Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 19,082 total views

22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B

World Day of Prayer for the Care of Creation

Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23

Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG KATOTOHANAN, upang matangi tayo higit sa lahat ng kanyang nilalang. Buong pagpapakumbabang TANGGAPIN ANG SALITA NG DIYOS na natanim sa inyong puso. Ito ang magliligtas sa inyo. MAMUHAY KAYO AYON SA SALITA NG DIYOS.”

Dahil sa Salita ng Diyos natatangi tayo sa iba. Hindi ba iyan din ang sinabi ni Moises sa ating unang pagbasa? Hahanga ang mga tao dahil sa batas ng Diyos na ibinigay niya sa mga Israelita. Mahal ng Diyos ang kanyang bayan kaya binigyan niya sila ng batas. At matuwid at maganda ang mga batas na ito. Kaya huwag nila itong palitan at dagdagan. Isabuhay lamang nila ito. Ito ang karangalan nila.

Pero ang Salita ng Diyos ay hindi lang karangalan natin kasi ito ay makatwiran. Ito rin ang magliligtas sa atin. Ililigtas tayo ng Salita ng Diyos kasi hindi tayo maliligaw sa landas ng buhay dahil dito. Ito ay magdadala sa atin patungo sa kabutihan natin. At hindi lang. Ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihan na magbigay ng buhay. Napapasigla tayo nito. Ngunit magkakaroon ng bisa ang Salita ng Diyos kung ito ay itinatanim natin sa ating puso at isinasabuhay natin.

Sa ating ebanghelyo nagalit si Jesus sa mga Pariseo at mga Eskriba na siyang mga leaders ng mga Hudyo noong kanyang panahon. Mas pinapahalagahan nila ang mga sabi-sabi ng matatanda nila kaysa sa Salita ng Diyos. Mas pinahalagahan nila ang mga panlabas na gawain tulad ng maghugas ng kamay bago kumain, maghugas ng mga kakainan, kung ano ang dapat kainin, at iba pang katuruan ng kanilang matatanda na hindi naman mga turo ng Diyos. Halimbawa, sa halip na igalang at suportahan ang kanilang mga magulang ayon sa batas ng Diyos, hindi na nila ito nagagawa kasi ang dapat isuporta sa mga magulang ay itinalaga na daw nila sa Diyos, na hindi naman ito sinabi ng Diyos. Abalang-abala sila kung ano ang kinakain nila at maraming pinagbabawal na pagkain sa kanila, tulad ng pagkain ng baboy, ng isdang walang kaliskis, ng dugo at iba pa. Hindi naman tayo nagkakasala, wika ni Jesus, dahil sa kinakain natin. Ang talagang nagdadala ng kasalanan sa atin ay ang mga masasamang balak o plano o mga salita na nanggagaling sa ating bibig. Hindi gaano ang pumapasok sa ating bibig ang nagpaparumi sa atin kundi ang lumalabas sa ating bibig, tulad ng ating mga salitang masasakit. Dito nanggagaling ang kasamaan kasi ang nanggagaling sa ating bibig ay nagmumula sa ating puso. Kaya kung marumi ang ating mga salita iyan ay dahil marumi ang ating puso at iniisip. Ang galit sa ating bibig ay galing sa galit sa ating puso. Iyan ang nagpapadumi sa atin. Pinapalitan na ng mga Hudyo noon ang sinusunod nilang salita na salita ng kanilang kaugalian at hindi Salita ng Diyos.

Mahalaga, mga kapatid, ang Salita ng Diyos. Ito ay ang Salita ng Katotohanan at mapalad tayo na iyan ay ipinaaalam sa atin ng Diyos. Tanggapin natin ito, unawain, itanim sa ating puso at isabuhay.

Ang Salita ng Diyos ay nanggagaling sa Bibliya na pinapaliwanag ng simbahan. Hindi lang tayo binigyan ng Diyos ng nakasulat na Salita. Binigyan din tayo ng simbahan upang tulungan tayo na ito ay unawain ng wasto at isabuhay. Kahit na matagal nang isinulat ang Bibliya – mga higit ng tatlong libong taon na, ito ay angkop pa rin sa ating panahon kasi hindi naman nagbabago ang Diyos at hindi naman nagbabago ang patutunguhan ng tao, na walang iba kundi ang langit. Ginagabayan tayo ng Salita ng Diyos patungo doon.

