1,642 total views
Ito ang mensahe ni San Fernando La Union Bishop Daniel Presto – Vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education sa mga magsisipagtapos sa kolehiyo at first time jobseekers.
“Never be frustrated, darating din ang panahon na kayo ang makakakita ng mapapasukan na trabaho alalahanin lamang na maraming mga naghahanap, mga first time job seekers, gayundin ang mga matagal-tagal ng nakapagtrabaho at nawalan ng trabaho, naghahanap parin magpasa-hanggang ngayon, huwag mawawalan ng pagasa,” Batid ng Obispo na marami ang nahihirapang makahanap ng trabaho kaya’t hinikayat nito ang mga magsipagtapos na dagdagan ang mga kasanayan.
Inihalimbawa ng Obispo ang pagsusulit sa Civil Service Commission at pagkamit ng Technical Education and Skills Development Authority certifications.
“Kung sakali na matanggap na o makatanggap na ng trabaho ay dapat mahalin ang trabaho, mahalin, huwag magpapabaya sapagkat marami ang naghahanap rin, mahalin ito,” ayon pa ng mensahe ng Obispo.
Sa bahagi ng pamahalaan, unang nilagdaan ng Department of Labor and Employment ang mga rules and regulation ng First Time Jobseekers Assistance Act Inter-Agency Monitoring Committee (FTJAA-IAMC).
Sa ilalim nito libreng makukuha ng mga first time jobseekers ang mga requirements na kinakailangan o hinihingi ng kanilang mga employers kung saan inaasahan na makakatipid ng hanggang 2-libong piso