Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 489 total views

27th Sunday in Ordinary Time Cycle C

Hak 1:2-3; 2:2-4 2 Tim 1:6-8.13-14 Lk 17:5-10

Nagreklamo si propeta Habakuk sa ating unang pagbasa: “Panginoon, hanggang kailan ako daraing sa iyo at hindi mo ako diringgin?” Ano ang daing niya? “Hanggang kailan mo babayaang mamayani ang karahasan?” Ang reklamo ni Habakuk ay siya ring madalas na reklamo natin. Bakit ba patuloy ang kasamaan? Hanggang kailan magtatagumpay ang masasamang tao? Ito ay reklamo natin kasi napapansin natin na mas umuunlad yata ang mga taong corrupt. Ang mga nagpapatuloy ng fake news ay may mararaming mga “likes” at pinaniniwalaan pa. Wala namang masamang nangyayari sa mga walang pakialam sa Diyos at sa kapwa. Malulusog pa nga sila at parang umaasenso pa. Nasaan ang katarungan, O Diyos?

Ang sagot ng Diyos kay Habakuk ay siyang sagot niya sa atin. “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang kasamaan, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang pananalig. Itaga mo ito sa bato. Maaaring ito ay magtatagal pero tiyak na magaganap ito.” Kaya patuloy tayong manalig kahit na wala pa tayong nakikita. Maaasahan ang Diyos. Hindi siya pabaya.

Sa ganitong pangyayari sa ating buhay na para bang patuloy pa ang paglago ng mga masasama, at parang walang napapala ang ating pagpapakabuti, hilingin natin ang kahilingan ng mga alagad sa ating ebanghelyo: “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig sa Diyos.” Huwag sana tayong madiscouraged; huwag sana tayong bumitaw sa Diyos at sa kanyang katuruan. “Dagdagan po ninyo ang aming pananalig.”

Minsan, pagbaba ni Jesus sa bundok nakita niya na may pinagkakaguluhan ang mga tao at ang mga alagad niya. “Ano ang nangyayari?” Ang tanong niya. Nagsumbong ang isang lalaki. “Dinala ko po ang aking anak sa inyong mga alagad upang palayasin ang demonyo sa kanya, ngunit wala silang magawa.” “Kay hina ng inyong pananalig sa Diyos,” sabi ni Jesus. Nagmakaawa ang tatay noong ang kanyang anak ay nangisay. “Nananalig po ako, Panginoon. Dagdagan po ninyo ang aking pananalig!” Maaaring ito rin ang ating kahilingan. Nanalig po kami sa Diyos, Panginoong Jesus. Nanalig kami kaya nga kami nagsisimba, kaya nga kami nakikinig sa iyong salita, pero dagdagan pa ninyo ang aming pananalig. Nanghihina ito kapag kami ay sinusubok, kapag nababalitaan naming ang paglaganap ng kasamaan sa mundo, kapag kami ay naiinggit sa tagumpay ng masasama. Dagdagan po ninyo ang aming pananalig.

Kung nagdarasal tayo na dagdagan at palakasin ang ating pananalig, magsikap din tayo na ito ay lumakas. Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-apat na raang taon ng ating pananampalatayang Kristiyano dito sa Palawan. Ipinagdiriwang natin ito kasi alam natin na ito ay isang biyaya. Ang pananalig sa Diyos ay una sa lahat isang biyaya. Kaya nga inihambing ito ni Jesus sa isang maliit na binhi. Ang binhi, kahit na maliit, ay may buhay. Ito iyong biyaya ng binhi. Pero para ito ay mabuhay, kailangan nito ng matabang lupa at ng pag-aalaga. Ganoon din ang pananampalataya. Ito ay regalo. Ibinigay ito sa atin noong tayo ay baby pa. Hindi man natin hiningi pero ginawa na tayong mga anak ng Diyos, naging kapatid na natin si Jesus at naging templo na tayo ng Espiritu Santo. Pero itong maliit na binhi ng pananampalataya ay dapat alagaan. Kaya sinisigurado ng simbahan na ang mga sanggol na bibinyagan ay may mga magulang at mga ninong at ninang na magpapalago sa pananampalataya na binigay sa mga bata. Ngayong tayo ay malaki na, patuloy din tayong nagsisikap na palaguin ang ating panananalig sa Diyos, kasi hindi nagtatapos ang paglalim ng pananampalataya.

