Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa para sa ika-20 taong Aniberbersaryo ng ANAK-Tulay ng Kabataan Foundation

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa
para sa ika-20 taong Aniberbersaryo ng
ANAK-Tulay ng Kabataan Foundation
November 3, 2018

Mga kapatid, gising pa kayo? (Crowd answers: Opo) may tanong ako mga bata lang ang sasagot ha, mga bata lang. Teka muna, sino ang mga bata? taas ang kamay. (Children raised hands) Ayan! O teka ha may nagpapanggap d’yan na bata ha. (laughter) Ayan yung mga bata, oh baba na. Sino sa in’yo ang birthday ay enero? Buwan ng Enero, taas ang kamay. (Children raised hands) Okay baba. Sino ang nag be-birthday, Pebrero? (Children raised hands) Yun! Sino ang may birthday ng Marso? (Children raised hands) O ayan. Sino ang may Birthday ng Abril? April? (Children raised hands) O ‘yan. Mayo? Sino ang may birthday ng Mayo? (Children raised hands) O ayun ang dami. Hunyo? (Children raised hands) Ako June din ako, June. Ay hindi nga pala ako bata. O sino July? (Children raised hands) Ayon July. Agosto? (Children raised hands) Aba marami ha! Setyembre? (Children raised hands) Oh marami ang September ha, Oktubre? (Children raised hands) Aba marami rin ha, marami. Nobyembre? (Children raised hands) Ayan ang dami. Disyembre? Ayan! Sino yung walang birthday? (Children raised hands) Uy ang dami dun, nag bibiro ba kayo? (Laughter) Hindi, nagbibiro lang… Ngayon batiin natin ang ANAK Tulay ng Kabataan, Happy Birthday! (Applause) ilang taon na ang Tulay ng Kabataan, ilan? (Crowd: 20) Sino sa inyo ang 20 years old? Kasing tanda na ng Tulay ng Kabataan. Kapag birthday ang pinagdiriwang natin, ‘pag pinanganak ano ang pinagdiriwang natin? Buhay! Pagsisimula ng buhay dito sa lupa. O tatanungin ko ulit, ano ang pinagdiriwang ‘pag birthday? Buhay! At nagpapasalamat tayo sa Diyos dahil noong isinilang, birthday ng Tulay ng Kabataan, sa loob ng 20 years, dalawampung taon, nagbibigay buhay din ang Tulay ng Kabataan. Yan ang tandaan natin, kaya tayo binigyan ng buhay ay para magbigay buhay, hindi tayo binigyan ng buhay para pumatay. Binigyan tayo ng buhay para magbigay buhay sa iba. Kaya pasalamat tayo sa Diyos sa Tulay ng Kabataan. Palakpakan natin ulit ang Tulay ng Kabataan. (Applause) Pasalamat din tayo sa Diyos, pasalamatan natin ang Diyos. (Applause). Magpasalamat tayo sa mga mabubuting tao na nagsimula at nagpatuloy ng Tulay ng kabataan, palakpak para sa kanila. (Applause) Pasalamat din tayo sa patuloy na nagsusuporta sa Tulay ng Kabataan, Yey! (Applause) Pasalamat tayo sa mga bata na ngayon ay bahagi ng Tulay ng Kabataan. (Applause)

