Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Homilya ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa World Day of the Poor 2018

SHARE THE TRUTH

 645 total views

Homily
Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle
World Day of the Poor 2018 held at Santisimo Rosario Parish, UST, Manila
Ika-17 ng Nobyemre, 2018

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, ang araw pong ito ay tunay na pinagpala kaya marapat lamang na mag pasalamat tayo at mag puri sa panginoon. Siya po ang nag tipon sa ating lahat tayong nanggaling sa ibat ibang bahagi hindi lamang sa archdiocese ng manila kundi sa iba pang lugar ibat iba ang ating mga probinsya na pinanggalingan , pinag mulan iba iba an gating naabot sa buhay iba iba ang ating edad. Pero ngayon iisa tayong pamilya at tayo po’y nag papasalamat sa panginoon na binigay sa atin ang pag kakataon na maipag diwang muli ang pandaigdigang araw ng mga dukha. Nag papasalamat din tayo sa Diyos sa pag bibigay sa atin kay Pope Francis na siyang nag simula ng taunang pag gunita ng pandaigdigang araw ng mga dukha ang una ko pong ibig na ibahagi ay para po sa nakapa kinig at naka panood ng mga naganap mula kanina hanggang sa bago mag misa paanyaya ko po sa ating lahat na ituloy ang pag ninilay napaka yaman po ng ating mga nasaksihan at narinig hindi kaya ng ating isip at puso na kumbaga ay namnamin lahat sa iilang sandali sana po ay iuwi natin, patuloy po nating pag nilayan ipag- patuloy ang pakikinig, ipag patuloy ang panonood para sabi nga kanina hindi lamang para maging isang parang celebration, isang party na pag katapos ay parang wala na uuwi tayo balik sa kinagawiang buhay at yan din po ang malaking hamon ng araw na pandaigdigan para sa mga dukha sana po ay dala dala natin sa araw na ito ang lahat ng mga karanasan ng dukha at lahat din n gating kahit na mumunting pag tugon sa mga dukha at dadalhin yun sa pag diriwang at pagkatapos ng pag diriwang babalik tayo sa ordinaryong buhay na taglay nanaman ang mga bangong sigla at baka maari pa nga ang mga bagong tugon sa kalagayan ng ating mga kapatid na dukha.

Kapag wala yung buhay bago ang celebration at buhay pag katapos ng celebration, parang wala ring laman yung celebration. Maitanong ko nga po ilan po sa inyo ang may asawa? paki taas po ang kamay. Naaalala niyo ba yung mga anibersaryo ninyo? Ilan sa inyo yung kinalimutan na ang anibersaryo? Mabuti pang wag ng maalaala pa! kasi po minsan inabutan ako ng valentines day sa Rome. Nakikitira po ako sa isang bahay ng mga pari, religious CICM yan si Father Luke, saan si Father Luke? Yun nakitira ako sa bahay nila. Yun yung bahay ng mga estudyante doon sa Roma maliit lang naman ang community eh pito sila so nung pumasok walo na sabi nung rector(?) valentines day mag hahabulan tayo sama sama sa isang restaurant. Edi pumasok kami, walong lalaki, tinginan yung mga nag de-date at sabi nila aba! Apat na pares. At yun nag titinginan at puro pa kami mga pari at doon pa naman nilagay yung aming mesa sa gitna edi yung mga nakapaligid ay yung mga nag vavalentines date. Edi kami walong paring osiyoso. Patingin tingin kami pa tingin tingin sabi nung isa “ tayo lang ang walang date dib a kayo na lulungkot?” sabi naman ng isa “tignan niyo yung mga mukha ng nasa paligid sila ang nalulungkot” ako naman tinignan ko, oo nga ano? aba yung iba’y kumakain ay hindi nag titinginan, ay yung iba siguro eh valentines e kailangang lumabas para lang mairaos yang valentines. Pero kitang kita mo walang celebration baka siguro bago yung celebration baka walang nangyayari sa kanilang pag sasamahan at pag katapos ng haponan baka wala nanamang mangyayari at mag hihintay nanaman ng valentines day at kakain nanaman para masabing nag valentines day kami. Pero kung walang nagyayari sa February 15 hanggang sa susunod na February 14 o sa ordinaryong buhay wala kang ipag diriwang sa February 14 ganun din pag walang nangyayaring pag aaruga sa buong taon hanggang sa susunod para tayong nag valentine ng nakasimangot, valentine dinner na ayaw tignan ang asawa.

