336 total views
Ito ang paanyaya ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa mga mananampalataya sa kanyang Homiliya sa Banal na Misa sa ikaapat na araw ng Philippine Conference on New Evangelization sa University of Sto.Tomas.
Ayon sa Obispo, ang isang bulong tulad sa ahas na Tumukso kay Adan at Eva ay maaaring kumitil ng buhay ng isang tao.
Inihalimbawa pa nito ang mga Bulong o Sumbong na nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga pinaghihinalaang gumagamit ng iligal na droga.
“It takes just an assets whisper to lead the Death squads to their target. It takes just one Neighbor’s whisper to get the whole Barangay conditioned in to accepting killings as justify.” pahayag ni Bishop David.
Dahil dito hinimok nito ang mga mananampalataya na tularan ang mahal na inang maria at si Hesus na ang bulong ay nakapag bibigay buhay.
Sa pamamagitan din nito, umaasa ang Obispo na mas maipalalaganap ng mga nakilahok sa PCNE 5 ang kanilang mga natutunan sa limang araw na pagtitipon.
“I assure you a whisper is not always necessarily a gossip. It’s okay to whisper just make sure you follow the right template. Believe me the quickest way to spread the Good news is to pre-fast it with a note, “Atin-atin lang to ha.” Like Jesus did, “do not tell anyone about this,” and look the Good news of the Kingdom of God continues to spread throughout the World. After this Congress say it in whispers.” Dagdag pa ng Obispo.
Sa kabuuan tinatayang 7,000 mga mananamlapataya ang nakiisa sa ikalimang taon ng Philippine Conference on New Evangelization.