Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibabaon na lamang ba sa limot?

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Mga Kapanalig, ang alaala ay isang kapasidad na katangi-tangi sa tao. Sa pagkakaalam natin, walang ibang nilalang sa mundo ang may alaala, o may kakayanang gunitain ang mga pangyayari sa kanyang buhay at pagmunihan ang kahulugan ng mga ito. Sadyang natatangi ang alaala sa ating mga kakayanan bilang tao; maging ang ating relasyon sa ating kapwa, sa Diyos, at maging ang pagkakilala natin sa ating sarili ay nababalot ng alaala. Kung wala kang naaalala, hindi ba’t maging ang sarili mo ay hindi mo na rin kilala? Ang mga may Alzheimer’s Disease ay nawalan ng alaala kung kaya’t hindi sila nakakakilala ng iba at ang kanilang sarili. Tunay ngang ang alaala ang pinto sa ating kaluluwa.

Ang isang bansa ay lumilikha ng mga bantayog upang magpaalala sa kanila at sa susunod na salinlahi ng mga pangyayaring itinuturing nilang mahalaga sa kanilang kasaysayan.  Maraming mga bantayog na nagdadakila sa kabayanihan. Nariyan ang mga bantayog ng mga kilalang bayani tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Ninoy Aquino. Nariyan din ang mga bantayog na dinadakila ang kabayanihan ng mga ordinaryong mamamayan, tulad ng bantayog sa Bataan at sa EDSA. Subalit wala tayong mga bantayog na nagpapagunita ng kabaligtaran ng kabayanihan. Dito sa ating bansa, may bantayog ba tayong naiisip na nagpapagunita ng ating kaduwagan, kataksilan, karahasan, at pang-aapi sa kapwa?

Sa siyudad ng Berlin sa Germany, mayroong isang kakaibang bantayog, tila isang parke na ang tanging nakatayo ay hile-hilera ng animo’y mga puntod na iba’t iba ang taas. Kapag dumadaan ang mga tao sa pagitan ng mga ito, pakiramdam nila ay nagiging bahagi sila ng bantayog. Hindi nila makuhang tumawa, kahit sila ay nagpapa-retrato pa, at hindi nila makuhang magsalita ng mga walang katuturang bagay. Sagrado ang pakiramdam sa paligid. Ito po ang Memorial to the Murdered Jews of Europe, isang bantayog upang gunitain ang holocaust o ang malawakang pagpatay ng mga Nazi, sa utos ng diktador na si Adolf Hitler, sa milyun-milyong mga Hudyo.  

Kakaiba ang bantayog na ito dahil hindi lamang siya nagsisilbing tagapagpagunita para sa mga biktima at “survivors” ng holocaust. Nagpapaalala rin siya sa mga gumawa ng pagpatay, o “perpetrators” ng holocaust. Ang bantayog ay simbolo ng pag-amin at pag-akò ng mga Aleman na naging bahagi sila sa malagim na yugtong ito ng kasaysayan ng sangkatauhan.  

Tayong mga Pilipino ay may dinaanan ding mga madidilim na nakaraan. Isa sa hindi pa malayong naganap ay ang panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos kung kailan marami ang pinatay, na-torture, nawala, at ‘di na nahanap at ipinapalagay nang patay. Subalit tila marami sa ating mga kababayan ang hindi na ito naaalala. May nagsasabi pa ngang hindi totoong naganap ang mga pagpatay na ito. Wala naman kasing mga “perpetrators” o mga taong pumatay na lumatad, nalitis, at umakong sila nga ay gumawa ng mga ganoong bagay.  Mayroong libu-libong mga nakulong, na-torture at napatay, subalit wala tayong kilalang nagkulong, nag-torture, at pumatay. Kaya ngayon, nakalulungkot na ang alaala natin bilang isang bansa sa madilim na panahon ng Batas Militar ay may bahid ng pagtanggi at paglimot.

Mga Kapanalig, para sa ating mga Katoliko, ang simbolo ng ating pananampalataya ay ang krus, na kung tutuusin ay isang simbolo ng kahihiyan dahil tagapagpaalala ito ng iskandalo ng kasalanan ng tao. Subalit ang kasalanang ito ay pinatawad, niyakap, at inakò ni Hesus para sa atin. Kung wala ang alaala ng kasalanan at kadiliman, walang magaganap na pagpapatawad at pagbabalik sa katotohanan at kabutihan. Mahalaga ang mga bantayog na magpapagunita sa atin ng mga madidilim na bahagi ng ating kaluluwa bilang isang bansa—ang mga kaduwagan, kataksilan, karahasan, at pang-aabuso na ating nagawa—upang hindi na natin sila uulitin. Huwag nating hayaang mabaon ang mga ito sa limot.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 10,260 total views

 10,260 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Mental Health Awareness Month

 41,399 total views

 41,399 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 46,985 total views

 46,985 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 52,501 total views

 52,501 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 63,622 total views

 63,622 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 10,261 total views

 10,261 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 41,400 total views

 41,400 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 46,986 total views

 46,986 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 52,502 total views

 52,502 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 63,623 total views

 63,623 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 78,088 total views

 78,088 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 65,790 total views

 65,790 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 74,272 total views

 74,272 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 67,331 total views

 67,331 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 74,255 total views

 74,255 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 71,349 total views

 71,349 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 81,850 total views

 81,850 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 96,923 total views

 96,923 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 102,887 total views

 102,887 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 107,034 total views

 107,034 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top