Kaya po ano wag po nating hayaan na celebration taon taon pero wala naman po palang I cecelebrate para mag karoon ng dahilan para ipag diwang ang world day of the poor kailangan mayroon tayong gawin mula mamaya hanggang sa susunod na disyembre. Parang sumimangot kayo. Pero yun po ang katotohanan yun po ang totoo marami tayong mga celebration na parang nagiging pabigat sa oras sa ano sa resources sa gastos, pero kung mayroon naman talagang ipag diriwang wala yun eh hindi patutuos ng oras ng lakas pati ng gastos yun po yung una. Pwede ko pa po bang ituloy po? nakasimangot na kasi kayo eh. Sinabi ko lang valentines e sumimangot na kayo. Yung ikalawa po ay yung tema ng ating world day of the poor ngayong taon na ito nabanggit na po kanina ni father Eric yung nakita natin kanina yung paulit ulit yung listen to the cry of the poor pakinggan ang tinig ang hinaing ang sigaw ang hikbi ang pag bubuntong hininga at pati yung pag aagaw hiniga. At doon po sa isinulat ni Pope Francis na Inseclical? Tungkol pos a kalikasan sabi niya “ang pakikinig sa tinig ng mga dukha ay dapat kasabay sa pakikinig sa sigaw ng kalikasan” sapagkat ang isa ding nagdurusa na dukhang dukha ay ang kalikasan. Pero ito po ang ikalawa kong punto, pakikinig, lahat po tayo gusto natin tayo ay pinakikinggan naiinsulto tayo kapag tayo ay hindi pinakikinggan. Mga magulang na iinsulto tayo kapag hindi nakikinig sa inyo ang inyong mga anak mga teacher inis na inis sa mga studyante sa mga hindi nakikinig sa kanila, mga anak na nag huhuramentado nag rerebelde kapag ang pakiramdam nila hindi sila pinakinggan ng kanilang magulang, kaming mga pari naiinis kami kapag di kami pina kikinggan ng mga parishioner yung parishioner naiinis kapag hindi pinakinggan ni father, ang mga pari at mga mother nagagalit kay bishop kapag hindi sila pinakinggan, si bishop galit na galit din bakit hindi ako pinakikinggan. Lahat tayo umaasa pakikinggan ako. Parang yun lang ang gusto natin makinig kayo sa akin pero kapag ikaw naman ang makinig parang ibang usapan nay an. Mahirap po ang makinig sa iba lalo na kapag ang pinakikinggan ay ang pinaka mamahal ng diyos ang mga kapos palad sa pakikinig po hinuhubad natin ang ating mga sarili, sa pakikinig na ating kinatatakutan hindi lamag maantig tayo o makukonsensya sa pinag daraanan ng iba na tayo rin ay may papel pero isang kinatatakot natin ay ang kapag nakinig tayo sa iba ay matutuklasan natin ay ang ating mga sarili. ang mga bagay na itinatanggi natin sa sarili natin lahat n gating pag babalat kayo kapag nakinig babagsak ka. Natatakot tayong makinig dahil baka bumulaga sa atin ang tunay nating pag katao at guguho ang ating pag babalat kayo kaya ayaw nating makinig. Ayaw nating umabot doon sa pag sasabi na pareho pala tayo. Tayo sa pang araw araw na buhay, an gating buhay ay isang malaking kabulaanan eh sa pakikinig sa dukha makikita natin na wala rin tayong pag kakaiba dito sa simbahan nag sisimula sa pag sasabi inaamin ko sa panginoong diyos na akoy nag kasala lahat po tayo dito ngayon ay lahat tayo ay dukha lahat tayo ay walng maipag mamalaki kaya yung mga aasta asta na yung ako ang bahala tutulungan kita hey baby! Gumising ka kala mo kung sino kang mayaman, walang dapat nag mamalaki nag papanggap na siya’y mayaman na siya’y may kakayahan pag nakinig ka masasabi mo mag kapatid nga tayo, at tayo ang unang mag kapatid sa iisang sitwasyon pareho tayong dukha. Ang makakatutugon sa dukha ay ang tumanggap na siya rin ay dukha ang taong nag papanggap na siyay mayaman hindi yan tutulong sa dukha mambubusabos yan sa dukha, kaya sa araw na ito walang mag papanggap na siyay malakas na siyay may kakayahan lahat tayo ay dukha at kung tayoy mag tutulungan itoy hindi dahil ang isa ay mataas at ang isay mababa itoy pag tutulungan gaya ng sabi ni hesus “mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pag mamahal mo sa sarili” kapwa sila hindi mababa at ako’y mataas hindi na kapatid yun yun ay panginoon na namamanginoon. Kaya kung tayo man ay mag tutulungan hindi yung bunga ng pagpapanggap na yung aayusin ko yung buhay niyo akin ang sulusyon. Naku po lahat ng nangako ng ganyan walang nangyari mabuti pa mag tulungan tayo na dukha na kumikilala sa kapatid na dukha at ating dala dala an gating mga biyaya na kapag pinag sama sama magiging bangkete napaka mabuti at masarap. Ang isa po sanang mangyari kapag ipinag diriwang ang world day of the poor ay ang pag babalik loob pag babagong isip at matanggal ang yabang at pag papanggap na may mas mataas at nasa amin ang sulosyon para sa buhay ng mga dukha na parang… katulad po ng ating santa ngayon na santa Isabel ng Hungary ginawa niyang dukha ang kanyang sarili para makatulong sa dukha hindi siya yung mayaman na nanatiling mayaman para tumulong sa dukha kundi siya mismo naging dukha, inamin niya ang kanyang pag kadukha at doon siya higit na nakatulong sa kapatid, kapwa dukha lahat po tayo paminsan