Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ibahagi si Hesus sa kapwa, obligasyon ng bawat binyagan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 353 total views

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na bilang binyagan bawat isa ay isinugo upang ibahagi si Hesus.

Ito ang pagninilay ng arsobispo sa kapistahan ni San Judas Tadeo sa misang ginanap sa National Shrine of St. Jude Thaddeus sa Manila.

Ayon kay Cardinal Advincula tulad ng mga apostol lahat ng binyagang kristiyano ay inaanyayahang maging misyonerong naghahatid ng mabuting balita sa lipunan.

“My dear brothers and sisters, we have much to learn from St. Jude Thaddeus. Katulad niya, tayo ay tinatawag ni Hesus na maging alagad; ang bawat binyagan ay alagad ni Hesus; at bilang mga alagad tayo din ay isinusugo upang ipahayag si Hesus,” bahagi ng homilya ni Cardinal Advincula.

Paliwanag pa ng cardinal na ang paghahayag kay Hesus sa kapwa ay magagawa sa pamamagitan ng mga gawain sa araw-araw tulad ng pagsusumikap na maging mabuti, maunawain, mapagpatawad, mapagbigay at higit sa lahat ang mapagmahal.

“In simple and ordinary ways, we can be apostle of Jesus,” ani Cardinal Advincula.
Binigyang diin ng arsobispo na maisasakatuparan lamang ito kung ang bawat isa ay nakaugat sa pag-ibig ni Kristo at may malalim na ugnayan sa Panginoon.

Sinabi nitong nakababahala ang paghahayag ng salita ng Diyos kung hindi nakaugat kay Kristo ang tao sapagkat maaaring kuro-kuro at sariling opinyon lamang ang maibabahagi sa kapwa.

“Ang tunay na alagad ay ipinahahayag si Hesus dahil mayroon siyang malalim na ugnayan sa Panginoon,” dagdag ng Cardinal.

Sa banal na misa, muling hiniling ni Cardinal Advincula sa mamamayan ang sama-samang pagluhog sa pamamagitan ni San Judas Tadeo na matapos na ang krisis pangkalusugan bilang ang santo ay tinaguriang patron ng mga imposibleng bagay.

Pinasalamatan ni Cardinal Advincula si Fr. Lino Nicasio, SVD and rector at parish priest ng pambansang dambana at ang Society of the Divine Word congregation na nangangasiwa sa lugar.

Bukod sa nasasakupang mananampalataya, at SVD family dumalo rin sa pagtitipon si Sri Lankan Ambassador to the Philippines Shobini Gunasekera at mga kasamahan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 26,777 total views

 26,777 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 34,113 total views

 34,113 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »

Deserve ng ating mga teachers

 41,428 total views

 41,428 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »

Makinig bago mag-react

 91,749 total views

 91,749 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »

Protektahan ang mga mandaragat

 101,225 total views

 101,225 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Ordination ng Bishop-elect ng Diocese of Gumaca, itinakda sa December 28, 2024

 792 total views

 792 total views Itinakda ng Diocese of Gumaca ang episcopal ordination ni Bishop-elect Euginius Canete, JR., M.J sa December 28, 2024. Ito ang inanunsyo ni Gumaca Diocesan Administrator Fr. Ramon Uriarte bilang paghahanda ng diyosesis sa pagdating ng bagong pastol. Gaganapin ang ordinasyon sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Vocation is a way of life, paalala ni Bishop Dael sa mga seminarista

 796 total views

 796 total views Pinaalalahanan ni Tandag Bishop Raul Dael ang mga seminarista na paigtingin ang pananalangin upang higit maramdaman ang kalinga ng Diyos. Inihalintulad ng obispo ang buhay ng mga banal na sa kabila ng mga kahinaan ay patuloy nagtitiwala sa kalinga ng Panginoong nakikilakbay sa bawat misyong kinakaharap. Binigyang diin ni Bishop Dael na ‘vocation

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Cardinal Tagle sa deepfake AI

 867 total views

 867 total views Muling nagbabala ang opisyal ng Vatican sa mananampalataya na maging maingat sa mga nababasa at napapanuod online. Ayon kay Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle, laganap sa internet ang mga Artificial Intelligence (AI) generated content na kadalasang sanhi ng pagkalinlang ng maraming mamamayan. Tinuran ng cardinal ang kanyang mga AI

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish, humingi ng paumanhin sa kontrobersiyal na concert

 1,455 total views

 1,455 total views Humingi ng paumanhin ang Nuestra Senora del Pilar Shrine and Parish sa Mamburao Occicdental Mindoro sa mga nasaktan sa nangyaring pagtatanghal sa loob ng simbahan kamakailan. Aminado si Parish Priest Fr. Carlito Meim Dimaano sa mga pagkukulang hinggil sa secular concert sa loob ng simbahan na labis nakasasakit sa damdamin ng mananampalataya dahil

Read More »
Latest News
Norman Dequia

Pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider, apela ng Obispo sa mamamayan

 2,590 total views

 2,590 total views Umaapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mamamayan lalo na sa mga botante na pahalagahan ang karapatang pumili ng mga lider ng bayan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagsisimula ng election season kasunod ng filing of candidacy ng mga naghahangad kumandidato sa 2025 Midterm National and Local Elections. Ayon kay Bishop Uy

