951 total views
Sa botong 254, pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para sa housing relocation ng mga informal settler.
Layunin ng House Bill 5 na isulong ng pamahalaan ang pagkakaroon ng paglilipatan para sa mahihirap kabilang na ang onsite, in-city, near-city, at off-city relocation.
Ang panukala ay ini-akda ng may 60-mambabatas sa pangunguna ni House Speaker Martin Romualdez.
Ito ay upang maiwasan ang pagtatayo ng mga bahay sa mga lupaing hindi nila pag-aari, at makapag-alok ng murang pabahay sa mahihirap.
“While the government has been providing resettlement sites to informal settler families, these sites have been mostly off-city. These do not provide employment opportunities and livelihood, as well as social services,” ayon sa mga mambabatas.
Isa rin itong pagkakataon sa bawat pamilyang Filipino na magkaroon ng sariling bahay maging sa mga lungsod kung saan malapit sa kanilang trabaho.
Unang kinilala ng Presidential Commission on Urban Poor ang panukalang batas dahil narin sa tulong na maari nitong i-alok sa mga maralating mamamayan.
November 13 naman ng gunitain ng simbahan ang ika-anim na World Day of the Poor na inisyatibo ng Santo Papa Francisco.
Layunin ng paggunita pagbibigay tuon sa mga mahihirap na paglikha ng mga programa upang mapataas ang antas ng kanilang pamumuhay.