Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 401 total views

28th Sunday Year C

2 Kings 5:14-17 2 Tim 2:8-13 Lk 17:11-19

Ang pasasalamat ay isang mabuting asal na itinuro sa atin mula nang pagkabata natin. Kapag binigyan tayo ng anuman – yan man ay pagkain o laruan o pera – sinasabihan tayo na magsabi ng “Thank you” o ng “Salamat Po.” Ang isang masamang masasabi sa isang tao ay: “Wala kang utang na loob!” “Hindi ka marunong tumanaw ng ibinigay sa iyo!” Pasasalamat: ito rin ang paksa ng ating mga pagbasa ngayon. Tayong na-train na magpasalamat sa tao – nagpapasalamat din ba tayo sa Diyos? Paano tayo magpasalamat sa Diyos?

Si Naaman ay isang successful na general ng Syria. Matagumpay siya sa mga digmaan pero may malaking problema siya. Siya ay may ketong. Anu-ano na ang ginawa niya pero hindi siya gumagaling. May isang Israelita silang nabihag at ginawang alipin sa bahay. Nagsabi ito na may propeta sa Israel na nakapagpapagaling. Pumunta si Naaman sa Israel na may sulat mula sa hari ng Syria para sa hari ng Israel na siya ay pagalingin. Pinadala siya kay propeta Eliseo. Hindi man siya hinarap ng propeta ngunit inutusan lang na lumublob ng pitong beses sa ilog Jordan. Nainsulto si Naaman at galit na galit na umalis. Mas malilinis pa at mas malalaki raw ang mga ilog ng Damasco kaysa ilog Jordan. Mabuti na lang at napakiusapan siya ng mga kasama niya. “Nandito naman lang tayo. Gawin mo na ang ipinagagawa ng propeta. Hindi naman masama na gawin ito.” Nagbago ang loob niya. Lumublob nga ang general sa ilog Jordan at kuminis mula sa ketong ang kanyang balat. Naging tulad ito ng balat ng baby.

Bumalik si Naaman kay Eliseo na masayang masaya. May mga dala siyang regalo – 350 kilos na silver, 6000 na pirasong ginto at sampung magagarang damit. Gusto niyang ibigay ito sa propeta bilang pasasalamat. Hindi ito tinanggap ni Eliseo. Hindi niya ipinagbibili ang kanyang serbisyo. Noong hindi mapilit ng general ang propeta, nakiusap na lang siya: “Maaari po ba namang kargahan ko ng lupa mula rito ang dalawa kong kabayo? Mula ngayon hindi na ako maghahandog sa ibang diyos maliban sa Diyos ng Israel.” Ang kanyang paniniwala ay makasasamba lang siya sa Diyos ng Israel mula sa lupa ng Israel, kaya magdadala siya ng lupa mula sa Israel upang kahit na siya ay nasa Syria na, makasasamba pa rin siya sa Diyos ng Israel. Ang pasasalamat niya ay ang kanyang pagsamba sa Diyos na nagbigay sa kanya ng kagalingan. Hindi ang propeta ang nagpagaling sa kanya kundi ang Diyos ng Israel. Kaya kikilalanin na niya siya at wala nang sasambahin pa ngayon kundi si Yahweh, ang Diyos ng Israel.

Ang ating ebanghelyo ay tungkol din sa pasasalamat. Ang tatlong ketongin ay may pananampalataya na tumawag kay Jesus. “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!” Sila lang at ang isang bulag ang tumawag sa pangalang Jesus sa ebanghelyo ni Lukas. May pananampalataya sila na sumunod sa utos ni Jesus na magpakita sa saserdote. Noong panahon ni Jesus ang mga saserdote lamang ang makapagpapatotoo na ang isang tao ay magaling na sa ketong. Kaya sa pagsunod sa utos ni Jesus na lumakad at pumunta sa saserdote, may pananalig sila na may mangyayari sa kanila. At ganoon nga, gumaling silang lahat sa kanilang ketong!

Ang nakalulungkot, isa lang sa kanila ang bumalik kay Jesus upang siya ay pasalamatan at sambahin. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus (ito ay tanda ng pagsamba) at nagpasalamat. Alam ni Jesus na ang lahat ay gumaling pero bakit isa lang ang bumalik at nagpasalamat – at isa pang dayuhan, isang Samaritano! Nalungkot si Jesus. Dahil ang Samaritano ay marunong tumanaw ng utang na loob, siya ay nagkaroon ng kaligtasan. “Tumindig ka at umuwi. Ligtas ka na,” wika ni Jesus sa kanya. Ang iba ay nakatanggap lang ng kagalingan. Siya ay nakatanggap ng kaligtasan kasi marunong siyang magpasalamat.

