371 total views
Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Hospicio de San Jose sa mga kagyat na nagpaabot ng tulong at mga donasyon para sa pinakamatandang charitable institution sa bansa mula ng maitatag ito taong 1810.
Sa panibagong pahayag ng institusyon, nilinaw nitong ika-15 ng Marso ng nakalipas na taon pa nagdeklara ng self-lockdown ang Hospicio de San Jose upang maiwasang kumalat sa institusyon ang COVID-19 virus.
Gayunpaman, kinailangan na magpatupad ng mas mahigpit na lockdown sa isla noong ika-21 ng Abril ng kasalukuyang taon dahil sa pagpopositibo sa virus ng ilang mga kawani ng institusyon.
Paglilinaw ng pamunuan ng Hospicio de San Jose bagamat umaabot na sa 23-ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isla Convalencencia ay wala pa namang nasasawi sa mga ito, taliwas sa mga naging unang ulat sa publiko.
Samantala, patuloy namang umaapela ang pamunuan ng Hospicio de San Jose para sa mga tulong at donasyon upang mapunan ang mga pangangailangan ng nasa 500 indibidwal sa Isla Convalencencia na binubuo ng mga kawani at mga tagapangasiwa ng Hospicio de San Jose na tumututok sa apat na pangunahing programa na pinangangasiwaan ng Daughters of Charity of St. Vincent de Paul.
Kinabibilangan ito ng Child and Youth Welfare and development Program kung saan may inaaruga na nasa 87 mga bata; Program for Persons with Special Needs na mayroong 48 inaarugang Persons with Special Needs; Program for Older People kung saan may 65 matatanda rin ang inaaruga; at Crisis Intervention Program kung saan may inaaruga ang institusyon na 29 na kabataang dumanas ng pang-aabuso, 150 mga palaboy at 2 persons in crisis situations.
Attached Official Statement of Hospicio de San Jose: