182 total views
Ito ang pagninilay ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes ang patron ng mga may karamdaman.
Ayon sa obispo sa kabila ng iba’t ibang suliraning kinakaharap ng mananampalataya hindi pinababayaan ng Panginoon ang tao sa tulong ng Mahal na Birheng Maria.
“Yes, there are sickness or storms; there are virus and violence, but with the apparition and feast of our Blessed Mother Mary whom we lovingly invoke as Our Lady of Lourdes, we are reminded with these three realities in our life with God: these are hope, help and healing,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Santos.
Makahulugan ang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes ngayong taon lalo’t umiiral sa kasalukuyan ang 2019 novel Corona virus (nCoV) sa buong mundo kung saan mahigit sa 400 indibidwal na ang nasawi kabilang na ang isang Chinese sa tatlong kumpirmadong kaso ng nCov sa Pilipinas.
Kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes ang pagdiriwang ng simbahan ng World Day of the Sick.
Tema ngayong taon ng mensahe ng Santo Papa Francisco ng ang Come to me, all you who are labour and burdened, and I will give you Rest.”
Binigyang diin ng obispo na bagamat maraming hamon ang pinagdadaanan ng bawat isa, hindi ito dapat pinangangambahan sapagkat mas makapangyarihan ang Diyos.
“With the recurring happenings, there is nothing to fear. We should not be afraid because God is still in control of everything. Our God is powerful. He will overcome all those calamities. He will hand in all the cures and solutions. God will take good care of us,” saad pa ng obispo.
Hinimok din ni Bishop Santos ang mananampalataya na patuloy manalig sa Panginoon sapagkat pinakikinggan ng Diyos ang kahilingan ng bawat isa at nagbibigay ito ng pag-asa lalo na sa mga pinanghihinaan ng kalooban.
Tiniyak ng obispo na tinutulungan ng Diyos ang tao upang mapagtagumpayan ang bawat hamon at suliraning kinakaharap maging sa banta ng panganib dulot ng karamdaman, at karahasan.
“Hope in Him, God listens, He attends to our needs and petitions and He helps,” ayon pa ni Bishop Santos.
Sinabi pa ng obispo na pinagkakalooban ng Diyos ng kagalingan ang mga may karamdaman at pinagagaan ang kalooban ng mga nabibigatan dulot ng mga dalahin sa buhay.
“Remember, whatever we are in, there is still hope, help and healing. And there are from our God. It is our God.” giit ng obispo.