178 total views
June 20, 2018
Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle
Holy Spirit Mass of Archdiocese of Manila Catholic Schools
Minor Basilica of the Immaculate Concepcion – Manila Cathedral
My dear brothers and sisters in Christ, we thank the Lord for gathering us as one big family, one big community coming from the different parochial and catholic schools, we in this Eucharist form one big family, and we thank God also for the good weather, we thank God for this new school year.
Mga estudyante, magpasalamat kayo sa Diyos, makakapasok kayo, huwag niyong iisipin, “klase na naman” ang daming bata gustong pumasok sa eskwela, walang oportunidad, kung makakapasok sila kahit isang araw, masayang-masaya sila kaya para sa kanila na hindi makapasok sa school, maging masaya kayo huwag kayong mukhang aburido, smile naman dyan smile! Naku, mga teachers kayo ang unang ngumiti para susunod sila sa inyo. Dapat ang isang tatak ng mga nag-aaral sa catholic schools, masaya, sabi nga ni Pope Francis…”Evangelii Gaudium”…the joy of the Gospel, the joy of encountering Jesus who is the wisdom of God”
This is a beautiful tradition among catholic schools, to open the academic year by invoking the Holy Spirit. Bakit? Bakit kailangan manalangin tayo sa Diyos para sa Banal na Espiritu, baka iisipin nung iba na pilosopo, “na gawa ko na naman ang lahat ng requirements, nakapasa na ako sa entrance exam, nakabayad na ako ng downpayment sa tuition, nakuha ko na yung mga libro, workbook at mga schedule ko, simula na ng klase, bakit kailangan pa ng Holy Spirit?”
Well, the Holy Spirit according to the gospel is the gift of the risen Lord, we do not produce the Holy Spirit, the Holy Spirit is sent by God the Father through Jesus as the first gift of the risen lord and not just any ordinary gift, the Holy Spirit is the life, the love of God in person life and love of God. And as catholic educational communities, we accept the fact that our mission called education, Christian education, catholic education cannot be fulfilled if we rely only on our human talents and capacities, we need this gift from God to be able to fulfill our mission. Bakit? ano ba yung misyon ng simbahan sa pamamagitan ng mga schools and education? Una sa lahat sa pamamagitan ng edukasyon, tumutulong ang catholic schools na lumago ang pagkatao ng bawat isa, part of the development of human beings is to grow in knowledge, to grow in skills, to grow in values, to grow in relationships, to grow in maturity.”
“Pero bilang catholic school meron pang isang misyon hindi lamang education para lumago bilang tao kundi lumago bilang kawangis ni Hesus, kase ang model, ang modelo naten ng pagiging tao ay si Hesus, kaya sa pamamagitan ng total, complete formation and education in a catholic we grow not only as human beings but human beings who take Jesus as our chief model, in this sense we become good citizens of society and of the country and also good members of the church. We cannot do that by ourselves, according to the readings, it is the Holy Spirit that will enable us to say Jesus is Lord.
Mga graduate at mga estudyante ng catholic schools pagbubuka ang mga bibig ninyo, kahit ano pa ang sasabihin ninyo, make sure na yung mga sasabihin ninyo is a paraphrase of Jesus is Lord. Kapag hindi yan konektado sa Jesus is Lord isara mo nalang ang bibig mo, kung ang sasasbihin mo kapag pinara-phrase mo ay parang “Jesus is nothing” huwag mo nang sabihin yan. The Holy Spirit impels us to say, “Jesus is Lord in many different ways,” “Salamat Lord ang ganda ng umaga.”Ang bait ng teacher ko,” yan parang Jesus is Lord yan, yun teacher naman sasabihin sa estudyante, “ huwag kang ma-discourage mababa ang grade mo ngayon, pero tutulungan kita.” yan, Jesus is Lord, pero bakit ba ako papasok ngayon?”
Parang hindi Jesus is Lord yan, pumapasok pa lang yun teacher, ayan na naman si…Hindi good spirit yan. Teacher pag pasok mo sa classroom, nakita mo andyan na naman yung estudyante na bumagsak last year kaya balik na naman sa classroom mo, sabihin mo “naku ito…” baka hindi Jesus is Lord yan.
The Holy Spirit teaches us to say in many different ways only one thing… “Jesus is Lord, Jesus is great,” but we have to be intelligent, discerning, it is the, “is it the holy spirit that is opening my mouth or is it another spirit that makes me the bearer of bad words, bad news.”
Ang mundo naten ngayon ay punong-puno na ng masamang balita at masamang salita, kailangan naten ng maraming estudyante, teachers, graduates ng catholic schools na marami nang na attend-an na mass of the Holy Spirit para pag bumuka ang kanilang bibig… “Jesus is Lord, said in different ways, in different languages.” Sabi nga sa unang pagbasa, and people hearing that, they say, “why do we understand, why are thay capable of speaking our languages” because it has one essential message, the glory of God in Jesus at yan, bunga ng Espiritu Santo at ang Espiritu Santo rin, sabi sa mga pagbasa hindi lamang tayo tinuturan magsalita ng nararapat, ang Espiritu Santo binibuo tayo as one body, as one community, different gifts, different ministries but focus on the common good. Yan po ang hinihingi rin natin sa Banal na Espiritu na tayo habang natututo, gumagaling, nagiging dalubhasa that we discover our unique gifts.
