1,745 total views
Tiniyak ng Ibon Foundation ang pagpapatuloy ng mga pag-aaral batay sa mga datos ng pamahalaan at nakakalap na impormasyon upang maging batayan ng pagbabago ng lipunan.
Ito ang mensahe ni Sonny Africa – Executive Director ng Think Tank Group sa pagdaraos ng Ibon Foundation sa 2023 Midyear Birdtalk.
“Kung may mali kami sa sinasabi namin handa kaming iwasto yun pero kung may sinasabi kami na may sapat na datos at batayan naman, sana naman pakinggan ng pamahalaan kasi hindi naman namin ito sinasabi para mang-asar lamang at kungdi para maging kritikal,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Sonny Africa.
Ayon kay Africa, mananatiling matatag ang institusyon upang magkaroon ng mga pag-aaral na mula sa mga pinagkakatiwalaang ahensya upang matulungan ang ibat-ibang sektor ng lipunan na magkaroon ng batayang datos sa kanilang mga isinusulong na adbokasiya.
Mananatili ding matatag at handa ang Ibon Foundation laban sa “red-tagging” sa pagsusulong ng katotohanan.
“So sa usapin ng redtagging ang sagot lang namin doon kung may batayan yung pagbabansag samin na pagsuporta sa terrorism”.pahayag ni Africa sa Radio Veritas
Bukod sa Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern, sinuportahan ng Church People – Workers Solidarity o CWS at Ecumenical Institute for Labor Education and Research ang mga pag-aaral ng Ibon Foundation tulad ng 1,160-pesos family living wage.