Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Human dignity, nararapat pangalagaan at protektahan

SHARE THE TRUTH

 1,681 total views

Binigyang diin ng Catholic Bishop Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) na hindi kailanman mawawala ang likas na dangal ng isang indibidwal sa kabila ng anumang pagkakasalang nagawa sa buhay.

Ito ang ibinahagi ni Legazpi Bishop Joel Baylon, chairman ng komisyon kaugnay sa paggunita ng ika-17 na anibersaryo ng paglagda sa Republic Act (RA) 9346 o ang batas na nagbabawal sa parusang kamatayan sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, ang bawat nilalang ay biniyayaan ng Panginoon ng likas na dangal na hindi basta mawawala at hindi dapat na ipagsawalang bahala.

Ipinaliwanag ni Bishop Baylon na nagmula mismo sa Santo Papa Francisco ang panawagan na kumilos ang lahat upang mawakasan na ang parusang kamatayan sa iba’t-ibang bansa sa buong daigdig at matiyak ang pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay maging ng mga nakasala sa lipunan.

“May likas na dangal ang tao na hindi mawawala kahit pa siya gumawa ng masama, that inherent dignity of the human person sabi [ni Pope Francis] is not only because it is a gift of God given to the human person but it gives him the reason to have place here on earth, kasi kung gumawa ng masama yung taong yan at alam ng Diyos na gagawin niya ito, bakit pa niya lalanlangin na alam niyang magiging makakasira na ito sa daigdig itong kriminal na ito, but He allows the person to live.” Ang bahagi ng pahayag ni Legazpi Bishop Joel Baylon.

Tinuran ng Obispo na tularan ng bawat isa ang pambihirang pagmamahal ng Panginoon sa sangkatauhan na sa kabila ng pagiging makasalanan ay buong pusong ini-alay ang kanyang bugtong na anak na si Hesus upang iligtas ang lahat mula sa kasalanan.

“He took upon Himself the violence of humanity so that pagbalik niya pagmamahal talaga, pagmamahal ang ipadama niya para tayo din matutong magmahal. But unless we recognized that as dahil meron tayong likas na dangal mahirap talagang magmahal, laging may kondisyon. We will only love those who are good to us, those who are doing good to others pero yung gumawa ng masama hindi na natin mamahalin, hahatulan, ipapapatay kung kailangan.” Dagdag ni Bishop Baylon.

Bilang paggunita sa ika-17 na anibersaryo ng paglagda sa Republic Act (RA) 9346 o ang batas na nagbabawal sa parusang kamatayan sa Pilipinas ay isang talakayan ang inorganisa ng CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care katuwang ang Coalition Against Death Penalty, Commission on Human Rights, Anti-Death Penalty Asia Network kung saan tinalakay ang kasagraduhan ng buhay ng bawat nilalang.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang batas na nagbubuwag ng Death Penalty sa bansa kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang parusang kamatayan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 12,652 total views

 12,652 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 43,791 total views

 43,791 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 49,377 total views

 49,377 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 54,893 total views

 54,893 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 66,014 total views

 66,014 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Caceres, dumanas ng pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan

 5,249 total views

 5,249 total views Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Caceres para sa mga nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon kay Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, maituturing na pinakamalubhang pagbaha ang idinulot ng Bagyong Kristine sa lalawigan lalo na sa mabababang lugar sa Naga. Pagbabahagi ng Arsobispo, marami pa ring mga pamilya ang hindi makabalik

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Donation drive, inilunsad ng Bicol university

 5,678 total views

 5,678 total views Naglunsad ng donation drive ang official student publication ng Bicol University upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa The Bicol Universitarian, layunin ng kanilang inilunsad na donation drive na makapangalap ng sapat na pondo upang makatulong hindi

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

ANDUYOG, inilunsad ng Redemptorist Mission Community

 6,143 total views

 6,143 total views Naglunsad ang Redemptorist Legazpi Mission Community ng ‘ANDUYOG: Redemptorist Legazpi Typhoon Kristine Response’ upang manawagan ng donasyon para sa mamamayang apektado ng malawakang pagbaha na dulot ng pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Ayon sa kongregasyon, higit na kinakailangan ng mga apektadong mamamayan ang pagkain, bigas, malinis na inuming tubig, at hygiene

Read More »
Disaster News
Reyn Letran - Ibañez

Establisyemento, paaralan at simbahan sa Albay, binuksan para sa typhoon Kristine evacuees