minsan hindi lang siguro paminsan minsan ay natutukso ng kaunting kayamanan kapag pumasok na ang yabang ang dali ng mang mata at pag nag simula na tayong mang mata susunod na diyan ay sisisihin na natin ang iba e pare pareho lang naman po tayo pare pareho lang po tayo kaya ngayon pong world day of the poor sana lahat tayo aminin na ako ay dukha. E ang anak ng ng diyos si hesus hinubad ang kanyang pag ka diyos nagpanggap na tao e tayo naman nag papanggap na makapangyarihan wag tayong mag papalinlang sa mga ganun no na kapag ang t- shirt mo ay may buwaya ay ikaw ay mas marangal kay rami ng buwaya sa mundo wag ng dagdagan pa ng mga buwaya kasi tayo nag papalinlang tayo eh para itaas an gating dangal at bakit mo pa itataas? May dangal kana at sinasabi natin sa bawat dukha eh lahat naman tayo ay dukha may dangal bilang dukha hindi ka lang mag kakaroon ng dangal kapag na kaahon kana doon may dangal ka. At inaamin natin an gating karukhaan hindi nababawasan ang dangal at ang huli pong paalala sa mga nasaksihan natin at narinig na parang may mga balaraw na tumatarak sa iyong mga puso kahit yung mga bahagi ng mga drama presentation alam mo na may basehan sa tunay na karanasan ng buhay pero dito ako mag wawakas, pah katapos po nating marinig masak sihan ang mga pag babahagi at an gating pusoy nahalukay tayo mismo naging dukha nakita natin ang mga mukha natin sa kapwa natin at an gating konsyensya ay nahalughog din ang huli ko pong pakiusap ay ito sa mga kapatid nating nag durusa andami dami nating matututunan ang kahulugan ng tunay na pananampalataya na tunay na pag asa ng tunay na pag mamahal kanina po para akong nasa klase eh parang sila yung mga teachers tignan ninyo pag katapos humiyaw nasunugan, pinatay ang isang mahal sa buhay pati yung mga nag patotoo kanina paano sila nag wawakas? Mabait ang diyos hindi tayo pinapabayaan ng diyos laging may pag asa, ang mga dukha ng nakaranas ng tunay na pag kapit sa diyos sila po ang mag tuturo sa simbahan kung paano tunay na manampalataya kaya dapat tayong makinig sa kanila e hindi lamang para malaman kung ako ang mga maitutulong kung di para tayo matuto paano nga ba manampalataya, paano nga ba umasa papano nga ba mag mahal, kaya sa akin po bagamat nag papasalamat ako sa aking mga teachers na ang gagaling at kung ano ano ang mga degree pag katapos ng pangalan nila ay parang buong alphabet na abcdefg… sa dami ng kanilang mga degree para sa akin po ang nag tuturo ng pinakamahalagang leksyon sa buhay lalo na sa buhay pa nanampalataya natutunan ko sa mga nag durusa at naipakita nila kung sino rin ako bilang pag tatapos po naalala ko lang noong ako ay seminarista nag yung misa ng pasok ng hating gabi yung 24 ng gabi sumama ako sa isang misa kung saan sila ay pinaaalis kasi hindi nila pag aari ang lupa biruin nyo paskong pasko ay binigyan ng taning nakalikas na sila di man lang anu hin yung panahon ano kaya po doon kami nakipasko sa kanila dama mo agad kahit may mga parol kahit may mga Christmas lights kahit may mga kumakanta yung mabigat yung yung mabigat yung atmosphere, eto nap o ang nangyari pag dating doon sa ama namin sabi ng pari o ngayon bilang mga mag kakapatid tayo ay manalangin sa ating iisang ama tapos po katahimikan no tahimik pati yung pari tahimik parang walang makapag simula ng ama namin tapos may isang boses isang babae na medyo may edad siya ang nag simula ama namin sumasalangit ka tas unti unti sumama na yung iba hanggang yung buong community na nag darasal na ng ama namin tapos pag dating doon sa sapagkat sayo ang kabutihan at kapangyarihan buhay na buhay na. tapos pag katapos ng misa nag kukwentuhan po sabi ng babae na nag simulang mag dasal sabi sa amin brother father nag wagi nanaman ang pananampalataya sa gitna ng matinding hirap nakayanan parin naming tawagin ang diyos bilang ama and then sabi niya sa akin, madaling tawagin ang diyos na ama kung alam mo na pag uwi mo na meron kang pagkain pang araw araw pero minsan kapag walang pag kain kailangan mo ng malalim na pa nanampalataya para masabing ama namin mula noon hindi ko binabalewala ang pag dadasal na parang memoryado lang… naalalaala ko na may mga tao na para masimulan ang panalangin na yon ay humuhugot ng pananampalataya at nag papasalamat ako sa kanya tinuruan niya ako kung papano tunay na mag dasal sana po ang world day of the poor ay unti unti talagang maging katuparan na sinasabi noon pa ng pati ng pcpo pati ng simbahan e-evangelized ng mga dukha ang dukha ang mag tuturo sa atin buong sambayanan kung paano ang mabuhay sa pananampalataya at pag iibigan tayo po at tumahimik sandali at pasalamatan ang diyos sa pag kakataong ito at ihingi ang kapakumbabaan na uuwi sa kapatiran at doon sa kapatirang iyon lahat tayo ay dukha at tayo ay handang matuto sa isat isa at ang simbahay ay babaguhin at tuturuan ng mga mabababang loob.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,632 total views

