1,141 total views
Ang salot ng human trafficking, kapanalig, ay kay hirap mawaksi sa lipunan, lalo na sa mga bansang mahirap gaya ng Pilipinas.
Ayon sa report ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC), ang human trafficking ay ang sapilitang pagkuha o pag-recruit sa mga tao at pagdala sa kanila sa ibang lugar kung saan sila ay pinagsasamantalahan.
Kadalasan, nakukuha ang mga biktim ng human trafficking sa pamamagitan ng panlilinlang: sa mga pangako ng mas magandang trabaho at mas maayos na buhay. Ang iba ay sapilitang kinukuha, tinatakot, o binabayaran. Ang mga biktima ng human trafficking, ayon sa UNODC ay kadalasan nilalagak sa prostitusyon o sapilitang pagtatrabaho, at pang-aalipin.
Kapanalig, mataas pa rin ang bilang ng human trafficking sa loob at labas ng bansa. Tinatayang umaabot ng 200 milyong tao sa buong mundo ang nasa ilalim ng control ng mga human traffickers. Mga 30 milyon dito ay mga babae at bata mula sa Southeast Asia. Ayon naman sa Coalition Against Trafficking of Women-Asia Pacific, mga 300,000 hanggang 500,000 ang mga babaeng biktima ng human traffkcing sa bansa. Sila ay karaniwang sinasadlak sa mga prostitution rings. Mga 30% dito ay mga minors lamang. Marami sa kanila ay galing sa mga rural areas, hanggang high school lamang ang naabot, at mula sa pamilyang may anim hanggang labing-isang kasapi. Mga 75% ng mga kababaihang ito ay biktima rin ng sexual abuse. May mga ethnic groups na nabibiktima rin ng human trafficking, gaya ng B’laan, T’Boli, Kaulo, while the Moslems are Maranao, Mandaya, Badjao, Sama, Manobo and Lumad.
Kapanalig, ito ang nakakalungkot sa ating bansa ngayon. Ang ating mga pinuno ay tila kulang na kulang ang proteksyon ang binibigay sa mga mamamayan nito. Ano nga ba ang mga programa ng nasyonal at mga lokal na pamahalaan upang mabigyan proteksyon ang mga kababaihan at kabataan nito mula sa mga krimen gaya ng human trafficking?
Kalunos lunos ang sitwasyon ng mga biktima ng krimen na ito. Tinatanggal nito ang dignidad ng tao, kasama ng kanyang pag-asa sa mas matiwasay na buhay. Ang pagpaparaya sa ganitong sitwasyon ay dapat maituring na krimen din, kapanalig.
Si Saint Pope John Paul II ay may pahayag ukol sa krimen na ito. Gisingin sana tayo nito: “Ang pagbebenta ng tao ay isang “shocking offense” – matinding paglabag sa karapatang pantao. Ito ay napakalaking sala sa batayang “values” ng lahat ng kultura ng tao. Ang pagdami ng insidente ng pagbebenta ng tao ay isa sa mga pinakamalaking isyu ng mundo ngayon. Ito ay malaking banta sa seguridad ng tao at ng bayan.