Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 814 total views

28th Sunday of Ordinary Time Cycle A
Extreme Poverty Day
Is 25:6-10 Phil 4:12-14 Mt 22:1-14

Kasaganaan! Iyan ang paksa ng mga pagbasa natin ngayong Linggo. Kasaganaan ang binibigay ng Diyos sa atin. Siya ay dakila. Ang lahat ay galing sa kanya. Hindi naman siya sakim o kuripot. Galante siya kung magbigay. Nakikita natin ito sa kalikasan. Masagana ang mga bulaklak at mga bunga ng kasoy, ng mangga, ng abukado. Kung hindi lang natin sisirain ang mga corals at mga mangroves, marami ang mga isda sa karagatan. Makikita din natin ito sa kanyang gawaing panliligtas. Hindi na siya nagsawa na magpadala ng mga propeta at mga santo na magpapaalala sa atin. Ibinigay pa niya ang the best niya – ang kanyang anak. Ibinigay ni Jesus ang buong buhay niya, hanggang sa kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo. Ibinuhos pa sa atin ang kanyang Banal na Espiritu upang dalhin tayo sa katotohanan. Masagana kung magbigay ang Diyos. Hindi lang! Ibinibigay niya ang kanyang lahat!

Sa ating unang pagbasa sinabi sa atin na gagawa ang Diyos ng isang masaganang piging para sa lahat. Maraming masasarap na pagkain at inumin doon, at libre ang mga ito, walang bayad! Hindi lang niya tayo bubusugin. Tatanggalin pa niya ang lahat ng kalungkutan, papahiran ang ating mga luha at aalisin ang ating kahihiyan. Maganda at masagana ang hinahanda ng Diyos para sa atin. Kaya masasabi ng bawat isa sa natin: “Ang Panginoon ay ang aking pastol, hindi ako magkukulang. Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan.”

Sasalo ba tayo sa piging ng Panginoon? Makikiisa ba tayo sa kanyang inihanda? Siyempre! Ngunit tulad ng pinakita ni Jesus sa kanyang talinhaga sa ating ebanghelyo, ayaw ng mga inanyayahan na dumalo. Kasal iyon ng anak ng hari – malaking okasyon! Talagang pinaghandaan iyon ng hari. Pinapatay pa ang kanyang mga pinatabang guya! Ilang baka kaya o ilang kambing ang pinatumba? Dalawang beses pinapunta ang mga alipin niya sa mga inanyayahan. Ayaw dumalo! Nagdahilan pa – ang isa ay bibisita at magtratrabaho sa kanyang bukid, at ang isa naman ay mangangalakal – pupunta sa kanyang business! Hindi nila pinahalagahan ang hari. Hindi naman trabaho ang ibibigay sa kanila. Gusto sana ng hari na makiisa sila sa kanyang kasiyahan. Pero hindi! Pinapatay pa nga ang ilang alipin na pinadala na mag-imbita sa kanila.

Hindi natin ito maintindihan. Hindi iginalang ang hari! Ayaw makisaya! Pero huwag natin silang tingnan ng masama kasi ito ay nangyayari sa ating piling hanggang ngayon. Masama ba na pumunta at magdasal sa simbahan? Masama ba ang tanggapin ang bendisyon ng Diyos sa sakramento ng kasal? Wala namang bayad ito. Bakit ayaw ng mga tao? Hindi naman tayo inaanyayahan ng Diyos sa masama. Gusto ng Diyos na maging maligaya tayo kaya nagpapadala siya ng mga tao – ng mga katekista, ng mga lay minister, ng mga pari upang ituro sa atin ang tuwid na landas, upang ipaalaala sa atin na mahal tayo ng Diyos, upang patawarin ang ating mga kasalanan. Masama ba ang mga ito? Bakit inaayawan natin ang mga paanyaya ng Diyos? Bakit ayaw makinig sa mga aral na para naman sa ating ikabubuti? Sa halip na makinabang sa mga mabubuting ibibigay ng Diyos, nagpakasubsub tayo sa ating trabaho, sa ating paghahanap buhay. Hindi buhay ang natatagpuan natin kundi kabiguan. Kung walang bendisyon ng Diyos, ano ang inaasahan nating matatanggap? Kamalasan! Kung sa mga Bisaya pa: Gaba! Meris!

