Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 486 total views

29th Sunday of Ordinary Time Cycle A

World Mission Sunday

Is 45:4-6 1 Thess 1:1-5 Mt 22:15-21

Kaunting kasaysayan lang. Noong panahon ni Jesus ang mga Judyo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Romano. Walang silang independence. At mabigat ang kamay ng mga Romano sa kanila – mataas ang buwis sa kanila at gumagamit ang mga Romano ng mga tuta nila upang pagharian sila, tulad ni Herodes. Hari siya na iniluklok ng mga Romano at nang-aabuso siya ng kanyang kapangyarihan. Pinapakulong niya at pinapatay ang maibigan niya, tulad ng ginawa niya sa kanyang asawa, sa kanyang anak at kay Juan Bautista. Dahil dito ayaw ng mga Hudyo na magbigay ng buwis sa mga Romano pero wala naman silang magawa.

Ang mga pariseo ay mga Hudyo na strikto ang kanilang pagtupad sa batas ni Moises. Ang mga Herodians naman ay mga tauhan ni Herodes na kumakampi sa mga Romano. Nagsanib-fuersa ang dalawang grupong ito sa kanilang pagkagalit kay Jesus. Gusto nilang masilo si Jesus upang masiraan siya sa mga tao at upang may dahilan silang ipadakip siya. Ito ang dahilan ng kanilang tanong. Sumipsip pa sila kay Jesus upang palambutin ang kanyang puso. Kinikilala nila na siya ay isang tapat na guro. Katotohanan lang at ang ibig ng Diyos ang kanyang itinuturo. Hindi siya nagpapadala sa public opinion. Ang mahalaga sa kanya ay hindi ano ang sasabihin ng mga tao kundi ano ba ang kalooban ng Diyos. Talagang ganito si Jesus pero hindi naman siya madaling mabola ng ganitong papuri.

Ang tanong nila ay naaayon ba sa kautusan ng mga Hudyo na magbuwis sa mga Romano o hindi. Ang Cesar ay ang emperador ng mga Romano. Ang sagot na inaasahan nila ay oo o hindi, at sa anuman dito mapapasama si Jesus. Kung sasabihin ni Jesus na naaayon sa kautusan at dapat silang magbuwis sa mga Romano, madidisgusto ang mga tao sa kanya kasi galit nga sila sa mga Romano. Kung sasabihin niya na hindi ayon sa kautusan at huwag silang mabigay ng buwis, maisusumbong naman nila si Jesus sa mga Romano at ituturing siyang rebelde. Pero matalino si Jesus. Alam niya ang dahilan ng kanilang tanong kaya ang sagot niya ay hindi nila inaasahan. Humingi siya ng pera ng mga Romano na siyang ginagamit noon. Sa perang iyon ay nakatatak ang larawan ng Cesar, ang Roman emperor noon. May ganitong pera sila, na ibig sabihin, nakikinabang sila sa sistema ng mga Romano. Tinanong sila ni Jesus: “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” “Sa Cesar po!” Tama sila. Mahiwaga at malalim ang salita ni Jesus: “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar at sa Diyos ang sa Diyos.”

Ano ang ibig sabihin nito? Kayong nakikinabang sa pera at administrasyon ng Cesar, magbuwis kayo sa kanya. Dito sinasabi ni Jesus na dapat natin ibigay sa pamahalaan ang nararapat sa pamahalaan kasi nakikinabang tayo sa pamahalaan. Ibigay ang nararapat na paggalang, ang nararapat na serbisyo, ang nararapat na buwis. Sa panahon ng halalan, bumoto tayo. Makiisa tayo sa pagpatakbo ng pamahalaan kasi bahagi din tayo ng gobyerno.

Ibigay din sa Diyos ang sa Diyos. At ano ang sa Diyos? Ang lahat! Ang lahat ay nanggaling sa kanya. Ang lahat ng tao ay larawan ng Diyos. Nabubuhay tayo dahil sa kanya. Pati ang mga leaders ng pamahalaan ay nasa ilalim ng Diyos. Kaya pati ang mga namamahala ay dapat sumunod sa Diyos.

