Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homilya ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon – April 18, 2019 – Manila Cathedral

SHARE THE TRUTH

 6,825 total views

Mga minamahal na kapatid kay Hesukristo, magpasalamat po tayo sa panginoon tayo ay tinipon niya para sa pagsisismula ng ating pagdiriwang ng pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukrito.

At sa gabing ito atin pong ginugunita sa pagtatakip- silim ang hapunan na tinawatawag nating huling hapunan ng Panginoon kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan, ang mga disipulo. Ang huling hapunan kung saan natupad ang naganap libong taon na ang nakararaan sa karanasan ng mga unang Israelita a na narinig natin sa Unang Pagbasa na sila ay alipin ng Ehipto sa pamamagitan ng dugo ng kordero. Dugo na ipinahid ng mga Israelita sa hamba ng kanilang pintuan.  Sa hapunan ng Paskua sila ay naligtas sa dugo ng kordero.

Pero  ngayon ay hindi  na hapunang pang Paskua na kailangan ng isang kordero at ng kanyang dugo. Sa halip, sabi nga ni San Pablo sa mga taga-Korinto sa Ikalawang Pagbasa, Si Hesus na ang kanyang dugo, ang kanyang katawan,yan ang kanyan iniaalay para sa atin. Kaya nga tinatawag natin siyang Kordero ng Diyos. Hindi niya na kailangan ng isang tupa na gigilitin ang leeg at ang dugo ay kukunin upang maligtas tayo. Hindi siya bibili ng isang tupa upang ialay ang sarili niya, ang bagong Paschuaa. Siya ang bagong Paschua, siya ang bagong tipan sa pamamagitan ng kanyang katawan at dugo. At yun ay magaganap sa krus subalit sinimulan na sa huling hapunan. Ito ang aking katawan para sa inyo. Ito ang aking dugo para  sa inyo. Gawin ninyo ito sap ag-alala sa akin.

Sa ebanghelyong ating narinig mula kay San Juan, sa hapunan ding iyun may ginawa pa si hesus. Hinugasan niya ang paa ng kanyang mga alagad, at sa pagakakawketo ni San Juan ng huling hapunan na kasamang paghuhugas ng mga paa, may bagong mga insights o kahulugan na makikita natin sa huling hapunan.

At sa taong ito po pinagdidirwang natin ang Year of the Youth. Taon ng mga kabataan. Kaya maganda po na ating iugnay ang ginawa ni Hesus sa huling hapunan. Ang kanyang pag-aalay ng katawan at dugo. Ang kanyang paghuhugas ng paa sa kataatayuan ng mga kabatan ngayon.

Tototo hindi lamang mensahe para sa mga kabataan, mensahe para sa ating lahat, para sa hindi na bata tulad ko. Naging kabataan din tayo kaya makinig din tayo at para sa mga musmos pang bata, magiging kabataan din kayo. At si Hesus sa huling hapunan. Si Hesus na ipapapako sa krus ay isang kabataan.

Jesus was young when he fulfilled his mission. And in his resurrection, Jesus is forever young. So, his message will never become old. For the youth of every time, every generation, Jesus has something to teach you. Jesus was young when he fulfilled his mission.

Kaya naman po minarapat natin na ang labingdalawa na huhuhgasan ang paa ay galing sa mga kabataan. Iba’t-ibang karanasan, iba’t-ibang kasaysayan, iba’t-ibang larangan ng buhay.

May nagtratrabaho na. May iginapang ang pag-aaral para makatapos. May nasunugan, nawalan ng lahat pero naranasan papaano mula sa abo ay babangon. Mayroong ipinanganak na may cerebral palsy. Mayroong mga kamakailan lang nakita ang tunay na magulang. May mga lumaki kasama hindi ang tunay na magulang. Mayroong taga-Bangladesh na dati hindi sineseryoso ang kanyang kagustuhang managing relihiyosa pero ngayon ay madre na. At mayroong isang taga-India na, ang kanyang pangarap ay ngayon ay misyonero dito sa Pilipinas.Mayroong bagong kasal. Dalawang linggo pa lang kasal. Batang-bata sa buhay may asawa at nakita agad nila kailangan, pasensiya. Dalawang linggo pa lang.

At mayroong unang pagkakataon boboto, batang bata talaga at excited. Sabi niya pakiramdam ko magkakaroon na ako ng silbi sa bayan. Makikilahok sa eleksiyon upang sabi niya ang isa kong boto harinawa makapagpabago sa mukha ng lipunan.

