431 total views
Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at lead convenor ng “One Godly vote” ang mga botante na huwag iboto ang mula sa iisang angkan.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, bukod sa pagsusuri sa karakter, karanasan at track record ng isang kandidato ay mahalagang hindi rin siya nagmumula sa isang pamilya.
‘Let’s face it, politics here in the Philippines is a business enterprise. To be practical about it, ibigay naman natin sa iba. In my own assessment of things, ang sabi ko nga, redistributes power, position, wealth, and influence. And how will you do that? Do not elect siblings, do not elect father and daughter, do not elect mother and son.’ ayon kay Fr. Secillano.
Sa nakalipas na 2019 elections may 163 political families ang nahalal kabilang na sa Senado, Mababang Kapulungan ng Kongreso, governor at mga alkalde.
Una na ring nagpahayag ng pagtutol ang simbahan sa ‘political dynasty’ na taliwas sa pagsusulong ng tamang pamamahala na nagpapahina sa ‘check and balance system’ ng pamahalaan.
‘Ako ang kampanya ko, kapag nakikita mo na halos iisang pamilya na lang, redistribute power. Hindi mo pwedeng i-consentrate lang ang power sa isa, dalawa o tatlong pamilya. Bigyan natin ng pagkakataon iyong ibang mga Filipino na may kakayahan and we do that this coming election,’ayon pa sa pari sa panayam ng Radio Veritas.
Naninindigan ang CBCP laban sa laganap na political dynasty sa Pilipinas.