Paano natin inaalagaan ang pananampalataya? Maging masigasig tayo sa tungkuling tinanggap natin, sabi ni San Pablo kay Timoteo. Iyan ay tungkuling makinig sa Salita ng Diyos, tungkuling sumamba sa Diyos tuwing Linggo, tungkuling mahalin ang Diyos at ang ating kapwa. Tanggapin natin ang ating sarili na mga abang alipin ng Diyos. Tagasunod tayo ng Diyos. Hindi tayo ang bida o ang masusunod. Abang alipin lang tayo na gumagawa ng ipinagagawa ng ating Panginoon. Sa talinhaga ni Jesus, ang alipin ay hindi nagrereklamo kapag siya ay inuutusan. Hindi niya dinadahilan: “Buong araw na nga akong nag-araro sa bukid, pagod na nga ako at ipagluluto ko pa siya ng pagkain.” Nakokontento tayo na tayo ay inuutusan, na tayo ay pinapagawa kasi alipin lang naman tayo. Mas lalong hindi tayo maghihinanakit bilang alipin kasi ang ating amo ay ang Diyos na ubod ng kabutihan at pagmamahal. Nilikha niya tayo, ibinigay niya ang kanyang Anak para sa atin upang ibigay sa atin ang buhay na walang hanggan.

Ibinigay ni Jesus ang kanyang katawan upang maging pagkain natin sa ating paglalakbay papunta sa Ama. Ang nag-uutos sa atin ay hindi isang walang pusong Amo, kundi ang Panginoon na puno ng habag. Inuutusan niya tayo hindi dahil sa siya ay tamad o dahil lang sa capricho niya, kundi dahil sa mahal niya tayo. Hindi niya kailangan ang ipinagagawa sa atin. Kailangan natin ito para sa ating ikabubuti. Mabuti sa atin na tayo ay magsimba, mabuti sa atin na tayo ay magdasal, mabuti sa atin na umiwas tayo sa bisyo, mabuti sa atin na maging responsableng magulang o anak. Isa-isahin natin ang mga gawain at mga turo sa atin ng simbahan. Iyan ay mabuti sa atin. Pati nga ang pagbabalik-handog ay mabuti sa atin. Mas nagiging generous tayo, mas nagbibigay ng panahon sa Diyos, mas nadedevelop ang ating mga talents. Sa ating pagbibigay sa balik-handog mas lumalalim ang ating pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. Iniiwasan natin ang pagiging makasarili. Mga kapatid, manalig tayo sa ipinagagawa ng Diyos sa atin. Mabuti iyan sa atin.

Mahalaga na mayroon tayong malalim na pananalig sa Diyos. Hindi tayo matitinag sa mga kasamaan na nangyayari sa atin kasi alam natin na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay hindi lang paniniwala na mayroong Diyos. Pati na si Satanas ay naniniwala na mayroong Diyos at nanginginig pa nga siya sa harap ng Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay ang pananalig na ang Diyos na makapangyarihan sa lahat ay nagmamahal sa atin. Ganoon niya tayo kamahal na itinaya na niya si Jesus para sa atin. Kaya anuman ang nangyayari o mangyayari sa ating buhay, kumakapit tayo sa kanya na nagmamahal sa atin.

Kung gusto natin na dagdagan ang ating pananalig, sikapin din natin na palaguin ito. At ang pananalig ay lumalago sa ating pagsisikap sa sumunod sa mga utos niya. Sumusunod tayo sa kanya bilang mga abang alipin na ginagawa ang anumang ipagagawa niya, kasi anuman ito, ito ay para sa ikabubuti natin. Sa paggawa ng mga utos ng Diyos nakikihati na tayo sa kahirapan dahil sa Mabuting Balita. Mga kapatid, binibigyan tayo ng pagkakataon, ng privilege, na hindi lang makibahagi sa tagumpay ni Jesus kundi maghirap din na kasama niya. Para naman iyan sa kaligtasan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 60,563 total views

 60,563 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 75,640 total views

 75,640 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 81,611 total views

 81,611 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 85,794 total views

 85,794 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 95,073 total views

 95,073 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 2,367 total views

 2,367 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 4,417 total views

 4,417 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 5,745 total views

 5,745 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 9,991 total views

 9,991 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 10,417 total views

 10,417 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 11,478 total views

 11,478 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 12,788 total views

 12,788 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 15,518 total views

 15,518 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 16,703 total views

 16,703 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 18,183 total views

 18,183 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 20,594 total views

 20,594 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 23,879 total views

 23,879 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 26,313 total views

 26,313 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 28,173 total views

 28,173 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 30,480 total views

 30,480 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top