Iba’t ibang sugat lalo na galing sa pamilya. Subalit ibat-iba ring kuwento ng pagbangon, pag-ahon. At ang isa nga po ay naanyayahan pa ni Pope Francis na sumama sa meeting ng ma obispo sa Roma last October bilang kinatawan ng kabataang Pilipino at siya ay taga rito sa atin sa Archdiocese of Manila.

Sila po ang huhugasan natin ng paa. At tayong dating mga bata, at kayong tunay na mga bata pa ngayon at yaong magiging kabataan sa kinabukasan, makakahanap kayo sa bawat isa sa kanilang ng inyong karugtong at ito po ang pakiusap ko hindi lamang sa kanilang labindalawa, kundi sa ating lahat. Tititgan si Hesus sa huling hapunan. Pakinggan si Hesus sa huling hapunan. Pakinggan siyang nagsabi ito, ang aking katawan para sa iyo. Pakinggan si siya na nagsabi, ito ang aking dugo para sa iyo. Tignan siya, damhin siya na naghugas ng paa ng kanyang mga alagad.

Mga kabataan ng Archdicoese of Manila, mga kabataan na nanonood at nakikinig sa misang ito pati ang mga kabataang Pilipino na nasa ibang bansa na maaaring sumusubaybay sa misang ito. Hayaan ninyo na paalalahanan kayo ni Hesus batay sa ebanghelyo.

Una, sabi po dito mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan at ngayon ipapakita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila. Sa huling hapunan, sa paghuhugas ng paa pinapakita ni Hesus kung gaano niya kamahal ang kanyang mga kaibigan. Pinapakita ng kabataang si Hesus ang pagmamahal niya sa kanya mga kaibigan.

Mga kabataang Pilipino, alam ko kay rami kayong pinagdadaan, ang malungkot na pagkasira ng pamilya. Siguro yung iba sa inyo nagtatanong, mahal ba ako ng aking ama? Mahal ba ako ng aking ina? May tunay kayang pag-ibig. Ang pagmamahal ba’y salita lamang at hanggang pangako lamang.

Mahal ba ako ng aking mga teachers? Talaga bang nagmamalasakit sila? Mahal ba ako ng aming government officials? Mahal ba ako ng kapulisan? Mahal ba ako ng mga? Mahal ba ako ng aming paris?

May nagmamahal ba sa amin? Yung mga kabataan na binu-bully, mga kabataan na sinusulsulan na magbisyo pagkatapos sila ay napapahamak. Napapatanong siguro sila, may nagmamahal ba sa akin?

Mga kabataan may nagmamahal sa inyo. Mahal kayo ni Hesus at patutunayan nya na mahal niya kayo hanggang sa katapusan. Please believe Jesus loves you and when nobody else loves you, you have someone named Jesus. Someone young, someone as young as you who knows the longing of young people to be loved and he is there to love you til the end. Tanggapin niyo ang kanyang pag ibig. Tanggapin niyo siya hndi kayo magsisisi.

Ikalawa, hinugasan niya ang paa ng kanyang mga minamamhal.  Ayaw ni Pedro. Wag! Ayaw kong magpahugas ng paa sa iyo kasi ikaw ang guro, ikaw ang pinuno. E bakit ikaw ang maghuhugas ng aming paa, yan ay gampanin ng isang alipin. Hindi pwede, sabi ni Pedro. Sabi naman no Hesus, kung hindi ka magpapahgas ng paa sa akin wala kang kaugnayan sa akin.

Mga kabataan siguro may bahagi ng iyong pagkatao, kasaysayan, buhay na gusto ninyong itago sa iba pati kay Hesus. Huwag! Huwag! Marumi ang aking paa. Huwag! Sugat-sugat ang aking budhi. Huwag!  Baku-bako ang aking nakaraan. Huwag Hesus, makikita mo ang aking kasalanan. Tulad ni Pedro nahihiya tayo kay Hesus. Mga kabataan, please, magpahugas kayo kay Hesus. Magpahugas kayo ng kasalanan. Magpahugas kayo ng mga sugat dahil siya’y sugatan din. Magpahugas kayo ng budhi. Magpahugas kayo ng kahaihiyan. Magpahugas kayo ng buong pagkatao niyo. Huwag kayo mahihiya kasi si Hesus ang nagmamahal. Kaya niyang hugasan pati ang ating kasalanan.

