275 total views
Pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang misa at ang sakramento ng ordinasyon ng apat na dekano ng Lorenzo Ruiz Mission Society sa Cathedral Basilica ng Immaculate Conception.
Ang mga inordinahan bilang mga bagong pari ay sina Reverend Fathers Joseph Mary Sigfred Arellano; Aidan Zaballer; Joel Bonina; at Riel Palmario.
Ang Lorenzo Ruiz Mission Society ay itinatag noong 1997.
Habilin ni Cardinal Tagle sa mga bagong pari na ang pagmamahal kay kristo ay pundasyon ng tunay na paglilingkod.
“The foundation of true service and ministry is the love of Christ,” ayon kay Cardinal sa kauna-unahang ordination rites na isinagawa sa Manila Cathedral kasabay ng pagsisimula ng Year of the Clergy and Consecrated Persons ngayong taon.
Ipinaalala ni Cardinal Tagle sa mga bagong pari ang pagiging mapagkumbaba sa halip na magmarunong ng higit pa sa Panginoon.
“Jesus will remain the shepherd and we should not take over. We just feed the sheep. We are the humble caretakers, custodian. Huwag tayong magpapanggap! Ang mamamahala sa simbahan, kung mahal natin si Hesus, hahayahan natin siyang mag-alaga sa simbahan at tayo ay collaborators, tagapangalaga.” pahayag ni Cardinal Tagle
Ang Lorenzo Ruiz Mission Society ay may 30 mga pari at 40 mga seminarista.
Bago ito una na ring itinatag ng nooy si Manila Archibishop Jaime Cardinal Sin ang Lorenzo Mission Institute (LMI) noong 1987 para mapaigting ang mga apostalado ng Filipino-Chinese sa bansa na pinasimulan noong 16th century ni Bishop Domingo Salazar ang kauna-unahang obispo ng Manila.
Ang apat na bagong pari ay karagdagang pari sa higit sa 10,000 pari sa buong bansa base sa 2016 catholic directory.
Ngayong taon, ipinagdiriwang ng simbahan ang Year of the Clergy and Consecrated Person: Renewed Servant Leaders for the New Evangelization na hangarin din na bigyang tuon ng simbahan ang paghihikayat ng bagong papasok sa bokasyon ng pagpapari.