176 total views
Ito ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa kaniyang homiliya sa isinagawang misa sa St. Peter Parish Shrine of Leaders sa Commonwealth Quezon City kasabay ng pag-uulat sa bayan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa.
“Just tell us the bare fact, how ugly they maybe”, ayon kay Bishop Pabillo.
Ang ‘Panalangin ng Bayan at Martsa at Pagkakaisa’ ay dinaluhan ng iba’t ibang sektor kabilang na ng mga taong simbahan na tutol sa pederalismo at malawakang pagpaslang na nagaganap sa bansa.
Partikular din na tinuran ni Bishop PAbillo ang usapin ng kontraktuwalisasyon na kabilang sa pangako ng pangulo bago pa man nahalal bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.
Nag-alay din ng mga tuwalya ang mga nagsidalo sa misa bilang tanda na ang Panginoon ay kabilang din sa sektor ng manggagawa.
Sa pinakahuling ulat ng Integrated Survey on Labor and Employment (ISLE) bumaba ng walong porsiyento ang bilang ng non-regular employee na mula sa dating 1.3 milyon noong 2014 ito ay naitala na lamang sa 1.1 milyon sa taong 2016.
Sa kabila nito, base naman sa Philippine Statistics Authority sa taong 2017 may 2.1 milyon ang mga Filipino ang ‘unemployed’ o pagtaas ng 145,000 katao kumpara sa nakalipas na taon.
Una na ring nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippins (CBCP) sa pamamagitan ng pastoral letter noong 2016 na bigyan pagkilala ang mga manggagawa na katuwang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng endo o ‘contractualization.