189 total views
Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Respondent Father Greg Gaston – Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang naging pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco sa lingguhan nitong katesismo sa mga mananampalataya.
Ayon sa Pari, nagpatuloy ang pag-ninilay at pag-aaral ng Santo Papa sa kahulugan ng mga bahagi ng banal na Misa at ngayong linggo ay inisa-isa nito ang Liturhiya ng Eukaristiya.
Inihayag ni Father Gaston ang paliwanag ng Santo Papa sa pagsisimula ng Communion Right sa pamamagitan ng pananalangin ng “Our Father o Ama Namin” kung saan nagpapahayag ng pagsamba ang mga tao sa Panginoon, humihingi ng kanyang mga biyaya, pagpapala, kapatawaran at kalakasang mapatawad din nito ang kanyang kapwa.
“Yung ‘Our Father’ na diniscuss ng Santo Papa kapag dinasal natin, we adore God we ask Him ng mga kailangan natin and then doon din pupunta sa forgiveness, forgive us our sins as we forgive those who sin against us. Kaya sana tayo ngayong Lenten season hihingi tayo ng tawad sa Panginoon at kapag medyo minsan mahirap ding magpatawad sa iba, hihingi tayo ng tulong sa ating Panginoon at magaya natin sya na magpatawad din sa kapwa at sa ating sarili.” Bahagi ng pahayag ni Father Gaston sa Radio Veritas.
Ayon kay Father Gaston, iginiit ng Santo Papa na napakahalaga ng bahaging ito bilang pag-hahanda sa buong pusong pagtanggap ng mga mananampalataya sa katawan at dugo ng Panginoong Hesukristo.
Sa ganitong paraan ay magiging mas malalim at makabuluhan ang pakikiisa ng tao sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagtanggap ng Banal na Eukaristiya.
Nauna rito, naging buod ng pagninilay ng Santo Papa ang Liturgy.