Madalas ginagamit ang kasabihan na ito ni Jesus upang sabihin na hiwalay ang kapangyarihan ng pamahalaan at ng simbahan – the separation of the church and the state. Hindi! Mali ang ganitong pag-unawa! Kasi pati ang estado ay nasa ilalim ng Diyos. Sila din ay dapat sumunod at maglingkod sa Diyos. Wala na silang karapatan na mamuno kung ang mga desisyon nila ay naghihiwalay sa atin sa Diyos. Siya ang una nating paglilingkuran. Mahalin at sundin natin siya nang higit sa lahat. Kaya makikiisa tayo sa mga namamahala kung ang kanilang pamamahala ay hindi naghihiwalay sa atin sa Diyos. Nangyari noong panahon ng mga Romano na pinagbabawalan ang mga Kristiyano na magsamba sa Diyos sa araw ng Linggo. Hindi ito sinunod ng mga Kristiyano. Marami sa kanila ay pinatay kasi nagsisimba sila sa araw ng Linggo. Kaya huwag tayo magpadala sa lahat ng sinasabi ng mga politiko. Suriin natin ang sinasabi at patakaran nila ayon sa batas ng Diyos. Ibigay sa Diyos ang para sa Diyos.

Ang Diyos nga ay makapangyarihan sa lahat, kinikilala man siya o hindi. Iyan ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Ang mga Hudyo noon ay nakabalik sa Judea mula sa pagkapatapon sa kanila dahil sa Persian emperor na si Ciro. Ginamit ng Diyos ang emperor na ito, kahit na hindi niya kilala ang Diyos ng Israel, upang makabalik ang bayan ng Diyos sa kanilang lupain. Pinasabi ng Diyos kay Emperor Ciro: “Ako ang Panginoon, ako lamang ang Diyos at wala nang iba; palalakasin kita bagamat di mo pa ako kilala. Ginawa ko ito upang ako ay makilala ng buong daigdig, na makikilala nila na ako ang Panginoon; ako lamang ang Diyos at wala nang iba.” Pati ang mga hari, ang mga emperador ay nasa ilalim ng Diyos.

Kumikilos ang Diyos upang makilala siya ng buong daigdig. Pinapaala-ala ito sa atin ngayong World Mission Sunday. Ibig ng Diyos ay maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan. Ang misyon ng simbahan ay upang gawin ito. Pinadala ni Jesus ang buong simbahan upang ipaalam sa lahat ang Magandang Balita ng kaligtasan. Kaya ngayong World Mission Sunday pinupukaw muli ang ating commitment na maging misyonero.

Ipakilala natin si Jesukristo, ang anak ng Diyos, sa lahat. Siya ay naparito kasi mahal tayo ng Diyos. Siya ay nagbibigay buhay sa atin. Ito ang pagmimisyon. Ibahagi ang magandang balitang ito. May mga tao na itinalaga na nila ang sarili nila para dito. Kinareer na nila ito. Suportahan natin sila. Itinaya na nila ang buhay nila para dito. Ipagdasal natin sila. Suportahan natin sila kahit materially. Kaya ngayong Linggo magkakaroon tayo ng second collection para sa gawain ng mga misyonero. Pero tayong lahat ay nagdadala din ng magandang balita sa pagsasabuhay natin ng mga aral ng Panginoong Jesus. What the world needs now is love. Pag-ibig ang aral ni Jesus. At iyan ang buhay ng isang Kristiyano, magmahal sa Diyos at sa kapwa. Lumalaganap ang poot at ang takot. Napakaraming mga digmaan sa mondo natin ngayon. Mag-ambag tayo ng pag-ibig sa mundo! Ibigay natin sa Diyos ang sa Diyos. Pag-ibig ang alay natin sa Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,057 total views

 18,057 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,713 total views

 32,713 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,828 total views

 42,828 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,405 total views

 52,405 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,394 total views

 72,394 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,924 total views

 4,924 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,021 total views

 6,021 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,626 total views

 11,626 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,096 total views

 9,096 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,144 total views

 11,144 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,472 total views

 12,472 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,718 total views

 16,718 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,146 total views

 17,146 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,206 total views

 18,206 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,516 total views

 19,516 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,245 total views

 22,245 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,431 total views

 23,431 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,911 total views

 24,911 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,321 total views

 27,321 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,599 total views

 30,599 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top