Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag samantalahin ang Pinoy resiliency

SHARE THE TRUTH

 470 total views

Mga Kapanalig, matinding pag-ulan ang naranasan ng ating bansa, lalo na rito sa Luzon, nitong mga nakaraang linggo. Dumaan ang mga Bagyong Dodong, Egay, at Falcon, at sa pagdaan nila, hinatak din nila ang hanging habagat na nagdala ng matinding pag-ulan sa mga lugar na hindi direktang tinamaan ng mga bagyong ito. Nag-iwan ang tila walang humpay na pag-ulan ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, flashflood, at matinding trapik.  

Sa kabila ng perwisyong iniwan ng mga kalamidad na ito, hindi napigilan ng ilan nating kababayang idaan ang mga ito sa katuwaan. Sa isang bansang gumón sa paggamit ng social media, kasimbilis ng pagtaas ng tubig-baha ang mga post at video kung saan ipinakikita ng mga kababayan natin kung paano nila inaaliw ang kanilang sarili sa gitna ng kanilang nararanasan. Sa isang video, halimbawa, masayang iminuwestra ng isang kababayan natin ang iba’t ibang level ng baha sa kanilang lugar—mula level one na hanggang hita lamang hanggang sa level five na lampas leeg.

May mga nagsasabing pagpapakita ito ng ating “resiliency” o katatagan sa harap ng kalamidad. Nakukuha nating tawanan ang ating mga problema at ang mga bagay na nakapeperwisyo sa atin. Hinahanapan natin ng “positive vibes”, ‘ika nga, ang mga nakalulungkot o nakapapagod na pangyayari. Hinahangaan natin ang mga kababayan nating apektado na nga ng bagyo at pagbaha, ngunit nagagawa pa ring ngumiti sa harap ng camera. 

Makitid ang ganitong pag-unawa sa salitang “resiliency”. Tumutukoy ang resiliency sa kakayahan nating makabangon agad o makapag-adjust sa kasawian o pagbabago. Hindi ito naipakikita lamang sa pagiging masayahin at mistulang pagtanggap natin sa ating kalagayan tuwing may kalamidad kahit pa paulit-ulit itong nangyayari. Hindi ito naipakikita lamang sa mabilis nating pag-move on pagkatapos ng masamang pangyayari sa ating buhay. 

Ang makitid na pag-unawa sa salitang “resiliency” ang sinasamantala naman ng mga may pagkukulang sa kanilang responsabilidad na tiyaking ligtas ang mga mamamayan sa panahon ng kalamidad, at, una sa lahat, hindi makaranas ng matinding hirap ang mga tao anuman ang panahon. Ang mababaw na pagpapakahulugan sa resiliency ay nagiging daan upang malihis ang ating atensyon sa mabagal na paghahatid ng tulong sa mga nasalanta katulad ng mga magsasakang nawalan ng kabuhayan at mga mangingisdang hindi makapalaot. Nagiging daan ito upang hindi na natin hanapin ang ating mga lider at alamin ang kanilang mga planong gawin. Nagiging daan ito upang hindi na usisain ng publiko ang mga malalalim na dahilan kung bakit matindi ang pagbaha sa kanilang lugar katulad ng palpak na mga imprastraktura, kabiguang pigilan ang pagsira sa kagubatan, at hindi maayos na pangungulekta ng basura. Salamat sa makitid na pag-unawa sa resiliency, naiiwasan ng ating mga lider ang mga puna at batikos ng taumbayan. 

Nauunawaan naman natin kung mas pinipili ng marami sa atin, lalo na ng mga naapektuhan ng kalamidad, na dumiskarte na lamang—at maging positibo—sa harap ng paghihirap. Ngunit hindi sana tayo masanay sa ganito. Nagiging hadlang ito sa tinatawag ng ating Simbahan na common good o kabutihang panlahat. Umiiral ang kabutihang panlahat kapag ang mga kalagayan sa ating lipunan ay nagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang makapamuhay nang ganap. Samakatuwid, dapat nating isaalang-alang din ang kapakanan ng ating kapwa, bagay na hindi natin magagawa kapag tahimik tayo sa mga kakulangan ng gobyerno at kapag tinatanggap na lamang natin ang ating pagtitiis, kagaya sa tuwing may kalamidad. 

Mga Kapanalig, habang tinutulungan natin ang isa’t isang bumangon sa sunud-sunod na kalamidad sa ating bansa, huwag nating kalimutang may gobyerno tayo. Kaakibat ng sinasabi sa 1 Pedro 2:13 na “pasakop [tayo] sa lahat ng may kapangyarihan sa bayan” ang tungkulin nating papanagutin sila sa kanilang mga pagkukulang. 

Sumainyo ang katotohanan.  

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 22,136 total views

 22,136 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,792 total views

 36,792 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,907 total views

 46,907 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 56,484 total views

 56,484 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,473 total views

 76,473 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 22,137 total views

 22,137 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,418 total views

 2,418 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 36,793 total views

 36,793 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 46,908 total views

 46,908 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 56,485 total views

 56,485 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 76,474 total views

 76,474 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,929 total views

 47,929 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,954 total views

 42,954 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,523 total views

 46,523 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,978 total views

 58,978 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,045 total views

 70,045 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,364 total views

 76,364 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,975 total views

 80,975 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,535 total views

 82,535 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,096 total views

 48,096 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top