Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,852 total views

24th Sunday of Ordinary Time Cycle C Catechists’ Day

Sir 27, 30-28:7 Rom 14:7-9 Mt 18:21-35

Sa ating pagdarasal ng Ama Namin, ang panalanging itinuro ni Jesus na dasalin natin, may isang bahagi na mahirap tanggapin ng ilan. Iyon ay ang dasal natin na: PATAWARIN MO KAMI SA AMING MGA KASALANAN TULAD NG PAGPAPATAWAD NAMIN SA NAGKAKASALA SA AMIN. Mahirap itong matanggap kasi sinasabi natin sa Diyos na ang pagpapatawad na hinihingi natin sa kanya ay nakadepende sa pagpapatawad na ibinibigay natin sa iba. Parang bang sinasabi natin na huwag mo kaming patawarin kung hindi kami nagpapatawad. Hindi naman talaga bago ang kahilingang ito, kasi sa Lupang Tipan pa ay may ganito nang kaisipan. Kaya narinig natin sa ating unang pagbasa: “Ang nagtanim ng galit laban sa kapwa, pag tumawag sa Panginoon, walang kakamtang awa. Kung hindi ka nahabag sa iyong kapwa, paano mong ihihingi ng tawad ang iyong kasalanan?” Kaya totoo na ang kapatawaran na ating matatanggap ay may kaugnayan sa kapatawaran na ating ibinibigay.

Binigyan ni Jesus ng diin ang kaugnayan ng kapatawaran na ibinibigay natin sa kapatawaran na matatanggap natin. Kapag ang isang tao ay nagkakasala, ano ang dapat nating gawin? Noong nakaraang Linggo sinabi ni Jesus na kailangan siyang ituwid. Pagsabihan siya para siya ay magbago. Ngayon, nakita nga niya ang kanyang pagkakamali at nagsisisi siya, ano ang dapat nating gawin? Siyempre patawarin siya. Pero kung paulit-ulit naman siyang nagkakamali at paulit-ulit ding humingi ng tawad, ilang beses natin siya patatawarin? Akala ni Pedro generous na siya noong sinabi niya na patatawarin ng pitong beses. Pero hindi pa pala. Ang sabi ni Jesus ay: hindi ko sinasabing makapitong beses kundi pitumpong uli pa dito. Sa pananalita noon, ang ibig sabihin ni Jesus ay huwag kang titigil sa pagpapatawad. At bakit? Dahil sa ang pagpapatawad na ibinigay natin ay walang-wala, ay kakaunting-kaunti, kung ihahambing sa pagpapatawad na tinatanggap natin mula sa Diyos. Ihinantulad ito ni Jesus sa isang tao na pinatawad ng sampung milyong piso na hindi nakapagpatawad ng limang daang piso. Imagine, ten million na ang pinatawad sa iyo at hindi ka pa makapagpatawad ng 500 pesos? Ang pagmamakaawa niya sa hari ay tulad din ng pagmamakaawa sa kanya ng kanyang kapwa alipin: “Bigyan po ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.” Kung titingnan natin hindi naman siya sincere sa kanyang pagmamakaawa. Paano niya mababayaran ang 10 million pesos? Napakalaking halaga iyan! Pero ang humihingi ng panahon na babayaran ang 500 ay mas sincere. Kaya naman bayaran ang 500 pesos. Pero hindi! Sinakal pa niya ito at ipinatapon sa bilangguan. Bakit siya ganyan? Wala siyang habag. Galit siya. Dapat magaan na ang loob niya kasi pinatawad na siya ng 10 million. Iba ang hari. Noong nagmakaawa siya, kinaawaan siya kaya kahit na napakalaki ng utang niya, pinatawad siya. May habag ang hari sa kanya. Siya’y walang awa. Kaya, siyang ayaw magpatawad ay hindi na rin pinatawad ng hari. Pinagbili ang lahat ng ari-arian niya at pinakulong siya hanggang mabayaran niya ang lahat. Hindi siya nakakaalis sa kulungan sa ganyang kalaking utang!

Kaya napakahalaga po ang magpatawad sa kapwa. Madalas lumalabas ang ganitong dahilan. Napakabigat ng kanyang ginawa na hindi ko malilimutan. Talagang nasaktan ako. Paano ko siya mapapatawad? Ang ating pagpapatawad ay hindi nagdedepende kung malilimot natin ang ginawa sa atin o hindi. Wala tayong control sa mga bagay na malilimot natin. Kung talagang nasaktan tayo, mahapdi ang ating damdamin. Mahirap itong makalimutan. Pero iba ang pagpapatawad. Ito ay nadidisisyunan. Magdisisyon tayo na magpatawad. Patatawarin ko siya kahit masakit pa sa dibdib ko ang kanyang ginawa sa akin. Ang ibig sabihin nito ay hindi ako maghihiganti. Hindi ako gagawa ng masama sa kanya. Hindi ko siya ipapahamak. Hindi ko siya ichichismis.