Iba-iba ang gifts , mga teachers, huwag natin hanapin ang lahat ng gifts sa lahat ng estudyante, iba-ba ang gifts, yung iba ang gifts intelektuwal, galing. Pero yung iba ang gifts, practical, yung ibang matatalino dyan ni-hindi makapag screw ng turnilyo. Iniisip pa, ini-intellectualize, samantalang yun may practical intelligence, pagkakita pa lang, ginaganyan lang naman yan. Yung iba sobrang talino kapag ang microphone ay naka-ganyan, ano ginagawa?….yan, napakatalino nyan intellectually, pero yung mayroong practical intelligence, marami nang beses ako nakakita dito, sabi ko, “bakit ba yung babasa puwede naman nyang itaas yun” anong klaseng intelligence yun? It may not be a philosophical intelligence, it may not be yung napaka scientific intelligence that will make me a great chemist but very practical, so may ganoon. The Holy Spirit gives us so many gifts to celebrate but use the gifts for the common good.
Sana makilala ang mga graduates ng catholic schools sa generosity, ito ang aking gifts, inaalay ko para sa kabutihan ng lahat, hindi lamang sa personal interest, hindi lamang para sa ika-tatanyag ko, hindi lamang sa ikayayaman ko, kundi para sa kabutihan ng bayan, kabutihan ng lipunan, kabutihan ng simbahan, kabutihan ng creation, the environment. Huwag sanang makita na graduate pa naman, mag-aaral ng isang catholic school pero makasarili. The Holy Spirit gives us gifts so that we have something to contribute to the common good. Yan ang pangalawa, so we could speak Jesus is Lord in different laguages, secondly, we have gifts that we can offer for the common good at ang ikatlo, Mission.
Nung binigay ni Hesus ang espiritu santo sa mga apostoles, sabi nya, “as the Father has sent me so I send you,” get out of your shelves, get out of your little worlds, Jesus sends you, that’s why you are educated, that’s why you are formed, that’s why you are gifted so that you could be a missionary. Sinusugo ka ni Hesus, una, sa iyong pamilya. Tulungan mo ang mga magulang mo, mga kapatid mo, yung natutunan mo ibahagi mo sa kanila at huwag ka nang maging pabigat sa iyong mga magulang. Sinusugo ka sa iyong mga kaklase at mga kabarkada, sana hindi ikaw ang magtuturo ng bisyo, sana hindi ikaw ang magtuturo ng pandaraya, sana hindi ikaw ang magtuturo ng pagsisinungaling sa magulang. Ipinapadala ka sa iyong mga kabarkada para maging mabutng impluwensya, ipinapadala ka sa iyong parokya para makiisa ka sa buhay ng parish. We are all privileged to have this gift of Christian-catholic education, but it is not something that we keep to ourselves and use only for our benefit. Go, go and share, go and testify, go be the salt of the earth and the light of the world.
At bilang pangwakas po, Pope Francis asked that March 9, 2018 up to March 9, 2019, be the Jubilee Year of Saint Aloysius Gonzaga, San Luis Gonzaga, 450 ago, Saint Aloysius was born. Sino ba si Saint Aloysius o San Luis, sya ay galing sa isang noble family sa Italy, lumaki sya sa luho, sa layaw at sya ay meron nang nakatakda na career sa military at sa royal court. Pero salamat sa kanyang nanay at sa pamilya, sya ay napaka lapit kay Hesus at sa simbahan, sa takdang panahon, nagdesisyon ang batang Luis o Aloysius o Luigi, yan ang mga translation ng pangalan niya, nagdesisyon siya to give-up, binitawan nya ang kayamanan, ang kanyanag career at siya ay pumasok sa mga Jesuits bilang semenarista. Mayaman ang pamilya, may ambisyon, tinalikuran ang lahat para maglingkod sa Diyos at sa simbahan bilang isang Heswita. Naging semenarista, pero nung semenarista sila sa Rome, sa Roma, nagkaroon ng plague, parang salot ang daming namamatay.
Ginawa ni San Luis naging volunteer, nag-alaga ng mga may sakit at siya’y nahawa, namatay sya sa edad na bente tres, hindi naging pari pero inialay ang buhay nya, at the age of twenty three he died. He was declared as the Patron Saint of the Youth, sya nag patron ng mga kabataan. Sya rin ang patron ng catholic schools, at dahil sa ginawa nyang serbisyo, dineklara sya ni Pope John Paul II bilang Patron Saint ng mga HIV-AIDS patients. Itong buong taon na ito gusto ni Pope na ang mga kabataan ay lumapit kay San Luis, Saint Aloysius at matuto sa kanya, sa kanyang pananampalataya, sa kanyang discernment, intelligence. Ano ang mas mahalaga? Kayamanan o paglilingkod? At matularan ng kabataan ang kanyang pagmamalasakit sa kapwa, misyon hanggang kamatayan. Pwede ko bang malaman, sino dito ang pangalan ay Luis? Meron ba? ako, Luis ako eh, ikaw Luis ka rin, meron ba dito ang pangalan ay Aloysius? ah sister, si sister Aloysius, meron ba ang pangalan ay Luigi? yun mga nagpapaka-italyano riyan? hindi na pala pamoso ang mga pangalan naten, Luis, sayang, meron ba ritong ang pangalan ay Luisa? ayun may isa…meron ba ang pangalan ay Luigina? wala, naku! Nakalimutan na si San Luis, Pyesta nya bukas, feast of San Luis Gonzaga, Saint Aloysius Gonzaga bukas.
Sana sa mga schools, meron ba kayong classroom na ang pangalan o section San Luis o section Saint Aloysius, kung wala magsimula kayo ngayon. Meron ba kayong prayer room o kaya’y corner na ang pangalan ay San Luis, kung wala maglagay kayo kasi up to March 9, 2019 places, sanctuaries, chapels name after Saint Aloysius could be a place of pilgrimage and devotion, at baka meron ding indulgence, patron of the youth, patron of schools and patron of service, to those who are suffering, so may the Holy Spirit help us to imitate Saint Aloysius, in his innocence, in his faith, in his following of Jesus, service of the poor and the suffering.