Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Huwag sayangin ang mga bakuna

SHARE THE TRUTH

 200 total views

Mga Kapanalig, nang magsimula ang pandemya, lagi nating ipinagdarasal na matuklasan ng mga siyentipiko ang bakunang pipigil sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na COVID-19. Sa awa ng Diyos, bagamat mabagal, unti-unti namang nakakuha at nakatanggap ng mga bakuna ang ating bansa, sapat para mabakunahan ang mahigit 65 milyong Pilipinong target para makamit natin ang herd immunity.

Ngunit ngayon, nasisira at nasasayang lang ang mga bakunang mayroon ang bansa. Kahit pa kaliwa’t kanang pangangampanya ang pinagkakaabalahan ng mga pulitiko, dapat pa ring pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pangangampanya tungkol sa kahalagahan ng pagpapabakuna. Dagsa man ang mga tao sa mga campaign rallies, hindi ibig sabihing tapos na ang pandemya.

Ayon sa Department of Health, humigit-kumulang 45 milyong Pilipino pa ang kailangang maturukan ng COVID-19 booster shot, ngunit 12 milyon pa lamang ang nagpapabakuna nito. Ibig sabihin, nasa 33 milyong Pilipino pa ang kailangan pang mabakunahan. Maging sa Metro Manila na may pinakamataas na COVID vaccination rate, 30% lang ang nagpaturok ng booster shot. Sa mga pag-aaral at survey na ginawa ng DOH, nalamang hindi na raw nagpapa-booster shot ang ilan dahil naniniwala silang mayroon na silang sapat na proteksyon laban sa COVID-19 dahil sa fully vaccinated na sila. May ilan ding naniniwalang may natural immunity na sila mula sa coronavirus.

Sinabi na ng mga ekspertong humihina ang proteksyong ibinibigay ng mga bakuna pagkatapos ng ilang buwan, kaya’t inirerekomenda ang booster shot apat na buwan matapos ang pangalawang primary dose. Base rin sa mga pag-aaral, hindi garantisadong hindi na ulit magkakaroon ng COVID ang mga nabakunahan na, ngunit mas maliit ang tsansang mahawaan silang muli kumpara sa mga hindi bakunado. Kung sakali namang mahawa ang mga bakunado na, hindi magiging kasintindi ng sa walang bakuna ang mga sintomas.

Kinumpirma ng National Vaccination Operations Center noong nakaraang buwan na mayroong mga bakunang nag-expire na at malapit nang mag-expire sa mga darating na buwan. Ito raw ang mga bakunang donasyon ng ibang bansa at binili ng pamahalaan at pribadong sektor. Sa panahong nakararanas na naman ng surge o biglang-dami ng mga kaso ng COVID-19 sa mga kalapit nating bansa pati na sa Amerika at Europa, napakahalagang may karagdagang proteksyon ang bawat isa sa atin. Nakapanghihinayang ang mga bakunang nag-expire na, kaya hindi na dapat hayaang masayang pa ang mga bakunang mayroon ang ating bansa, lalo na’t marami pa rin ang hindi pa nakatatanggap ng kahit first dose ng COVID-19 vaccine. Maliban sa baón na sa utang ang Pilipinas para tustusan ang pantugon sa pandemya, mahigit dalawang taon na ring nahihirapan ang ating mga healthcare workers lalo na sa tuwing mayroong surge ng virus sa bansa.

Upang mapagtagumpayan ang pandemyang ito, kailangan nating makinig sa awtoridad at sa mga eksperto sa kalusugan at sumunod sa kanilang mga rekomendasyong magpabakuna. Kasabay nito, maging maingat tayo sa mga pagbabasa at pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa bakuna lalo na’t laganap ang fake news. Sa ganitong mga paraan, hindi lamang sarili natin ang ating pinoprotektahan, kundi pati ang mga kasama natin sa bahay at ang mga nakakasalamuha natin. Gaya ng pangaral sa mga taga-Filipos 2:4, huwag lang ang sariling kapakanan ang isipin kundi ang kapakanan din ng iba. Ganito rin ang sinasabi sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes: hindi sapat na pansariling kabutihan lang ang ating iniisip, dahil pananagutan ng bawat isa, ayon sa kanyang kakayahan at pangangailangan ng iba, ang isulong ang kagalingang panlahat.

Mga Kapanalig, malaki ang nakaatang na responsibilidad sa pamahalaang ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna, ngunit responsibilidad din ng bawat isang isaalang-alang ang kaligtasan ng ating kapwa sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 46,942 total views

 46,942 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 58,017 total views

 58,017 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 64,350 total views

 64,350 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 68,964 total views

 68,964 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 70,525 total views

 70,525 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 46,943 total views

 46,943 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 58,018 total views

 58,018 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 64,351 total views

 64,351 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 68,965 total views

 68,965 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 70,526 total views

 70,526 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 44,250 total views

 44,250 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,911 total views

 66,911 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 72,487 total views

 72,487 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,968 total views

 77,968 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,081 total views

 89,081 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,080 total views

 85,080 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,782 total views

 72,782 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 81,264 total views

 81,264 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 74,323 total views

 74,323 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 81,247 total views

 81,247 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top