42,367 total views
Nagkaisa ang mga opisyal ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon sa bansa sa pananawagan para sa pagkakaroon ng kapayapaan sa Holy Land.
Sa pamamagitan ng One Faith One Nation One Voice ay nagpahayag ng nagkakaisang panawagan ang mga lingkod ng Simbahan upang wakasan na ang nagaganap na sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel.
Iginiit ng grupo ng mga mananampalataya na hindi dapat na maisantabi ang karapatang pantao ng sinuman na nasasaad sa International Humanitarian Law.
Tinukoy ng One Faith One Nation One Voice ang pagkakaipit sa kaguluhan ng mga inosenteng mamamayan partikular na ang mga bata at mga kababaihan.
“As people of faith, we urge that religion, and the practice thereof, should call us to building peace that is based on justice. Whatever our limits, weaknesses and failures in articulating and upholding human rights and International Humanitarian Law, let us not be ensnared in silence or caught in inaction as women, children, and men are consumed by indiscriminate bombings with their lives upturned and their communities sent into hapless disarray and vulnerability.” Ang bahagi ng pahayag ng One Faith One Nation One Voice.
Naniniwala naman ang grupo na mahalagang matugunan ang ugat ng armadong labanan sa pagitan ng Israel at Palestina upang matamo ang kapayapaan sa Holy Land.
“We urge for a humanitarian cessation of hostilities and pray that a calm may prevail towards a re-imagining of what can move humanity towards Just Peace in Palestine and Israel! We must address the root causes of the armed conflict between Palestinian and Israeli parties.” Dagdag pa ng grupo.
Sa bahagi ng Simbahang Katolika, lumagda sa nagkakaisang pahayag si Kaloookan Bishop Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace at Taytay,Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Office on Stewardship.
Bilang kongkretong pagpapahayag para sa kapayapaan sa Holy Land ay nagsama-sama ang mga lingkod at opisyal ng Simbahan at denominasyon sa pagsasagawa ng Prayers and Candlelighting for JustPeace in Palestine and Israel sa Plaza Miranda, Quiapo, Manila ganap alas-singko y medya ng hapon noong ika-17 ng Nobyembre, 2023.