6,880 total views
Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)
November 15, 2019 – Manila Cathedral
My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as we commemorate the 60th anniversary of MAPSA.
We thank our dear bishops and our brother priests who have been part of MAPSA in different stages of its mission and its existence. Maraming Salamat po sa inyong pakikiisa.
Maraming salamat din sa mga religious men and women, mga lay collaborators, sa admin, teaching and non-teaching staff at salamat sa mga estudyante.
Imagine on this year of the Youth in the Philippines, MAPSA is marking its 60th anniversary. Hindi pa siguro pinapanganak ang mga magulang ng mga estudyante, may MAPSA na. Ang MAPSA ang isa sa inyong lolo o lola. Baka lolo sa tuhod na ninyo, o lola sa tuhod which is a beautiful way of thinking of a living institution. It is not just an association it was one of the fruits of Vatican II. Four years after the conclusion of Vatican II, MAPSA of the Archdiocese of Manila was formed by our beloved Cardinal Rufino Santos. And since then, new dioceses have been created. Each diocese now having its own educational system but the association remains. We work together.
Siguro po batay sa mga pagbasa, ibig kong magbigay ng dalawang pabaon para sa pagninilay.
The first is the role of education in the mission of church. Sa Bibliya, si Hesus ay tinatawag, “Rabbi”, guro, teacher, at ang ating kinikilalang Panginoon ay guro. Sa simula pa lang ng Kan’yang misyon ang paggabay, paghuhubog, pagtututro ang isa sa kinilala ng mga tao na Kan’yang gampanin.
It comes as no surprise that the Church which is the body of Christ, will continue the presence and the mission of Christ through teaching.
Kung tutuusin, pwede nating sabihin na lahat ng ginagawa sa Simbahan ang pangangaral, ang Bible study, ang sakramento, ang social action, lahat yan ay pamamaraan ng pagtuturo, paghuhubog. Nagkataon lang na, the educational ministry became more formal. But it is not only through the school that the Church teaches, educates and forms. All aspects of the Church’s mission is educational, formative. Kaya nasa dugo ng Simbahan ang edukasyon.
According to Vatican II, the schools of the Church are supposed to form men and women through the development of their intellectual capacities, the development of their values, the development of their missionary engagement that the educational institutions form good citizens of society and also good Christians. Magkasama yun. Pagiging mabuting mamamayan at mabuting kristiyano.
At yan ang sinasabi sa mga pagbasa natin. Hindi dapat mag-away yung paniniwala sa Diyos at yung kaalaman.
Knowledge and faith should come together, support each other rather than fight each other. Sa pamamamgitan ng karunungan, harinawa lalung matuklasan ang Diyos. At sa pamamagitan ng pananampalataya, nagagabayan ang utak.
Sabi sa Unang Pagbasa, yung iba naging matalino, maraming alam nasuri ang kalangitan, ang mga buwan, ang mga bituin, ang araw. Na-dissect na yata lahat ng uri ng palaka. Nagdi-dissect ka ba ngayon ng palaka o bawal na yan? Bawal na, kasi animal rights. Ang daming alam pero na humaling, na humaling sa mga nilalang. Na humaling sa dami ng alam tungkol sa mundo at nakalimutan ang lumikha, ang Diyos. At yan ay umuuwi sa confusion. Ang mga nilalang ang ginagawang Diyos. Kapag nakalimutan ang tunay na Diyos, yung ating kaalaman tungkol sa mga nilalang, creatures or even things of this world, nagiging idolatry.
Halimbawa, hindi naman masama na may alam ka sa economy and finance. Pero kapag nakalimutan mo ang Diyos baka yung pera ang maging Diyos mo. At kapag pera ang naging Diyos, magkakagulo hindi lamang ang pananampalataya magkakagulo ang lipunan. Lalago ang kurapsyon. Lalago ang discrepancy between the rich and the poor. Why? Because my study of finance led me to forget the true God, the source of all good, the creator, the provider and then I claim to money as God. Gulo sa lipunan. Kaya sana habang nagpapakadalubhasa sa mga kaalaman lalong lumalalim ang pagtuklas sa Diyos na pinagmulan ng lahat.
‘Yung iba siguro sa inyo mahilig sa art. Maganda yung art. Ano ba ibig sabihin ng art? Expression of beauty. Expression of the truth. Expression of the Good. Pero yung iba, ginagawa na nilang Diyos yung kanilang art. Nawawala na ang Diyos kaya lagi nalang pinag-uusapan artistic freedom. Kinakatay ko yung tao. Nilalapastangan yung babae sa pelikula, nire-rape. Ano yan? Artistic freedom. Tapos bigla na lang natatapos yung pelikula ang nakita mo puro kasamaan, kasamaan, kasamaan, wala man lang redemption. Pag-uwi mo nasa isip mo mas malakas ang kasamaan. Nakalimutan na ang Diyos.