 29,632 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 44,288 total views

 44,288 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 54,403 total views

 54,403 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,980 total views

 63,980 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,969 total views

 83,969 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cardinal Homily
Norman Dequia

Laiko, kinilala ni Cardinal Advincula

 947 total views

 947 total views Pinasalamatan ni Archdiocese of Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang mananampalataya ng arkidiyosesis sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang bagong pinunong pastol. Ito ang pagninilay ng cardinal sa misang ginanap sa Manila Cathedral nitong ika-25 ng Hunyo na bahagi pa rin ng pagsalubong sa bagong talagang arsobispo. Kinilala ni Cardinal Advincula ang

Read More »
Cardinal Homily
Norman Dequia

Mayor Isko, Dumalo sa Misa ng Pasasalamat sa Manila Cathedral

 968 total views

 968 total views Ikinalugod ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagkakaisa ng mga lider ng lunsod ng Maynila upang gunitain ang anibersaryo ng pagkakatatag. Sa ‘Misa Pasasalamat’ ng lunsod na ginanap sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral, sinabi ni Bishop Broderick Pabillo na makahulugan at magandang pagkakataon ang pagsama-sama ng mga

Read More »
Cardinal Homily
Norman Dequia

Homiliya ni Kardinal Luis Antonio Tagle sa Banal na Misa sa Parola Binondo Manila noong Miyerkules Santo

 619 total views

 619 total views Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya, kumusta po kayo dyan? Mainit ba ho dyan? Mainit din ho dito. Magkasama ho tayo at ako po ay nagpapasalamat sa Diyos sa pagkakataon na tayo’y magkasama-sama sa Eukaristiya at naalaala ko pa yung nag-misa ako dito pagktapos po nung sunog. At nakakalungkot po yun pero nakakatuwa

Read More »
Cardinal Homily
Norman Dequia

Homily of His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila, Christmas Midnight Mass at Manila Cathedral

 710 total views

 710 total views His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle Archbishop of Manila Homily Christmas Midnight Mass, Manila Cathedral- December 24, 2018 Mga minamahal na Kapatid, sa ating Panginoong Hesukristo, nagpapasalamat po tayo sa Panginoon dahil kay Hesus tayo po ay nagkakasama-sama at atin pong tinatanggap nang maalab dito po sa Manila Cathedral kayo na kahit galing

Read More »
Cardinal Homily
Norman Dequia

Homily Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle St. John Bosco Parish Tondo Manila

 1,018 total views

 1,018 total views Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle St. John Bosco Parish Tondo Manila July 28, 2018 Mga minamahal na kapatid sa ating Panginoong Hesukristo, una po sa lahat magpasalamat tayo sa Diyos, siya po ang nagtipon sa atin bilang isang sambayanan sa umagang ito upang sa pamamagitan ng salita niya, katawan at dugo ni

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top