Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 274 total views

23rd Sunday Cycle C
Wis 9:13-18 Philemon 9-10.12-17 Lk 14:25-33

Sino ba ang Kristiyano? Sapat na ba na maniwala sa Diyos para maging Kristiyano? Hindi! Ang mga Muslim ay naniniwala sa Diyos pero hindi sila Kristiyano. Sapat na ba na tumulong sa kapwa para maging Kristiyano? Hindi! May mga taong matulungin sa iba dahil sa mabubuting tao sila pero wala silang pananampalataya. Sapat na bang maging madasalin para maging Kristiyano? Maraming mga Buddhist na madasalin at magaling mag-meditate pero Buddhist sila. Kaya, sino ang Kristiyano? Ang Kristiyano ay ang naniniwala kay Kristo na siya ay tunay na Diyos at tunay na tao at sinisikap na sundin siya. Si Jesukristo ay ang anak ng Diyos na naging tao. Naging tao siya upang tubusin tayo, gabayan tayo sa buhay na walang hanggan at dalhin tayo sa tahanan ng Diyos Ama. Pupunta tayo sa Diyos Ama kung tinutularan natin siya. Siya ang tanging daan patungo sa Ama. Kaya ang palaging paanyaya ni Jesus sa mga tao ay: SUNDIN NINYO AKO. TULARAN NINYO AKO. Sinulat ni San Pablo: TULARAN NINYO AKO SA AKING PAGTULAD KAY JESUKRISTO. IMITATE ME AS I IMITATE CHRIST.

Mga kapatid, napakahalaga para sa atin ang pagtulad at pagsunod kay Kristo. Hindi lang ito basta-basta. Upang gawin ito, kailangan nating itaya ang lahat. Naalaala ba natin ang talinhaga ni Jesus tungkol sa isang tao na naghahanap ng mamahaling perlas? Noong matagpuan niya ang napakagandang perlas, ipinagbili niya ang lahat niyang ari-arian upang mabili ang perlas na ito. Itinaya niya ang lahat para makuha ang napakahalaga. Ganoon din ang hinihingi sa atin ni Jesus: itaya ang lahat! Siya ang uunahin natin. Wala dapat humadlang sa pag-ibig natin sa kanya. Ito ang ibig sabihin na hindi natin mamahalin ang sinuman o ang anuman ng higit sa kanya – kahit na ang ating mga magulang o mga anak, kahit na nga ang ating sarili. Kaya maging handa tayo na iwanan ang lahat, na daanan kahit na anumang hirap – iyan ang pagpapasan ng ating krus – para hindi tayo mahiwalay kay Jesus.

Napakahirap naman. Kaya ba natin ito? Kung sa ating sarili lang, hindi natin ito kaya, pero ibinigay ni Jesus ang Banal sa Espiritu, na walang iba kundi ang kanyang kapangyarihan at kaalaman upang ito ay magawa natin. At nagawa nga ito ng napakaraming mga martir at mga santo, hindi lang ng nakaraang panahon, pero pati na sa ating panahon. Sa Nigeria ngayon kinikidnap at pinapatay pa ang mga pari, pero mas marami pa ang gustong maging pari. May mga simbahang pinapasabog sa Nigeria, sa Pakistan, sa Sri Lanka at pati na sa Mindanao. Tumitigil ba ang mga Kristiyano doon na magsimba? Hindi! Sa bawat pagsimba nila tinataya nila ang kanilang buhay.

Ang pagsunod kay Kristo at pagtataya para sa kanya ay isang desisyon. Hindi lang ito isang kostumbre. Sana po madesisyonan natin ito. Napakahalagang desisyon ito, tulad ng pagdedesisyon ng isang gustong magtayo ng tore, na sa atin pa, ng isang condominium. Hindi ito isang ordinaryong building. Ito ay malaking building at nangangahulugan ng malaking gastos. Kailangang ibuhos ang lahat ng pera natin kung gagawin natin ito. Ito ay tulad ng pakikipagdigma sa isang kalaban na may mas malaking army kaysa atin. Kaya ba natin itong sagupain? Pag-isipan nang mabuti kung kakayanin natin ito. Hindi natin ito makakaya kung hindi natin ibubuhos ang lahat ng pera na mayroon tayo, ang lahat ng tauhan na mayroon tayo. Kaya sabi ni Jesus: “Hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman, kung hindi niya tatalikdan ang lahat sa kanyang buhay.”

