1,054 total views
Hindi dapat maging hadlang ang anumang takot upang gampanan ng bawat isa ang kani-kanilang tungkulin sa buhay at bansa.
Ito ang inihayag ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa problema ng kaayusan, kapayapaan at karahasan na nagaganap hindi lamang sa Negros island kundi sa buong bansa.
Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat normal lamang na makadama ng takot mula sa iba’t ibang-banta sa buhay at kaligtasan ay hindi dapat ito maging hadlang sa pagsusulong ng kapayapaan, katotohanan at misyong iniatang ng Panginoon para sa bawat isa.
Inihalimbawa ni Bishop Alminaza ang pagkakadawit ng mga lingkod ng Simbahan sa kasong sedisyon laban sa pamahalaan ay patuloy pa ring matapang na naninindigan para sa katotohanan at katarungan.
“Nakakatakot talaga pero yung sabi ko talagang bahagi ito kung talagang ginagawa lang naman natin ay sa pagsunod kay Kristo, tama naman yung ginagawa natin, wala naman tayong ginagawang masama o mali, tama nga bilang tao matakot tayo. Pero sana naman huwag nating hintuin yung dapat nating gawin bilang mamamayan, bilang Kristyano, bilang Filipino. Halimbawa kahit kaming mga Pari, kaming mga Obispo kahit may mga sinasampahan ng kaso na kinakasuhan kami, ina-accuse kami, iba sa amin nire-red tagging ay patuloy pa rin naming gawin ang dapat naming gawin”.pahayag ni Bishop Alminaza sa pahayag sa Radyo Veritas.
Sa tala mula taong 2017, mahigit na 85-indbidwal ang napapaslang sa Negros island na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyang katarungan.
Matatandaang ika-28 ng Hulyo ng magsimula ang papatunog ng kampana sa buong Diocese of San Carlos.
Read: Karahasan sa Negros island, hindi pa rin nasusupil
Diocese ng San Carlos, kaisa sa National Day of Mourning laban sa karahasan at kawalang katarungan