 6,001 total views

 6,001 total views Nagbukas ang mga establisyemento, paaralan, unibersidad at Simbahan sa Diyosesis ng Legazpi sa Albay upang magsilbing pansamantalang matutuluyan ng mga nagsilikas na pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa inisyal na tala ng The Bicol Universitarian na official student publication ng Bicol University ay aabot sa mahigit 20 mga establisyemento, paaralan,

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pag-uwi ng labi ni Bishop Bastes sa Sorsogon, ipinagpaliban

 7,559 total views

 7,559 total views Pansamantalang ipinagpaliban ang pagdating sa Diyosesis ng Sorsogon ng mga labi ni Sorsogon Bishop-Emeritus Arturo Bastes dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa Bicol region. Una ng inihayag ng diyosesis ang nakatakdang pagdating ng mga labi ng dating punong pastol ngayong ika-23 o ika-24 ng Oktubre, 2024 bago pa ang pananalasa ng bagyo

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Maglingkod para sa kabutihan ng kapwa, paalala ni Bishop Dael sa 2025 midterm election candidates

 9,610 total views

 9,610 total views Binigyang diin ni Tandag Bishop Raul Dael na anumang pangarap sa buhay ay hindi lamang sumentro sa pansariling kapakanan sa halip ay sa paglilingkod sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan. Ito ang paalala ng Obispo sa paggunita ng World Mission Sunday noong ika-20 ng Oktrubre, 2024. Ayon kay Bishop Dael, ang bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

5-political dynasties, pinapadiskwulipika ng ANIM sa COMELEC

 8,101 total views

 8,101 total views Naninindigan ang dalawang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ng wakasan ang patuloy na pag-iral ng political dynasty sa bansa. Bilang kapwa convenors ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ay pinangunahan nina Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pangulo ng Caritas Philippines at Vice President San Carlos Bishop Gerardo

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamayang Pilipino, hinamong maghain ng disqualification case laban sa mga magkakamag-anak na kandidato

 8,373 total views

 8,373 total views Nanawagan ang Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) sa publiko na maghain ng Disqualification Case laban sa mga kaanak ng incumbent Congressmen, Governor o Mayor na kakandidato sa nakatakdang 2025 Midterm Elections upang palitan sa puesto ang mga kaanak na magtatapos na ang termino sa pwesto. Ayon kay ANIM Lead Lawyer for Anti-Dynasty Campaign

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bishop Bastes, sumakabilang buhay sa edad na 80-anyos

 8,858 total views

 8,858 total views Pumanaw na sa edad na 80-taong gulang ang dating Obispo ng Diyosesis ng Sorsogon na si Bishop Emeritus Arturo Bastes ganap na alas-sais y medya ngayong umaga, ika-20 ng Oktubre, 2024. Ipinanganak noong April 1, 1944 sa Loboc, Bohol si Bishop Bastes ay naordinahang pari noong November 28, 1970 sa Society of the

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Si Hesus ang pundasyon ng PPCRV

 8,969 total views

 8,969 total views Inihayag ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) founding chairperson at former Ambassador Henrietta de Villa na si Hesus ang tunay na pundasyon at kampeon ng organisasyon. Ito ang pahayag ni De Villa sa paggunita ng PPCRV sa ika-33 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 9,585 total views

 9,585 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Diocese of Gumaca, makikibahagi sa one million children praying the rosary

 10,209 total views

 10,209 total views Inihayag ng Diyosesis ng Gumaca ang pagdaragdag ng intensyon sa pakikibahagi ng diyosesis sa nakatakdang One Million Children Praying the Rosary Campaign. Sa pamamagitan ng liham sirkular ay inihayag ni Gumaca Diocesan Administrator Rev. Fr. Ramon Uriarte ang pagdaragdag ng intensyon ng pananalangin ng Santo Rosaryo para pagdating ng bagong Obispo ng diyosesis

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

ACN Philippines, umaapela ng suporta sa “One million children praying the rosary”

 10,317 total views

 10,317 total views Inaanyayahan ng sangay ng pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) ang mamamayan na makibahagi sa One Million Children Praying the Rosary Campaign sa ika-18 ng Oktubre, 2024. Ayon kay ACN – Philippines Chairperson, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, iaalay ang sabay-sabay na pananalangin ng mga

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 12,709 total views

 12,709 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

MAGPAS, simula ng paghahanda ng Archdiocese of Manila sa Jubilee year 2025

 12,146 total views

 12,146 total views Inilaan ng Archdiocese of Manila sa paghahanda sa nakatakdang Jubilee Year 2025 ang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa susunod na buwan ng Nobyembre 2024. Sa sirkular ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ay inihayag ng Arsobispo ang paglalaan ng MAGPAS para sa pagbabahagi ng katesismo bilang paghahanda sa nakatakdang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top