O yung iba mahusay sa IT at maganda naman yan. Naku! Bonding, connectedness, hindi naman ginagamit yung tunay n’yang pangalan, nanghihiram ng pangalan ng iba. Biruin n’yo two years ago, may nagpost na ako raw ay namatay, pati yung ospital kung saan ako namatay ay nakalagay, at sabi pa ay ako’y napaliligiran ng aking pamilya at mga kaibigan at ang kapatid ko raw ay nagpasalamat sa lahat ng tumulong at nakiramay, January 30. Kaya nung nagmisa ako February 2, Day of Consecrated Life, pagdating ko, sabi nung paring sumalubong sa’kin, kayo ba ay bangkay? Sabi ko, teka, kailan ba yun na post? Ay, tatlong araw, nabuhay na mag-uli.
Pero, grabe ha, yung technology na yan gagamitin para patayin ang tao hindi na kailangan minsan ng baril, kailangan lang ang karunungan mo sa paggamit ng mga gan’yang gadgets at pwede kang pumatay.
E, di ba yan ay para sana sa sharing of knowledge, of information pero pag nakalimutan ang Diyos lahat yan ay karunungan na umuuwi sa pinakamalalim na kamangmangan dahil walang papel ang Diyos. Who is wisdom? Who is the truth? and Who is the life? Uulitin ko yan, burahin natin ang Diyos, ang ating pinagmamalaking karunungan ay talagang kamangmangan.
And it is the mission of Catholic schools to show to the world that knowledge and faith come together and with faith we know more and we use knowledge better for the good of humanity, the good of society and also for the mission of the declaring, proclaiming the Good News.
O, kaya lalo na sa mga teachers, sa mga estudyante, huwag n’yong ikakahihiya ang inyong pananampalataya. Mas kilala nyo si Hesus, mas marami kayong malalaman tungkol sa mundo, tungkol sa kasaysayan. At mas kilala nyo si Hesus, kayo ay makapagbibigay sa mundo ng natatanging kontribusyon.
Bago ko iwanan itong puntong ito, masyado pangbata itong mga estudyante. Pero naalaala ko noon merong kanta, “Sinasamba Kita.” Yung mga kaedad ko baka naalaala pa yan. Kaya lang hindi naman sa Diyos kinakanta yung Sinasamba Kita. Kinakanta sa isang kapwa tao na siguro, crush. At yung tao na yun ginawang Diyos, “Sinasamba Kita. At nanginginig pa pag kinakanta, kung anumang dahilan.
Kaedad ba kita? Mukhang bata ka pa siguro laman ka ng videoke.
“Kung anumang dahilan ay di mahalaga basta’t sinasamba kita.”
Anong susunod? Biruin mo kakantahin mo sa isang tao, baka yan ngayon kinakanta na rin sa isang alahas o sa isang figurine, Sinasamba Kita. Aba magugulo ang buhay pero kapag nasa benediction, ang Panginoong Hesus ang kaharap, “Sacramentum, Sacramentum,” antok na antok. Pero kapag “Sinasamba Kita.”
Sabi sa Ebanghelyo kapag dumating ang araw ng Diyos, baka makita ka, ang mga sinasamba mo mga diyus-diyosan at hindi mo makilala ang tunay na Diyos. Yan ang kaalaman.
At panghuli po, nakikiusap po tayo, tayo ay association. In the church the term is communion. Sana sa pamamagitan ng MAPSA, tayong lahat ay magkatulung-tulong, mabuklod sa iisang misyon. Hindi tayo ang dapat nagtatapakan. Hindi tayo ang dapat nagsisiraan. Kung ano ang mahina sa isa, tulungan natin mapalakas. At kung ano ang malakas sa isa, huwag kainggitan. Pasalamatan at baka may matututunan tayo.
Kapag pinagsama-sama natin ang ating mga Catholic schools at tayo’y kumilos ng sama-sama, ng may pananampalataya at may misyon, tinanggap kay Hesus at misyon para sa lipunan, napakalaking ambag ito.
At sana po sa pagsisimula ng 60th anniversary ng MAPSA, sa naging mga pagbabago, sa pagdaloy ng panahon, sana lalong umigting at patuloy tayong maghanap ng naaangkop na pamamaraan ng pagsasama-sama, pagtutulungan.
Sabi ni Pope Francis, synodality. Walking together because we have only one mission, we have only one humanity to serve and here we have one nation, and we have one common home, our earth to take care of. That’s part of the wisdom that comes from the Lord.
Let us pause and as we thank God, we renew our commitment to this beautiful commission the Lord has given to the Church and to MAPSA.