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Catholic schools at mga parokya, inatasang makiisa sa “1-million children praying the rosary”

 2,464 total views

 2,464 total views Inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles ang mga parokya at catholic schools’ ng arkidiyosesis na makiisa sa taunang One million children praying the Rosary campaign na inisyatibo ng Aid to the Church in Need (ACN). Ayon sa arosbispo magandang pagkakataon lalo na sa mga kabataan ang nasabing gawain bilang pakikiisa sa pananalangin para

Read More »
Cultural
Norman Dequia

13th gathering of theology seminarians, opisyal na binuksan sa Cebu

 3,236 total views

 3,236 total views Hinikayat ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo ang mga theology seminarian ng Visayas na paigtingin ang buhay pananalangin para sa tinatahak na bokasyong maglingkod sa Diyos at sa kapwa. Ito ang pagninilay ng obispo sa pagbukas ng 13th Gathering of Theology Seminarians in the Visayas (GTSV) na ginanap sa Seminario Mayor de San

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Kalookan, humiling ng panalangin para kay Cardinal elect Ambo David

 3,330 total views

 3,330 total views Humiling ng panalangin ang Diocese of Kalookan para sa patuloy na misyong gagampanan ni Bishop Pablo Virgilio David na kamakailan ay hinirang bilang cardinal. Sa pahayag ng diyosesis na sa pagkahirang bilang cardinal ay mas mapapalawig ni Cardinal-designate David ang tungkuling pangalagaan at lingapin ang kawang nasasakupan lalo’t higit ang nangangailangan. “We believe

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Palawakin ang pagmimissyon, hamon sa charismatic group sa Pilipinas

 3,834 total views

 3,834 total views Hinakayat ni Motivational Speaker at Light of Jesus Family Preacher Bro. Arun Gogna ang mga charismatic communities ng Pilipinas na mas palawakin ang pagmimisyon sa buong pamayanan. Ayon kay Gogna dapat pangunahing gawain ng mga charismatic groups ang paglingap sa mga nalalayo at nananamlay ang pananampalataya upang sa tulong ng Espiritu Santo ay

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CBCP President, itinalagang Cardinal ni Pope Francis

 4,715 total views

 4,715 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng simbahan. Inanunsyo ng santo papa ang paglikha ng 21 bagong cardinal ngayong araw na ito October 6 sa pinangunahang Angelus sa Vatican. Si cardinal-designate David na kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang ikasampung Pilipinong cardinal

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya hinimok na makiisa sa “day of prayer and fasting for peace”

 5,766 total views

 5,766 total views Umapela si Cebu Archbishop Jose Palma sa mamamayan na makiisa sa panawagang Day of Prayer and Fasting for Peace ng Papa Francisco sa October 7. Sinabi ng arsobispo na malaki ang maitutulong ng mga panalangin, pag-aayuno at pagsasakripisyo para sa matamo ng mundo ang kapayapaang hatid ni Hesus lalo na sa mga bansang

Read More »
Cultural
Norman Dequia

CHARIS convention, napakahalagang paghahanda sa Jubillee 2025

 6,058 total views

 6,058 total views Inihayag ni Cebu Archbishop Jose Palma na magandang pagkakataon ang isinasagawang CHARIS Convention upang manariwa sa damdamin ng tao ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa tulong at gabay ng Banal na Espiritu. Ito ang mensahe ng arsobispo sa nagpapatuloy na CHARIS National Convention na binuksan nitong October 4. Sinabi ni Archbishop Palma

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Ipagdasal ang bagong Obispo ng Diocese of Cubao

 6,077 total views

 6,077 total views Humiling ng panalangin at pakikipagtulungan si Cubao Bishop Emeritus Honesto Ongtioco sa mananampalataya ng diyosesis sa pagtalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ng bagong obispo ng diyosesis. Ayon kay Bishop Ongtioco,mahalaga ang suporta ng mananampalataya sa pagsisimula ng pagpapastol ni Bishop-elect Fr. Elias Ayuban, Jr., CMF. “I humbly ask all the faithful of our

Read More »
Cultural
Norman Dequia

“It’s always a call to service, I am ready!”-Bishop-elect Cañete

 7,629 total views

 7,629 total views Ito ang mensahe ni Fr. Euginius Cañete, MJ makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang obispo ng Diocese of Gumaca sa Quezon. Bagamat may mga agam-agam sa mas malaking misyon ipinagkatiwala ni Bishop-elect Cañete sa Panginoon ang paggabay upang magampanan ang tungkuling pagpastol sa diyosesis. Naniniwala ang bagong obispo na makatutulong ang kanyang

Read More »
Disaster News
Norman Dequia

Kaligtasan ng mamamayan mula sa malakas na lindol, panalangin ng Obispo

 8,484 total views

 8,484 total views Ipinapanalangin ni Virac Bishop Luisito Occiano ang kaligtasan ng mamamayan ng Catanduanes at karatig lalawigan kasunod ng 6.1 magnitude na lindol. Apela ng obispo sa mamamayan na magtulungan ipanalangin kasabay ng pagiging alerto sa epekto ng mga pagyanig. “Nakausap ko yung mga pari na assign dun sa lugar ng epicenter awa ng Diyos

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top