509 total views
Bunga ng taimtim na pagdarasal at pananalangin ang tagumpay ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang mensahe ni Father Jade Licuanan sa bawat kabataan at mamamayan sa paggunita ng ika-36 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Biyernes February 25.
Ayon sa Pari na siya ring Executive Secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth,naway patuloy parin ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon ng bawat kabataan dahil ito ang isa sa mga natatanging aral ng makasaysayang ‘Bloodless Revolution’.
“Itoy isang mensahe na dapat nating dalhin magpahanggang ngayon at sa mga susunod na panahon na gagawin natin ito sa diwa ng pagdarasal, ibig sabihin po ating isinusuko, ating ipinagkakatiwala sa diyos at ating ginagampanan ang ating tungkulin sa pamantayan ng Diyos,” ayo sa panayam ng Radio Veritas sa Pari.
Ibinahagi ni Father Licuanan na bagamat patuloy na sinasabi ng marami na hindi dapat nakikisangkot sa pulitika ang simbahan ay naiiba naman ito sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco higit na para sa mga Laiko.
Ito ay dahil narin tungkulin ng bawat mamamayan higit na ng mga Laiko na makisangkot sa pulitika dahil ito ay tungkol sa tamang pamamahala ng lipunan.
“Ang sabi nga, ang katoliko nga dapat should not meddle with politics, wag daw tayong makisangkot sa pulitika, sinabi na ni Pope Francis- yun po ay isang kasinungalingan lalo na kung ikaw ay isang laiko ikaw po ay- ang bawat isang laiko na mananampalataya ay may tungkulin po na makisangkot, makiisa sa mga gawain lalot higit na ito ay sumasaklaw sa pamamahala ng bayan,” ayon sa Pari.
Inaasahan ng Pari na ang wastong pakikisangkot ng mga laiko sa pulitika ay isang paraan upang isulong ang pagkakaroon ng maayos, makatarungang pamahalaan at isang ring moral na obligasyon.
“So makisangkot tayo mga katoliko, tungkulin po natin sa Diyos yan, hindi lang tungkulin natin sa bayan it is not just a civic obligation but a moral and even a religous obligation na tayo ay makisangkot, makiisa para magkaroon ng maayos, tapat at makatarungang pamamahala sa ating bayan,