Para sa desisyong ito, kailangan natin ang karunungan at kaalaman na galing sa Diyos. Mahirap talikdan ang mga mahal natin sa buhay. Mahirap unahin ang Diyos kaysa ating sariling kagustuhan. Ika nga ng aklat ng Karunungan na ating narinig sa ating unang pagbasa: Kapos ang kaisipan ng tao at marupok ang ating mga panukala. Binabatak tayo ng ating pagkamakasarili at ng tawag ng laman. Hinihila tayo ng public opinion na nagsasabi sa atin na unahin mo muna ang iyong sarili at ang iyong kapakanan. Kaya kailangan natin na talikdan ang pangkaraniwang kalakaran at pag-iisip ng mundong ito.

Pero bakit naman napakalupit ni Jesus? Why does he ask for all? Jesus can demand all because he himself has given his all. Ang commitment ni Jesus sa atin ay buo, kaya makakahingi siya ng buo. Ang buong buhay niya ay ibinigay niya sa atin. Thirty three years old pa lang si Jesus at itinaya na niya ang buhay niya sa atin. Hind niya ibinigay ang sarili niya kasi mahina na siya, kasi masakitin na at natikman na niya ang buhay. Sa kanyang kabataan, sa rurok ng kanyang kalakasan – thirty three years old – ibinigay na niya ang kahuli-hulihang patak ng kanyang dugo. Inaalaala at ipinagdiriwang natin ito tuwing Banal na Misa. Dito binibiyak-biyak ni Jesus ang kanyang katawan at ibinuhos ang kanyang dugo para sa atin.

He has given his all so he can demand our all. Kaya huwag natin ipasabukas pa ang ating pagsunod sa kanya. Huwag sana natin sabihin na may gusto pa tayong gawin. Huwag nating gayahin si San Agustin noong kabataan niya. Matalino siya. Nakita na niya na tama ang katuruan ng mga Kristiyano. Nakita niya ang commitment ng maraming mga martir na nag-alay ng kanilang buhay para kay Jesus. Nararamdaman niya na hinihikayat na siya ni Kristo pero mag-re-resist pa siya.

Dinadahilan niya: Susunod ako sa iyong Panginoong Jesus – but not yet. Hindi pa ngayon. Pero sa wakas, pinutol na niya ang kanyang attachment sa mundong ito at nagpabinyag siya. Ibinigay na niya ang buong buhay niya sa paglilingkod sa Diyos at doon niya naranasan ang buong kasiyahan niya. Doon niya nadevelop ang katalinuhan at kaalaman niya na naging dakilang manunulat siya at pantas ng simbahan na hanggang ngayon, mga isang libo at anim na raang taon na ang nakaraan, patuloy pa ang kanyang influensiya sa maraming Kristiyano at mga scholars. Akala natin mahirap at malulugi tayo kapag ibinigay natin ang lahat kay Jesus.

Hindi iyan totoo. Mas pinapatingkad ng Diyos ang ating buhay at kakayahan sa pagtulad natin kay Jesus. Lalong nagiging makabuluhan ang buhay natin at sumasaya tayo kapag tinalikdan natin ang lahat alang-alang sa kanya. Talagang ibinabahagi niya ang kanyang kagalakan sa atin sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan. Sabi nga ni San Pablo, hindi pa humahaging sa ating kaisipan ang ibibigay ng Diyos sa mga tapat sa kanya. Kaya, tara na! Sumunod na tayo kay Jesus!

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 36,112 total views

 36,112 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,768 total views

 50,768 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,883 total views

 60,883 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 70,460 total views

 70,460 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 90,449 total views

 90,449 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,828 total views

 5,828 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,925 total views

 6,925 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,530 total views

 12,530 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 10,000 total views

 10,000 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 12,048 total views

 12,048 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 13,376 total views

 13,376 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,622 total views

 17,622 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 18,050 total views

 18,050 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 19,110 total views

 19,110 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 20,420 total views

 20,420 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 23,149 total views

 23,149 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 24,335 total views

 24,335 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,815 total views

 25,815 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 28,225 total views

 28,225 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,501 total views

 31,501 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top