348 total views
Ang mga dukha ay hindi dapat na ituring na datos o numero lamang na dapat mabawasan.
Ito ang binigyang diin ng isang opisyal ng Vatican kaugnay sa ikalimang taong paggunita ng World Day of the Poor ngayong taon.
Ayon sa Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle – Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na ang bawat isa ay tinatawagan ng Panginoon hindi upang magbilang kundi upang makiisa at damayan ang sitwasyon ng mga mahihirap sa lipunan.
Sa pagninilay ng Cardinal sa Banal na Misa sa Pontificio Collegio Filippino ay binigyang diin nito na mahalagang ganap na matuklasan at maunawaan ng bawat isa ang katauhan at kalagayan ng mga dukha.
“The poor are not numbers but human beings, if we get used to talk about the poor in terms of numbers then we might lose what the Day of the Poor is really asking us to enlighten in our hearts. We need, we really need to rediscover the humanity of the poor”.pagninilay ni Cardinal Tagle
Pagbabahagi ni Cardinal Tagle, bahagi ng panawagan ng Santo Papa Francisco sa bawat isa na bukod sa kahandaan na tumulong at tumugon sa mga dukha ay maging bukas ang tao na tumanggap ng pambihirang kayamanan na tinataglay ng mga mahihirap.
Paliwanag ng Cardinal bagamat salat sa maraming bagay ang mga dukha tulad ng pagkain, salapi at iba pang mga pangunahing pangangailangan ay hindi naman maitatanggi ang pambihirang karunungan at kaalaman sa buhay ng mga ito.
“The other reminder of the Holy Father is that while the poor people need a lot like basic necessities that’s why they are poor they need a lot of our assistance food, water, medicine, work. But as we attend to the need of the poor the Holy Fathers says let us also receive from the poor, the poor have riches, wealth that most of us do not posses.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.
Tema ng ikalimang taon na paggunita ng World Day of the Poor ang “The poor you will always have with you”