Pangalawa, ipagdarasal ko siya. Sinabi ni Jesus na ipagdasal natin ang umuusig o gumagawa ng masama sa atin. At ito ay ginawa ni Jesus mismo. Noong siya ay nakabitin sa krus ang dasal niya sa Diyos Ama ay: “Ama patawarin mo sila. Hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Siya pa ang nagpa-excuse sa kanila. Parang sinabi niya: Hindi naman sila masama. Ignorante lang sila. Kung alam lang nila kung ano talaga ang ginagawa nila – na pinapatay ang pinadala ng Diyos – hindi nila ito gagawin. Patawarin mo sila. Sa halip na mag-isip ng masasama sa gumawa ng masama sa atin, mag-isip ng mga dahilan na hindi magpasama sa kanila.

Kaya ano ang ating gagawin sa pagpapatawad? Una, huwag maghiganti. Pangalawa, ipagdasal ang kanilang kabutihan. At ang pangatlo, gumawa ng kabutihan sa kanila kung may pagkakataon. Maaaring ngitian sila, kausapin sila, ipakita na handa kang makipagtulungan sa kanila. Magagawa natin ang mga ito kung handa tayong lunukin ang ating pride. Madalas iyan naman talaga ang nagpapahirap na magpatawad – ang ating pride, ang ating kayabangan.

Akala natin nagagawan natin ng masama ang kaaway kaya nakakapaghiganti tayo kung patuloy tayong nagagalit. Kapag tayo ay galit, ang ating sarili ang ginagawan natin ng masama. Ang ating dibdib ang mabigat. Ang ating paningin ang nandidilim. May mga pag-aaral pa na nagsasabi na nakakadevelop ng tumor sa ating katawan ang galit. Iyan ay ang mga nabubuo na negative energies dahil sa galit natin. At ang tanging gamot lang sa galit ay ang pagpapatawad. Kaya tayo mismo ang nakikinabang kapag nagpapatawad tayo. Pinapalaya natin ang ating sarili sa sama ng loob kapag tayo ay nagpapatawad.

May isa pang payo si Sirak sa ating unang pagbasa: “Alalahanin mo ang iyong wakas at pawiin mo ang iyong galit. Isipin mo ang kamatayan at sundin mo ang kautusan.” Ang anumang kasamaan na ginawa sa atin ay wala nang kabuluhan na panghawakan sa harap ng kamatayan. Ano pa ang magagawa ng galit mo kapag patay ka na? Ito pa ang magdadala sa iyong ng dagdag parusa. Pakawalan mo na ang iyong galit. Balewala na iyan sa harap ng Diyos.

Ang ikatlong Linggo ng September taon-taon ay Catechists’ Day. Inaalaala natin ang mga katekista. Sa ating Bikaryato ang catechesis ay isang pangunahang programa natin. Kaya nagtre-train tayo ng mga katekista. Kaya hinihikayat natin na magkaroon ng pagtuturo ng pananampalataya sa bawat chapel natin linggo-linggo, at nawa, sa school year na ito, payagan na ang mga katekista natin na makapagturo sa mga eskwelahan natin. Mahalaga po ang papel ng mga katekista. Sila ang naghahanda sa mga kabataan natin na tumanggap ng First Communion, ng First Confession at ng kumpil. Ginagabayan nila ang mga kabataan na mahalin ang Diyos at magdasal palagi. Kung kilala ng mga kabataan ang Diyos, madaling mahubog ang kaugalian nila tungo sa kabutihan. Ipagdasal at suportahan po natin ang ating mga katekista. Kaya magkakaroon tayo ng second collection para sa ating catechetical program sa bikaryato. Maging handa din tayo na maging katekista kung tinatawag tayo ng Diyos sa magandang gawaing ito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,523 total views

 27,523 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,179 total views

 42,179 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,294 total views

 52,294 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,871 total views

 61,871 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,860 total views

 81,860 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,465 total views

 5,465 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,562 total views

 6,562 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,167 total views

 12,167 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,637 total views

 9,637 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,685 total views

 11,685 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,013 total views

 13,013 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,259 total views

 17,259 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,687 total views

 17,687 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,747 total views

 18,747 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,057 total views

 20,057 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,786 total views

 22,786 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,972 total views

 23,972 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,452 total views

 25,452 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,862 total views

 27,862 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,138 total views

 31,138 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top