521 total views
Umaapela ng tulong at donasyon ang Hospicio de San Jose Orphanage na kasalukuyang isinailalim sa lockdown dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilang kawani ng institusyon.
Nasa ilalim ng pangangalaga ng Sisters of the Daughters of Charity ang Hospicio de San Jose kung saan 14 na mga kawani ng ampunan at 4 na mga matatanda ang nagpositibo sa COVID-19 habang isa na sa mga ito ang nasawi.
Sa kasalukuyan, isinasailalim na ang lahat sa swab testing kung saan hindi naman pinahihintulutan ang sinuman na makalabas o makaalis ng Isla Convalencencia.
Dahil sa sitwasyon, pinangangambahan ng mga madre na magkaroon ng kakulangan sa suplay ng pagkain sa may 450 indibidwal sa Hospicio de San Jose na kinabibilangan ng mga bata at matatanda na inaaruga ng institusyon. “Hospicio de San Jose, an orphanage under the management of the Sisters of the Daughters of Charity, is presently under lockdown.14 of their staff and 4 elders are found to be covid positive and 1 of the elders already died. All are now undergoing swab test. They are not allowed to leave Isla Convalecencia. They are running out of food because nobody is donating to them and the sisters are worried about the children and elders.”
Apela ng pamunuan ng Hospicio de San Jose. Partikular na kinakailangan sa ngayon ng Hospicio de San Jose Orphanage ang mga donation in kind kung saan bukod sa pagkain ay partikular ding kinakailangan ang mga diapers at gatas na pang-sanggol at pang-matanda.
Para sa mga nagnanais na magpaabot ng tulong maaring makipag-ugnayan kay Sister Marcelita Catarina D.C. ng Hospicio de San Jose sa numero bilang 0908 865 0251 at 0945 481 8930 o kaya naman ay personal na magdala ng donasyon sa Hospicio de San Jose na matatagpuan sa Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila.
CALL FOR DONATIONS: HOSPICIO DE SAN JOSE ORPHANAGE IS LOCKED DOWN They are appealing to your kind generosity.
Sister Marce prefers assistance in kind especially food. The babies and elders need diapers. Children need milk. You can deliver your donation directly to: SISTER MARCELITA CATARINA D.C. HOSPICIO DE SAN JOSE Ayala Bridge, Quiapo, San Miguel, Manila Mobile No.: +63 908 865 0251 +63 945 481 8930 e-mail address: [email protected] You may send your donations to: * BPI, M.H.DEL PILAR BRANCH, HOSPICIO DE SAN JOSE, 8103-0986-62 * METROBANK, U.N. AVE. HOSPICIO DE SAN JOSE 175-3-17550678-1 So that they know the donor/depositor, please send a copy of your deposit slip to: Sister Corrie’s email: [email protected]
They can issue OR. There are a total of 450 in their compound and 4 of the 19 elderly are Covid positive. Pls just follow instructions. When you donate in any of their bank accounts, please send by EMAIL a picture of your DEPOSIT SLIP, then they will REPLY WITH A RECEIPT. Thank you Everyone You may call them at landline 87342366. No FB page.