687 total views
Kapanalig, kamusta na nga ba ang buhay ng mga Pilipino? Isa mga pamamaraan upang masagot ang tanong na ito ay ang pagtingin sa Human Development Index o HDI.
Ang HDI kapanalig, ayon sa UN at sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay sumusukat ng naabot na tagumpay sa tatlong dimensyon ng pantaong kaunlaran o human development ng isang bansa. Ang tatlong dimensyon na ito ay ang mahaba at malusog na buhay, pagtamo ng karunungan, at access sa yaman o resources tungo sa mainam na kalidad ng buhay.
Magandang balita ang dala ng pinakahuling Human Development Report noong 2015. Ayon sa report, tumaas ng 20% ang HDI ng ating bansa mula 1980 hanggang 2014. Noong 1980, kapanalig, 62.2 lamang ang life expectancy o inaahang haba ng buhay ng Filipino. Noong 2014, umabot na ito ng 68.2%. Pagdating naman sa inaasahang bilang ng taon ng pag-araal (expected years of schooling), umabot na ito ng 11.3 noong 2014 kumpara sa 10.3 noong 1980. Ang per capita income naman ay $7,915 o P49,903 noong 2014. Nasa P4,410 lamang ito noong 1980.
Bagaman tumaasang HDI, ang inequality o di pagkakapantay-pantay sa ating bansa ay naka-apekto sa ating tagumpay. Nasa 15.2% ang di pagkakapantay-pantay sa life expectancy, 11.6% sa edukasyon, at 26.8% naman sa income o kita.
Ang inekwalidad ay isang isyu na dapat bigyan naatin ng atensyon. Isa itong malaking dahilan ng mabagal na pagsulong sa ating bansa.
Ayon sa pagsusuri ng Philippine Institute for Integrative Studies o PIDS noong January 2015, ang ating opisyal na datos ay nagpapakita na ang proporsyon ng mahirap na Pilipino ay hindi nagbabago hanggang ngayon. Maliban pa dito, mas dumadami ang mahirap dahil mas lumalaki ang ating populasyon.
Kapanalig, paano ba natin matutugunan ang inekwalidad at hindi pagkaka-pantay-pantay sa ating bansa? Walang mahika kapanalig na mabilis magbibigay lunas sa problema ng inekwalidad sa bansa. Ngunit maaring magsimula ang bayan sa paglalatag ng mga polisiya na magbibigay puwang sa mas malikhain at masiglang partisipasyon ng maralita sa lipunan. Pagbibigay oportunidad sa trabaho kapanalig at iba pang pagkukunan ng kita gaya ng small and medium enterprises ay isang paraan. Ang access sa batayang serbisyo gaya ng edukasyon at kalusugan ay dapat palawigin pa.
Kaya nga’t nakapakalahaga ang bahagi ng mga lider ng bayan upang masiguro ang pantay pantay na oportunidad ng lahat. Ito ay sinususugan ng ating panlipunang turo ng Simbahan. Paalalaa ng Rerum Novarum sa ating mga pinuno: “The foremost duty, therefore, of the rulers of the State should be to make sure that the laws and institutions, the general character and administration of the commonwealth, shall be such as of themselves to realize public well-being and private prosperity. This is the proper scope of wise statesmanship and is the work of the rulers.”