Pero ayaw ng Diyos na masayang ang kanyang mga inihanda. Pinapunta niya ang kanyang mga alipin sa lahat ng sulok ng mga lansangan. Pinapasok ang lahat na gustong makiisa, upang mapuno ang handaan at maging masaya ang mga tao – masama man o mabuti. Hindi pumipili ang Diyos. Ang lahat ay inaanyayahan. Walang makasasabi na hindi na ako para diyan – napakasama ko na. God does not exclude anyone from his invitation.

Pero kailangan naman na alam natin na sa hadaan tayo ng Diyos pupunta. Sa pagtanggap ng kanyang paanyaya ihanda din natin ang ating sarili. Nakadamit din tayo ng pangkasalan. Hindi maganda o bagong damit ang hinahanap ng Diyos kundi kahandaan ng ating kalooban. Basta lang disente ang kasuotan, ay tama na sa Panginoon – hindi lang damit na pantulog, o damit na pampaligo sa beach, o damit na pang-basketball. Pinalalabas din ang sumasali na hindi bukal sa loob at hindi disente.

Masagana ang inihahanda ng Diyos para sa atin. Gusto niya na ibahagi sa atin ang kanyang kasiyahan. Gusto niyang maging masaya tayo. Maniwala po tayo sa kanya. Mabait siya sa atin. Ayaw niyang pahirapan tayo. Tumugon tayo sa paanyaya niya.

Paano malalaman ng ang mga tao ang paanyaya ng Diyos? Sa pamamagitan nating lahat na nandito ngayon. Ipaabot natin sa mga kasama natin ang paanyaya ng Diyos. Ang magandang balita ay para sa lahat. Tayong tumatanggap nito, sana nararanasan natin na masayang tunay ang pagiging Kristiyano kaya anyayahan din natin ang iba. Lahat tayo ay may mga kakilala sa mga Katoliko pero hindi nagsisimba at walang pakialam sa simbahan. Huwag lang natin silang pabayaan. Namatay si Jesus para din sa kanila. Sila din ay mahal ng Diyos. Sabihin natin ito sa kanila. Huwag tayong magsawang anyayahan sila, mahinahon lang pero palagi. Gently but persistently.

Habang inaanyayahan natin ang iba na makiisa sa kasaganaan ng buhay na gustong ibigay ng Diyos sa lahat – sana mabahala tayo na may mga kapwa tao tayo na hanggang ngayon ay nabubuhay sa extreme poverty. Hindi lang sila mahihirap – lubhang mahihirap sila, tulad ng iyong mga hindi nakakakain ng tatlong beses kada araw, iyong nagtitiis na lang sa banig ng kahirapan at hindi napapagamot, iyong mga kabataan na hindi nakakapag-aral dahil sa walang gamit o walang damit, iyong mga nanay at mga baby na malnourished – kulang sa pagkain kaya ang mga bata ay nababansot. Ngayon ay araw ng pag-alaala sa mga tao na namumuhay sa lubos na kahirapan – sa extreme poverty. Alamin natin na may mga taong nasa ganitong kalagayan. Hindi ito naaayon sa kagustuhan ng Diyos na gumawa ng mundo na masagana, at masagana para sa lahat. Kung may mga ganitong tao na napapansin natin sa ating mga Kriska at mga BEC, kaagad lapitan natin at tulungan sila.

Kung wala ring maitulong, sabihin sa ating mga Parokya at mission station. Huwag natin silang pabayaan. Alalahanin natin ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Buhat sa kayamanan ng Diyos na hindi mauubos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” Ibahagi natin sa iba ang kasaganaan ng Diyos at tayo mismo ay makakaranas ng kasaganaang ito.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 6,892 total views

 6,892 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 14,015 total views

 14,015 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 21,218 total views

 21,218 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 26,572 total views

 26,572 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 34,178 total views

 34,178 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 301 total views

 301 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 1,616 total views

 1,616 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 4,346 total views

 4,346 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 5,531 total views

 5,531 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,011 total views

 7,011 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 9,422 total views

 9,422 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 12,707 total views

 12,707 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 15,141 total views

 15,141 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 17,001 total views

 17,001 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 19,311 total views

 19,311 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 25,438 total views

 25,438 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 23,567 total views

 23,567 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 25,850 total views

 25,850 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 28,756 total views

 28,756 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 29,695 total views

 29,695 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top