Let Jesus wash you, don’t be afraid, don’t be ashamed. The world will judge you but Jesus will wash you. Wash you with his blood. That’s how precious you are to him.

At panghuli, sabi ng batang Hesus sa mga kabataan niyang disipulo. Naunawaan ba ninyo ang aking ginawa? Kung ako na guro at Panginoon ay naghugas ng inyong paa, maghugassan kayo ng paa.

Mga kabataan mahal kayo ni Hesus. Huhugasan kayo ni Hesus. At bilang minahal ni Hsus, ipakita niyo sa iba ang pagmamahal na inyong tinanggap. Hinugasan ka ni Hesus, pinaglingkuran ka ni Hesus, kahit hindi karapat-dapat. Maglingkod ka rin Huwag mong sarilinin ang pag-ibig na ibinigay sayo. ibahagai sa iba.

Mga kabataan, lumabas kayo sa inyong mundo, may mga ibang mundo pa dyan. Marami ring sugatan katulad nyo. Kahit ka may sugat, huwag mong gawin ang sugat mo bilang bilangguan. Nakakulong ka na lang doon. Pahugasan mo kay Hesus ang sugat mo at pag nahugasan, lumabas ka, hugasan mo rin ang sugat ng iba.

Be compassionate not self-focused. Be a servant rather than wait to be served. Love others and not just expect to be loved. Sabi nga ni Saint Francis of Assisi sa kanyang panalangin, ang hinihingi niyang biyaya na siya ang umunawa sa halip na hanapin na siya ang uunawain. Ganun. Ininuwa tayo ni Hesus umunawa rin tayo sa iba. Minahan tayo ni Hesus, magmahal tayo sa iba.

Please, young people, believe with certainty no matter what your experience with your family has been even if one of your parents is absent, even when the stresses of life have made you doubt whether you are loved, believe Jesus loves you with an everlasting love. And Jesus can wash not only your feet but your wounds and your history. And Jesus wants you to be his friend, to join him in the washing of so many other young people and not so young.

Para po sa mga magulang na nandito, sana maipadama ninyo sa inyong mga anak ang pagmamahal ng Diyos sa kanila para hindi sila magdududa na may Hesus na nagmamahal.

Para po sa mga teachers, para sa mga may responsilidad sa lipunan, ang mga kabataan ay dapat gabayan hindi dapat pagsamantalahan. Ang kabataan minamahal hindi ibinebenta, nioloko at pinagku-kuwartahan.

Like Jesus let us love the youth until the end.

Bago po natin ganapin ang paghuhugas ng paa, tumahimik po muna tayo sandali at kung may kakilala kayong kabataan na sugat-sugatan at nangangailang ng pag-ibig alalahanin nyo po siya at ipagdasal sa Panginoon.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,902 total views

 14,902 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,558 total views

 29,558 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,673 total views

 39,673 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,250 total views

 49,250 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,239 total views

 69,239 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa sa New Bilibid Prison, Maximum Security – December 21, 2019

 6,875 total views

 6,875 total views Mga kapatid, magandang umaga po sa inyong lahat. Magpasalamat tayo sa Diyos, binigyan N’ya tayo ng magandang panahon, at nagkakasama-sama po tayo. Sabi ni sister, first time kong magmisa sa covered court, kasi dati sa chapel, e ito nga malaki nga ang covered court parang na doble yata ang attendance, natriple pa, so

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA)

 6,874 total views

 6,874 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle on the 60th Anniversary of Manila Archdiocesan and Parochial Schools Association (MAPSA) November 15, 2019 – Manila Cathedral My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks to God for this beautiful day. We also give thanks to God for bringing us together as

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap November 16, 2019, San Andres, Maynila

 6,832 total views

 6,832 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, muli po, nagpapasalamat tayo sa Diyos na tayo ay magkakasama muli sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Mahihirap. Ito po ay sinimulan ni Pope Francis, sabi n’ya meron tayong World Youth Day, meron tayong World Meeting of Families, dapat magkaroon tayo ng World Day of the

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Mass for the Deceased Priests and Religious Arzobispado de Manila Chapel, Intramuros November 8, 2019

 6,844 total views

 6,844 total views We thank God for bringing us together, and we thank God for this beautiful practice, a beautiful tradition in our Archdiocese [where we] dedicate one morning of Eucharistic to remember our Bishops, Priests, I don’t know if we have deacons, and religious men and women. Of course we do not forget our beloved

