386 total views
Umapela si Catholic Bishop Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care (CBCP-ECHC) Vice-Chairman Bishop Oscar Jaime Florencio na tulungan ang mga manggagawa sa halip na dagdagan ang mga kinakaharap na suliranin.
Ito ang tugon ng Obispo sa pagpapatupad ng pamahalaan ng mandatory vaccination sa mga onsite workers para sa mga lugar na mayroong sapat na suplay ng bakuna.
Ayon kay Bishop Florencio na siya ring Military Ordinariate of the Philippines, nawa’y magkaroon parin ang pamahalaan ng mga hakbang upang pangalagaan ang kalusugan ng mga manggagawa na hindi maapektuhan ang kanilang kabuhayan.
“I am not against itong mandatory. Sige mag-mandatory tayo pero help us out also,” ayon sa panayam ng Obispo sa Radio Veritas.
Naging tugon naman ni Bishop Florencio ang pagbibigay ng insentibo ng pamahalaan sa mga manggagawang sasagutin ang kanilang sariling RT-PCR o swab testing at rapid test upang maiwasan na makaramdam ng diskriminasyon sa trabaho.
“‘Yan ang ibig kong sabihin ima-mandatory nila dapat tutulungan nila, itong tatanggaping ang RT-PCR, ngayon that will be an added expense to the employee, ang government dapat mayroon din siyang mga incentives kasi ang mangyayari doon, para bang ‘I am discriminated already’, I am now pinapagastos ako,” ayon sa Obispo.
Una naring tinutulan ng mga labor groups na Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Federation of Free Workers (FFW) at Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukalang mandatory vaccination para sa mga manggagawang onsite kung magtrabaho.