Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 4,377 total views

30th Sunday of Ordinary Time Cycle A

Prison Awareness Sunday

Ex 22:20-26 1 Thess 1:5-10 Mt 22:34-40

Naghahanap ang mga komokontra kay Jesus ng dahilan na may ibintang sa kanya at siraan siya. Noong nakaraang Linggo sinubok nila kung masisilo siya tungkol sa usapin ng buwis, kung naaayon ba sa kautusan na magbigay ng buwis sa Cesar o hindi. Nabigo sila. Hindi nila inaasahan ang sagot ni Jesus na ibigay kay Cesar ang kay Cesar at sa Diyos ang sa Diyos. Ngayon naman, ang sinubok si Jesus ng mga Pariseo, ang mga tao na tumutupad ng batas ni Moises. Ang tanong sa kanya ng dalubhasa sa batas ay kung alin ang pinakamahalagang utos sa kautusan. Siguro tinitingnan niya kung alam ni Jesus ang kautusan. May mga 613 na mga utos sa kautusan. Napakarami noon. Hind iyan maalaala ng mga tao. Kaya ang pinag-didiskusyunan ng mga tao ay, alin ang mahahalagang utos. Hindi man maalaala at magawa ang lahat ng mga batas, at least man lang masundan nila ang mahahalagang batas lalo na ang pinakamahalagang utos.

Ang sagot ni Jesus ay alam ng maraming masunurin na mga Hudyo: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.” Ito ay bahagi ng Bibliya na inuulit ng mga Hudyo tatlong beses araw-araw, ang tinatawag na Shema Israel. Pinapahiwatig nito ang katangian ng relihiyon ng mga Hudyo – ang pagkilala at pagsamba sa iisang Diyos lamang.

Pero may pagbabago na dinagdag si Jesus. Isang utos lang ang tinatanong sa kanya, ang pinakamahalaga, pero ang sagot niya ay dalawa. Idinugtong niya ang mga salitang, “ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Nasa Banal na Kasulatan din ito. Idinugtong niya ito kasi ayon sa kanya ang pangalawang utos na ito ay tulad ng nauna. Hindi pwedeng paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Sinulat si San Juan sa kanyang liham sa Bagong Tipan na hindi natin maaaring ibigin ang Diyos na hindi natin nakikita na hindi natin minamahal ang kapwang nakikita natin. Ang nagsasabing mahal niya ang Diyos at kinapopootan ang kanyang kapwa ay sinungaling. Wala ang katotohanan sa kanya.

Napapatunayan na mahal natin ang Diyos sa ating pagmamahal sa kapwa, lalo na sa kapwa na hindi pinapansin at isinasantabi. Madaling mahalin ang kapwang maganda. Nakakatawag sila ng pansin. Ang kapwang mayaman, ang kapwang mabait sa atin, ang kapwang may posisyon ay madaling igalang at pagbigyan. Pero ang iba ay madaling pabayaan at pagsamantalahan pa nga. Kaya narinig natin sa ating unang pagbasa ang sinabi ng Batas ng Panginoon: “Huwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bansa… huwag ninyong aapihin ang mga babaeng balo, ang mahihirap at mga ulila.” Madaling pabayaan at pagsamantalahan pa nga ang mga ito kasi wala naman silang kalaban-laban. Pero hindi! Kung hindi man natin sila pinapansin, naririnig sila ng Diyos. Ang Diyos ang maghihiganti.

Hindi lang na huwag natin silang aapihin, pagbibigyan at tutulungan dapat natin sila. Kung mangungutang ang ating kapwang mahihirap, pahiramin natin sila na hind na humihingi ng tubo. May mga tao na napipilitang mangutang dala ng matinding pangangailangan – pambili ng gamot para sa anak, pambili ng pagkain, at tutubuan pa natin sila! Pinagkakakitaan pa natin ang kapwa natin na nangangailangan! Iba iyong nangutang sa atin para pampuhunan sa kanilang business. Dahil sa ating pera, kumikita sila. Makatarungan lang na may kita rin tayo sa pera natin na pinagkakitaan nila. Pero huwag na nating pagkakitaan ang matinding pangangailangan ng iba.