Binibigyan tayo ng simbahan ng mga aral para sa ating panahon ngayon upang maging tapat tayo sa Diyos. Isang katuruan ng simbahan na maliwanag na kailangan natin ngayon ay ang pangangalaga sa kalikasan. Ang kalikasan ay gawa ng Diyos. Natuwa ang Diyos sa kanyang ginawa; nagandahan siya rito. Ginawa ng Diyos ang tao bilang tagapangalaga nito. Dahil sa pag-aabuso ng tao sa kalikasan dumating ang malaking pagkasira nito. Kaya ito, nagdurusa tayo ng matinding tag-init at matinding mga bagyo at mga baha.

Upang tawagin ang ating pansin sa ating responsibilidad sa kalikasan, ginawa ng simbahang na ang Sept 1 kada taon ay ang World Day of Prayer for the Care of Creation. Ipagdasal natin na harapin na natin ang ating pananagutan sa kalikasan. Ipagdasal natin ang mga political at business leaders natin na pangunahan tayo sa pagpapahalaga sa kalikasan at hindi lang na ito ay pagkakaperahan lang. Ipagdasal natin na magbago na ang takbo ng ating buhay upang hindi tayo maging makasarili at pansinin lang ang ikasasaya natin ngayon na hindi isinasaalang-alang ang pangangailangan ng mga dukha at ng mga susunod na generasyon. Anong klaseng mundo ba ang ipamamana natin sa ating mga anak at mga apo? Kaya ngayong Linggo, September 1, isama natin sa ating pagsamba sa Diyos ang pasasalamat sa biyaya ng kalikasan at ipagdasal natin na imulat sa bawat isa sa atin ang tungkulin nating alagaan ang magandang mundo na regalo sa atin ng Diyos.
Pero ang kamalayan ng ating pananagutan sa kalikasan ay hindi lang para sa isang araw. Ginawa ng simbahan na taon-taon mayroon tayong SEASON OF CREATION. Ito ay mula September 1 hanggang Linggo ng mga Katutubo na ngayong taon ay sa October 13. Sa higit na anim na linggong ito isaalang-alang natin ang tungkulin natin sa kalikasan. Magdasal at kumilos din tayo. Kumilos tayo sa pangangalagaan ito.

Dalawa ang magagawa natin dito. Una, huwag tayong basta-bastang gumamit at magtapon ng plastic. Tayong lahat ay nakaka-contribute sa pagkasira ng mundo sa mga plastic na tinatapon natin. Iwasan ang paggamit ng plastic. Huwag itong basta-basta na lang na itatapon. Pangalawang magagawa natin ay magtanim ng puno. Malaki ang magagawa natin para sa kalikasan kung ang bawat isa ay magtanim ng puno. Ilan tayo na nandito sa simbahan– 100 na tao? 200? 300? Imagine kung linggo linggo magtatanim tayo ng isang puno, o isang tanim man lang. Sa loob ng 6 na linggo ng Season of Creation, sa ating maliit na community, ilang daan ang matatanim natin? Kung 100 tayo, at ang bawat isa ay magkapagtanim ng 6 na puno, iyan ay 600 trees na. Isang chapel pa lang tayo. Kung 4000 Catholics tayo sa parokyang ito – iyan ay 24,000 trees na. Maraming oxygen na ang maiaambag niyan sa ating mundo.

Ang Salita ng Diyos ay ating itanim sa ating puso at isabuhay. Kumilos tayo ayon sa Salita na sinasabi sa atin ng Diyos.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 7,889 total views

 7,889 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 22,545 total views

 22,545 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 32,660 total views

 32,660 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 42,237 total views

 42,237 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 62,226 total views

 62,226 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 4,490 total views

 4,490 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 5,587 total views

 5,587 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 11,192 total views

 11,192 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 8,662 total views

 8,662 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 10,710 total views

 10,710 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,038 total views

 12,038 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 16,284 total views

 16,284 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 16,712 total views

 16,712 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 17,772 total views

 17,772 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 21,811 total views

 21,811 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 22,997 total views

 22,997 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,477 total views

 24,477 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 26,887 total views

 26,887 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 30,166 total views

 30,166 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 28,983 total views

 28,983 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top