Ang sampu ay may pananampalataya na humingi ng tulong; ang sampu ay may pananampalataya na sumunod sa salita ni Jesus, ngunit isa lang ang may pananampalatayang bumalik upang magpasalamat. Pero hindi lang ito nangyari noong panahon ni Jesus. Nangyayari rin ito kahit na sa ating panahon. Ngayong linggo, lahat naman tayo ay patuloy na nakahinga at nabuhay. Nakatanggap tayo ng ulan at ng init ng araw. Nakakain tayo. Mayroon tayong pamilya, may mga kaibigan, may trabaho o nakapag-aaral. Lahat tayo! Pero bakit tayo lang ang nasa simbahan ngayon para magpasalamat? We are even less than 10% of those who were blest this week!

Para sa ating mga Katoliko ang Banal na Misa ay tinatawag din natin na Banal na Eukaristiya. Ang salitang Eukaristiya ay salitang Griego na nangangahulugan na pasasalamat. Tayo ay nagsisimba kasi tayo ay nagpapasalamat. Ang dami nating ipasasalamat sa Diyos – ang buhay natin, ang ating kalusugan, ang ating trabaho,ang ating pamilya. Higit sa lahat, ipinapasalamat natin ang pagmamahal ng Diyos sa atin, ang pag-aalay ni Jesus ng kanyang sarili sa Krus, ang salita ng Diyos na pagkain ng ating kaluluwa. Nagsisimba tayo kasi tayo ay nagpapasalamat. Ang pagsamba natin ay pasasalamat. Bakit iilan lang ang nagpapasalamat?

Paano tayo nagpapasalamat? Nagpapasalamat tayo sa pagkilala ng biyaya na ating tinanggap. Ang kinikilala nating biyaya ay ating pinahahalagahan. Kaya tumitigil muna tayo sa ating gawain, bumabalik sa pinanggalingan ng biyaya at sumasamba sa kanya. Hindi ba ito ang ginawa ni Naaman? Hindi ba ito ang ginawa ng Samaritano? Tumigil sila sa kanilang lakad at bumalik sila, at sila ay sumamba. Kinilala ni Naaman na ang Diyos ng Israel ang tunay na Diyos at siya nalang ang kanyang sasambahin kahit na sa bansa ng Syria. Kinilala ng Samaritano ang pagka-diyos ni Jesus kaya siya ay nagpatirapa sa harap niya. Tayo rin, tumitigil tayo sa araw ng Linggo. Tigil muna sa pag-aaral. Tigil muna ang pagtatrabaho. Bumalik tayo sa Diyos. Pumunta tayo sa simbahan at sambahin siya sa Banal na Misa na walang iba kundi pagpapasalamat.

Magaan ang loob natin sa marunong tumanaw ng utang na loob, at mas binibigyan pa natin siya o tutulungan pa. May isa akong kaibigan na tumutulong na magpa-aral ng ilang mga deserving students. May kinukwento siya tungkol sa isang galing sa probinsiya na pinapaaral niya. Kapag ito ay lumuluwas sa Maynila upang kunin ang kanyang allowance buwan buwan, palagi itong may dala na kahit anuman mula sa bukid – sitaw, mani, kalabasa, talong. Maluwag ang loob niya sa batang ito at ang mga hinihingi niya ay madali niyang ibigay – kasi marunong itong magbalik-handog. Ganyan ang balik-handog, isang pasasalamat. Isang pagtingin ng utang na loob.

Ngayon ay Indigenous People’s Sunday. Kilalanin natin sila at pasalamatan. Sila ang mga naunang nagbantay at nag-alaga ng ating Inang Kalikasan. Marami tayong matututunan sa kanila kung paano makipag-unay sa ating kapaligiran. Kilalanin natin ang kanilang karapatan sa kanilang ninunong lupain. Dito sa Palawan sila ang mga nauna na tumira rito. Huwag nating silang isantabi. Pahalagahan at ipagtanggol natin sila at ang kanilang kultura. Sapat ang yaman ng Palawan para sa lahat.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,013 total views

 33,013 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 47,669 total views

 47,669 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 57,784 total views

 57,784 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,361 total views

 67,361 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,350 total views

 87,350 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,697 total views

 5,697 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,794 total views

 6,794 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,399 total views

 12,399 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,869 total views

 9,869 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,917 total views

 11,917 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,245 total views

 13,245 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,491 total views

 17,491 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,919 total views

 17,919 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,979 total views

 18,979 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,289 total views

 20,289 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,018 total views

 23,018 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,204 total views

 24,204 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,684 total views

 25,684 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,094 total views

 28,094 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,370 total views

 31,370 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top