na ang pag-uusig, at sa kabilang buhay, buhay na walang hanggan?

Talagang sineryoso ng mga unang Kristiyano sa Jerusalem ang Salita na ito ni Jesus, na ang mga ari-arian nila ay ipinagbili nila at ang pinagbilhan ay ibinigay sa mga apostol at ibinahagi naman ng mga apostol ang mga perang ito sa mga mahihirap sa kanila. Kaya sa pamayanang Kristiyano walang nagdarahop kasi nagbabahaginan nila. Walang mahirap kasi walang mayaman. At lahat sila ay masaya.

Malayo pa ang kalagayan natin sa katuruan ng Diyos. Maraming mahihirap sa atin kasi kanya-kanya tayo. Maraming mahihirap kasi may mga mayayaman na patuloy pang nagpapayaman at naaalipin sila ng pera. Kawawa naman sila. Tumatalikod sila kay Jesus na malungkot na iniiwan ang hangarin ng buhay na walang hanggan.

Ngayong Linggo ay Extreme Poverty Sunday. Pinapaalaala sa atin na maraming mga tao, at dumadami pa sila, na hindi lang mahihirap, kundi lubos na mahihirap. May mga tao sa buong mundo, at sa Pilipinas din, na nagugutom, na namamatay sa mga sakit na pwede namang gamutin pero walang pangpagamot, na walang malinis na tubig, na hanggang ngayon ay no read no write. Huwag natin silang pabayaan. Pananagutan natin sila, lalo na tayo na may kaya naman.

Ngayong linggo din ay ang Indigenous Peoples’ Sunday, Linggo ng mga katutubo. Marami sa mga katutubo natin ay mahihirap at pinapahirapan pa. Kinukuha ang mga lupaing ninuno nila. Ang mga lupain nila ang minimina at sila ay nalilinlang kasi hindi sila gaano nakapag-aral. At ang malungkot pa, ang mga paaralan nila ay sinisira ng military kasi pinagbibintangan silang komunista at rebelde. Pinapanatili silang mangmang upang madaling matakot at madaling malinlang.

Pero pahalagahan natin ang mga katutubo. Sila ang may malalim na kaugnayan sa kagubatan at sa kalikasan. Ang buhay nila ay nakasalalay sa lupa at sa dagat kaya sila ang makakatulong sa atin paano pangalagaan ang mga ito. Sa Linggong ito tinatapos natin ang Season of Creation, pero hindi tayo titigil na ipagtanggol, pangalagaan at itaguyod ang kalikasan. Ito ang tanging yaman na binigay sa atin ng Diyos dito sa Palawan. Tulad ng mga katutubo, maging mabubuting katiwala tayo ng kalikasan.

May second collection po tayo ngayon para sa mga grupo na tumutulong at nag-oorganisa ng mga katutubo.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 19,162 total views

 19,162 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 25,133 total views

 25,133 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 29,316 total views

 29,316 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 38,599 total views

 38,599 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 45,935 total views

 45,935 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 2,744 total views

 2,744 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 4,072 total views

 4,072 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 8,318 total views

 8,318 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 8,744 total views

 8,744 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 9,805 total views

 9,805 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 11,115 total views

 11,115 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 13,845 total views

 13,845 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 15,030 total views

 15,030 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 16,510 total views

 16,510 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 18,921 total views

 18,921 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 22,206 total views

 22,206 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 24,640 total views

 24,640 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 26,500 total views

 26,500 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 28,810 total views

 28,810 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 34,760 total views

 34,760 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top