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Pagninilay ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa Banal na Misa ng pagluluklok sa Sto. Niño de Tondo sa Manila Cathedral – October 19, 2019

 6,885 total views

 6,885 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya. Una po sa lahat, magpasalamat at magpuri tayo sa Diyos na Siyang nagtipon sa atin, bilang isang simbahan. Upang sa pagdiriwang ng Eukaristiya, tayo ay mapanibago Niya, mapalakas, bilang tunay na sambayanang kristiyano, nabubuhay sa salita ng Diyos, sa katawan at dugo ni Kristo, at sa ating

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Mass and blessing of the new facilities of the Holy Trinity Academy, Sampaloc, Manila October 11, 2019

 6,842 total views

 6,842 total views My dear brothers and sisters in Christ, we thank God and praise God for this beautiful day and we thank God for bringing us together as one community. Puwedeng malaman sino sa inyo ang pinaka bata? (Some students raised their hand) Meron bang nasa grade 1? Naku, wala? So anong grade kayo? (Crowd

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Kapistahan ni San Miguel at mga Arkanghel- National Shrine of Saint Michael and the Archangels September 30, 2019

 6,928 total views

 6,928 total views Mga minamahal na kapatid sa ating pananampalataya, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon sa pagtitipon na ginawa N’ya sa atin ngayong linggong ito. Tuwing linggo, ang bayan ng Diyos ay nagpapasalamat sa paggunita sa tagumpay ni Kristo laban sa kamatayan at kasalanan, at tuwing linggo, harinawa, tayo rin bilang katawan ni Kristo ay nakikiisa

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati

 6,812 total views

 6,812 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Misa ng Kapistahan ng Mater Dolorosa Parish, East Rembo, Makati September 15, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay nagbibigay puri at pasasalamat sa Diyos. Siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan, bilang isang komunidad, bilang isang simbahan o parokya. Lalo

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation at Quezon Memorial Circle

 6,806 total views

 6,806 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle World Day of Prayer for Care of Creation September 1, 2019 Quezon Memorial Circle My dear sisters and brothers in Christ, maganda at mabuting umaga po sa inyong lahat. I noticed that our commentator did not say, “Please be seated,” she’s very realistic. Alam n’ya na

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Kayabangan ng tao, dahilan ng pagkasira ng kalikasan

 6,879 total views

 6,879 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antoni Cardinal Tagle ang pagbubukas ng Season of Creation ngayong unang araw ng Septyembre 2019 sa Liwasang Aurora Quezon Memorial Circle. Kaisa sa banal na misa sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Kalookan Bishop Pablo Virgiliio David. Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, binigyang diin nito ang

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily Manila of Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa at Manila Cathedral

 7,024 total views

 7,024 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Episcopal Ordination of Bp. Roberto Gaa Manila Cathedral August 22, 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we give thanks and honor to God who has gathered us as one community, as one church in this beautiful day, the Memorial of the Queenship of Our

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE at University of Santo Tomas

 6,859 total views

 6,859 total views Homily of Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Send –Off Mass for Volunteers and Staff of PCNE University of Santo Tomas July 16. 2019 My dear brothers and sisters in Christ, we thank God for bringing us together on this almost rainy day so that in the Eucharist we will

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Maging maawain, mahabagin, at totoo sa kapwa

 6,907 total views

 6,907 total views Ito ang hamon ni Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya, kasabay ang pagdiriwang ng ika-20 Anibersaryo ng pagtatalaga sa Shrine of Jesus the Way the Truth and the Life. Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat mananampalataya ay nagnanais na makasunod kay Hesus, subalit hindi ito madali dahil kinakailangang tularan ng

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament at Sta. Cruz Parish

 6,867 total views

 6,867 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish June 23, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, tayo po ay magpasalamat sa Diyos, na S’yang nagtipon sa atin bilang isang simbahan, sambayanan, isang pamilya ng pananampalataya, at tayo po ay

Read More »
Cardinal Homily
Veritas NewMedia

Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass at Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila

 2,582 total views

 2,582 total views Homily Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle Palm Sunday mass Our Lady of Peñafrancia Parish, Paco, Manila April 13, 2019 Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, magpasalamat po tayo sa Diyos, tayo ay Kan’yang binuklod bilang isang sambayanan ngayong atin pong sinisimulan ang mga Mahal na araw, o ang tawag natin Holy Week,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top