O, sabi natin ang Birthday buhay, papano ba mabuhay? Tayong mga Pilipino mayro’n tayong biruan e, kapag may namamatay sasabihin natin, ano ba ang dahilan bakit namatay? Ang sagot nung iba “nakalimutan huminga!” Parang ang buhay ay paghinga lang, habang humihinga buhay. Totoo naman, kailangan humihinga, kailangan kumakain, kailangan nag-aaral, kailangan mayroong disenteng bahay. Mahalaga lahat ‘yon sa buhay, pero sa ating narinig na mga pagbasa, alam n’yo kung nasaan ang buhay at papaano tayo mabubuhay? Sa PAG-IBIG… basahin n’yo nga yung nasa T-shirt? Ano yung nakalagay d’yan sa T-shirt n’yo? (Crowd: Saved by Love) Save by Love! Paki basa nga ulit, (Crowd: Saved by Love) kulang e, kulang basahin ninyo… (Crowd: Saved by Love) Ano yung una? (Crowd: Hashtag Saved by Love) Anong ibig sabihin ng saved by love? Iniligtas ng pag-ibig. Inililigtas tayo sa kamatayan, ininiligtas tayo sa kapahamakan, inililigtas tayo sa panganib, ng pag-ibig. Kung saan may pag-ibig may kaligtasan, may buhay. At ang sabi ng Panginoon, “Ibigin mo ang Diyos ng buo mong isip, lakas, kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapwa, gaya ng iyong sarili.” D’yan tayo tunay na nabubuhay at sa pag-ibig din tayo magbibigay buhay. Tayo ay nabubuhay dahil inibig tayo ng Diyos. Patuloy tayong mabubuhay ‘pag tayo ay mag-iibigan at patuloy na mamamayani ang buhay at malalabanan ang pwersa ng kamatayan kung may pag-ibig. Hanggat hindi ganap at lumalaganap ang pag-ibig, tuloy ang kamatayan. Saved by Love. Kaya mga bata pakisabi nga dun sa katabi n’yo, iniibig kita. (Crowd: iniibig kita) Ayan! Sasabihin ninyo sa inyong mga tatay at nanay, (Crowd: iniibig kita). Pakisabi nga kay Father Matthew at sa lahat ng Tulay ng Kabataan family, (Crowd: iniibig kita). Yan! Talaga! At sabihin natin sa Diyos, (Crowd: iniibig kita!) ang umiibig nabubuhay, at ang umiibig magbibigay buhay. Pero sana ito ang maging mensahe ng anibersaryong ito. Marami tayong plano pero simple lang ang plano ng Diyos, magmahalan kayo at kayo’y mabubuhay. Kung saan may pag-ibig may buhay, kung saan may pag-ibig naroon ang Diyos. Ang Diyos ng pag-ibig ay ang Diyos ng buhay.

Huling kwento, tingin dito mga bata. Sino sa in’yo ang pumapasok na sa eskwelahan? (Children raised hands) Ilan sa inyo ang elementary? (Children raised hands) Grade 1? (Children raised hands) Grade 2? (Children raised hands) ilan sa inyo kindergarten? (Children raised hands) Nursery? (Children raised hands) Ayan. Ilan sa inyo highschool? (Children raised hands) Ayun doon. Ilan sa inyo ang nasa college na? (Children raised hands) Ayun, congratulations ha. Bakit ko tinatanong? Tignan n’yo itong lugar na ito ano ito? Basketball court ito? Gym ang tawag dito. Makinig kayo, no’ng 1977, hindi pa kayo pinapanganak, dito ako gumraduate ng college. (Applause) Tandang-tanda ko pa nakaupo ako d’yan no’ng tinawag ang pangalan ko, d’yan ako naglakad, dito ko tinanggap ang aking diploma, dito ako nag bow. (Applause) Gusto kong isipin at pinapangarap na darating ang panahon, lahat kayo makakaakyat din sa ganitong entablado, at kayo ay makakaabot sa inyong pangarap at maging daan kayo ng pag-ibig at buhay para sa iba.

Tayo’y tumahimik sandali, magpasalamat sa Diyos at hingin ang biyaya. Humingi tayo ng tulong at biyaya sa Diyos na tayo ay magmahal upang makapagbigay buhay sa iba.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 38,844 total views

 38,844 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 53,500 total views

 53,500 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 63,615 total views

 63,615 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 73,192 total views

 73,192 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 93,181 total views

 93,181 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,952 total views

 6,952 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,951 total views

 6,951 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,909 total views

 6,909 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,921 total views

 6,921 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,962 total views

 6,962 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,919 total views

 6,919 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 7,005 total views

 7,005 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,889 total views

 6,889 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,883 total views

 6,883 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,956 total views

 6,956 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,101 total views

 7,101 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,936 total views

 6,936 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,984 total views

 6,984 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,944 total views

 6,944 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

 6,902 total views

 6,902 total views Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito. At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top