Ang ating pag-ibig ay naipapakita natin sa pagbibigay ng nararapat sa minamahal natin. Ano ang nararapat sa Diyos? Ang ating pagsamba. Siya ay dakila sa lahat. Sa kanyang nanggaling ang lahat – kilalanin at sambahin natin siya kung mahal natin siya. Ginagawa natin ito sa pagdakila sa kanya, sa pagpasalamat sa kanya, sa pagdarasal sa kanya. Bibigyan natin siya ng panahon. Ang araw ng Linggo ay ang araw ng pagsamba. Hindi lang tayo nagsisimba kasi may hinihingi tayo. Nagsisimba tayo kasi dinadakila at pinasasalamatan ang Diyos.

Ano naman ang pagmamahal sa ating kapwa? Ang pakikiisa at pagtulong sa kanila. Huwag nating gamitin ang kapwa, paglingkuran natin sila. Hanapin natin ang ikabubuti ng iba at hindi lang ang pakikinabang natin sa kanila.

Maganda at tinuturuan tayo ni Jesus na huwag paghiwalayin ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa. Hindi natin mayayakap ang Diyos. Hindi naman natin siya matutulungan kasi wala naman siyang pangangailangan. Ang mayayakap natin ay ang ating kapwa; ang matutulungan natin ay ang ating kapwa. At maliwanag na sinabi ni Jesus na anumang ginawa natin sa iba, lalo na sa mga mahihirap, ay ginagawa natin sa kanya. Siya ang maggagantimpala. Kaya ang pagkain sa nagugutom, ang pagbisita sa may sakit at nasa bilangugan ay paglilingkod kay Jesus. Pero kung pinababayaan natin ang mahihirap, siya ang ating pinababayaan. May parusa din dito. Hindi lang tayo pinaparusahan sa kasamaan na ating ginagawa. May parusa din sa kabutihan na hindi natin ginawa.

Isang sektor ng kapwa na ating pinababayaan ay ang mga bilanggo. Kinukulong sila dahil sa may masama daw silang ginawa. Hinihiwalay sila sa lipunan. Hindi ibig sabihin nito na kakalimutan na natin sila at pababayaan. Sinabi ni Jesus, “ako ay nasa bilangguan at dinalaw mo ako. Halina sa kaharian na inihanda para sa inyo.” Hindi lahat ng nasa bilangguan ay masasamang tao. Marami ang nandoon dahil sa sila ay biktima ng pagsasamantala. Ang lantad na halimbawa diyan ay si Senator Leila Delima. Wala siyang kasalanan pero anim na taon nang nakabilanggo. Ilan na sa mga nagtestigo laban sa kanya ay lumantad na sila ay nagsinungaling sa kanilang pagtestigo dahil sa pinilit lang sila. Ginamit ang batas ng mga makapangyarihan upang maghiganti sa kawawang senator. Kung iyan ay nangyayari sa kanya na dating pangulo ng Department of Justice, na siya ay abogada at tinutulungan ng maraming mga abogado, ano pa kaya ang maliliit na tao na nabibilanggo, lalo na sa ating lipunan na ang komokontra sa gobyerno at sa malalaking business ay nire-red tag at sinasampahan ng mga kasong gawa-gawa? Kaya ngayon ay Prison Awareness Sunday. Pinapaalaala sa atin na pansinin ang mga nabibilanggo. Kapwa tao pa rin natin sila at makakaambag sila sa lipunan kung bibigyan lang ng pagkakataon. Kaya ang mga bilangguan natin ay dapat maging rehabilitation centers, at hindi lang lugar ng pagpaparusa at lalo na hindi lugar ng paghihiganti.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 13,709 total views

 13,709 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 28,365 total views

 28,365 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 38,480 total views

 38,480 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 48,057 total views

 48,057 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,046 total views

 68,046 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,754 total views

 4,754 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 5,851 total views

 5,851 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,456 total views

 11,456 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 8,926 total views

 8,926 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,974 total views

 10,974 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,302 total views

 12,302 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,548 total views

 16,548 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,976 total views

 16,976 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,036 total views

 18,036 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,346 total views

 19,346 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,075 total views

 22,075 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,261 total views

 23,261 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,741 total views

 24,741 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,151 total views

 27,151 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,429 total views

 30,429 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top