1,262 total views
Ang human trafficking ay isa na namang problema ng bayan na nagsanga mula sa kahirapan. Ito ay nagpapahirap pa lalo sa ating mga mamamayan. Ito ay isang krimen kung saan ang mga tao, lalong-lalo ang mga babae at bata, ay niloloko at inaabuso para sa prostitusyon, pang-aalipin, o illegal labor. Ang human trafficking, kapanalig, ay “crime against humanity.” Ang mga bansang mahihirap, gaya ng Pilipinas, ang karaniwang biktima nito.
Ang human trafficking ay isa nga sa mga dahilan kung bakit marami ang nagnanais na ipasara na ang mga POGOs dito sa ating bansa. Ayon nga sa isang report sa senado, nagiging sentro ng human trafficking activities sa buong mundo ang Pilipinas dahil sa mga POGOs.
Kailangan pa palakasin ng bayan ang pagbabantay ng human trafficking at pagsugpo nito. Atin mang namintina ang Tier 1 ranking sa Trafficking in Persons Report 2023 – ibig sabihin nito ay ating naabot ang minimum standards sa paglaban sa trafficking in persons – marami pa rin tayong kailangang gawin. Ayon na rin mismo sa report, medyo kulang ang effort o ginawa ng bayan para imbestigahan o ihabla ang mga labor trafficking crimes na nangyayari mismo sa loob ng bansa. Mas kaunti na rin ang ating naitalang biktima at naihablang human traffickers. Maliban pa dito, talamak pa rin ang korupsyon at pag kuntsaba ukol sa human trafficking, kaya nagiging hadlang pa ito sa pagsugpo ng nasabing krimen. Base din sa report, nagkukulang na rin tayo sa pagprotekta sa mga biktima.
Alam natin na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang nabibiktima ng krimen na ito. Ang kawalan ng oportunidad sa trabaho at kakulangan sa access edukasyon, na kadalasang mula din sa kahirapan, ang nagtutulak pa lalo sa ating mga kababayan na patusin ang mga panloloko ng mga human traffickers. Marami din, dahil sa mababang kamalayan, napapaniwala ng mga human traffickers sa mas malaking kita at mas maginhawang buhay. Sabi nga ni Pope Francis sa No Longer Slaves: the victims of human trafficking and slavery are people who look for a way out of a situation of extreme poverty; taken in by false promises of employment, they often end up in the hands of criminal networks which organize human trafficking.
Dahil sa human trafficking, kapanalig, marami tayong mga kababayan ang naitatali sa trabahong nagnanakaw ng kanilang karapatan at dignidad. Marami sa kanila ang nagdudusa at nag-iisa. Hanggang kailan ba natin sila pababayaan?
Nawa’y maantig tayo sa mga kataga mula sa Evangelii Gaudium: How I wish that all of us would hear God’s cry: “Where is your brother?” (Gen 4:9). Where is your brother or sister who is enslaved? Where is the brother and sister whom you are killing each day in clandestine warehouses, in rings of prostitution, in children used for begging, in exploiting undocumented labour? Let us not look the other way. There is greater complicity than we think.
Sumainyo ang Katotohanan.